"Hana, dul, set, net... uhhh. Jusq ano nga uli sunod ng net?" Nakakafrustrate palang mag-aral ng language na di mo kinalakihan. Nako, pasalamat ka Jisung.
So ayun nga. Nag-aaral na ako ng basic Korean. Paano ba naman kasi hindi kami nagkakaintindihan ni Jisung minsan lalo na pag nag-uusap ng concept. Yung isang vid tuloy namin mukhang pinagtripan.
"Noona-ya, what concept do you want for our vid?" Tanong ko sa kaniya habang nandito sa practice room ng company.
"Waacking?"
"Ah. Alright, let's choose a song. I have a song in mind."
"Igeon mwoya? [What is this?]" He asked. Paano ba naman kasi lively na children's song yung plinay ko.
"What? Akala ko wacky." Naguluhan siya sa sinabi ko. Ay, Koreano nga pala 'tong kausap ko.
"Mian. I thought you said wacky like playful or happy happy." Explain ko naman sa kaniya kasi nga gulong gulo na siya.
"Yeah! Waacking" Huh? Sabi ko nga.
"Huh?" Parang ako na yung naguguluhan ngayon ah.
"Waacking. WA-KING" Ay jusko po.
At yun na nga. NG po ang aming first dance choreo simula pa lang dahil lang sa isang word. Anyway, medyo pahapon na rin at balita ko kagigising ni Jisung. Late pala talaga nagsisimula araw nila 'no. Dahil night owl din naman ako, nagkasundo na lang din yung parehong management namin na late ang practices and filming unless outdoor filming at kailangan ng araw.
"Noona! Ireona~ Kaja! [Older sister! Bangon na~ Tara na!] " Sigaw ko naman habang pinapractice yung mga inaral kong Korean words galing internet.
"Wah. Jinjja? [Really?] Why are you speaking Korean now?" Dahan-dahan niyang sabi. Parang mas madali ata kung siya tuturuan ko mag-English eh.
"Ey. I'm learning for you kaya!" Sabi ko naman. Enthusiastic din naman si Jisung sa mga tinuturo kong Filipino expressions. Una kong tinuro syempre hatdog saka charot. Kaya sa next concert nila dito, nako, aabangan ko talaga 'yon.
As usual, medyo nahihiya-hiya pa yung tao pero magwawarm up din yan. Lagi nga lang nakayuko sa phone.
"Do you miss your teammates?" I asked kasi mukhang may kinakalikot siya sa phone niya. Baka kausap yung hyungs niya. Siya nga hyung din tawag sakin eh. Hays.
"A bit." Tipid niyang sagot. Mukhang busy talaga, sarap guluhin.
YOU ARE READING
Beautiful Time [SHORT STORY]
Fiksi Penggemar[JISUNG] A well-known idol-singer and an established vlogger-influencer, both phenomenal dancers. An opportunity of a lifetime. Will this opportunity turn out to be a career-ending disaster or a life changing moment in time?