Part 5: Stay

4 0 0
                                    

Next day, hectic na naman ang schedule since nalalapit na yung deadline ng firt ep ng dance series. May konting VTR lang introducing us as dancers.

"Hi, I am Jisung and my dance style is popping and locking" he said, waving cutely to the camera. Grabe, magkaage ba talaga kami nito?

"Hello, I'm Zen and I do waacking and hip hop" sabi ko naman.

In between filming nag-usap na rin kami about sa dance styles namin and I learned na popping and locking talaga yung una niyang natutunan bata pa lang. Halata naman kasi mastered niya na talaga.

For the first day ng prep for the first ep, napag-usapan lang namin yung content and theme. Since bago lang kami magkakakilala medyo kinakapa pa namin yung style ng isa't isa.

"Why don't you describe each other?" sabi ni Managernim na trinanslate naman ni Ate Rina.

"Jisung is....." mabagal na sabi ko. Hmm pano ba siya idedescribe? Pogi, magaling sumayaw, charming, cute, ang dami eh!

Halata namang inaabangan nila sagot ko.

"Jisung is shy, really shy." Napayuko naman habang nakangiti si Jisung habang sila Sam, Ate Rina at managernim nag-agree.

"How about you? How do you describe Zen?" tanong naman ni Ate Rina kay Jisung kaya napatingin si Jisung sakin. Nagulat naman siya sa medyo matagal na pagtingin naman sa isa't isa kaya umiwas na siya ng tingin.

Hay nako, mahiyain talaga.

"Jen-hyung is.... Unique?" Wow di ko alam kung compliment ba yun or what.

"Unique? HAHAHA. Unique ka raw" pang-aasar pa ni Sam.

Nagbrowse lang ako ng mga kanta sa iTouch ko habang si Jisung naman naghahanap din. Iniwan na rin nila kami para makapili na kami ng kanta at magchoreo na rin.

--

"How about this?" tanong ko sa kaniya habang pinapakinig yung Without Me ni Halsey. Maganda yung beat and keri naman ichoreo.

"Watch this." Sabi ko pa habang pinapanood sa kaniya yung blindfold challenge ni Kaycee Rice at Sean Lew.

[for reference: Without Me performed by Sean and Kaycee, choreography by Matt Steffanina]

"Uhh..." Halata namang na-shy siya lalo na sa part na may jump tapos hug parang iDawn Zulueta mo ako lang ang peg.

Nahalata ko naman na di niya masyado bet so naghanap na lang din uli ako.

--

"Da dadada da da tum tum" Explain ni Jisung sakin habang pinapakita niya yung step.

Agad ko naman siyang sinundan sa ginagawa niya. The whole time ineenjoy lang namin yung pagchochoreo ng sayaw. May mga times pa na niloloko-loko namin yung mga step.

Pansin ko lang, sobrang dedicated niya talaga sa pagsasayaw eh. Grabe, passion kung passion kaya bilib ako dito sa noona ko eh.

"Wae?" tanong niya sakin. Pansin niya siguro yung titig ko sa kaniya.

"Huh? Ah. Nothing." Sagot ko naman sabay play na uli ng music na pinakikinggan namin.

Around 12 am na rin kami natapos sa sayaw. Bukas polishing na lang and styling para sa filming. Then the next day, filming na para may time pa yung editors before the premier ng video namin. Ngayon pa lang kinakabahan na ako eh.

After namin magpack-up, malapit na mag-ala una. Siguro tulog na si Sam kaya di niya na rin ako masusundo. Walking distance lang din naman yung dorm mula dito eh.

"Managernim!!" salubong ko kay managernim sabay akap sa braso niya. Eh kung si managernim na lang kaya manager ko?

"Where's your manager?" tanong naman niya.

"She's probably at the dorm already. She had to do errands for me earlier." Tumango naman siya at naglakad na kami pauwi.

Tahimik lang kami sa daan nang mapatingin ako sa lasing na kumakain ng Cornetto sa Ministop. Parang masarap ah.

"Jamkaman. [Wait]" sabi ko sabay bili ng tatlong Cornetto para samin. Naalala ko rin na gusto pala ni Jisung kanina ng ice cream kaya lang wala si managernim saka di namin alam kung pwede.

At least ngayon, wala na siyang magagawa. Hehe.

"Aigoo. You're so messy" sabi ko habang pinupunasan kamay ni Jisung gamit panyo ko. Para akong baby sitter nito. Wala rin kasing dala si managernim na wipes. Eh tulo tulo na yung ice cream sa kamay niya.

Buti na lang at madaling araw na, mahirap na at baka maissue kaming dalawa nito. Di ko na alam nako.

--

"Oh my gosh, totoo ba?" pagpapanic ko sa loob ng dance room habang kausap si Sam over the phone. Practice day lang namin ni Jisung ngayon para sa second ep ng series.

"Yeah! Icheck mo pa!" sagot naman niya na medyo nagpapanic din. Agad ko namang binaba ang tawag at chineck ang youtube trending page.

"WOW! Jisung! Number one trending!" masigla kong sabi sa kaniya sabay yakap. Pareho naman kaming napatalon talon at sumisigaw.

"Wahh. Jinjja? Jinjja jinjja? [Wahh. Really? Really really?]" tanong niya nang paulit-ulit kaya pinakita ko na lang uli sa kaniya yung trending page. At nandun ang first ep namin.

#1 Trending Philippines

Awkward kaming humiwalay sa yakap ng isa't isa pero nakangiti pa rin. First ep pa lang pero success na agad. We still have a long way to go.

"Wait, I'll just call my mom and my hyungs" sabi niya naman kaya tumango na rin ako at umupo muna sa isang tabi habang siya ay nagdidial na sa phone niya. Kami lang namang dalawa dito kaya pinanood ko muna yung first vid namin.

[view vid na ininsert ko :> Stay – Jake Kodish and Jojo Gomez Choreo]

Habang pinapanood ko, medyo naririnig ko pa rin usapan nila kahit di ko maintindihan. Wala rin naman akong ibang mashashare-an ng magandang balita kundi si Sam lang at ang staff namin na sure akong informed na.

Nakakainggit. Minsan, useless din pala yung success kung wala kang makakasamang icelebrate to no. Wala naman akong pamilya o kaibigan, si Sam lang talaga.

Niyakap ko na lang ang mga tuhod ko habang nanonood. Ang ganda ng kinalabasan. Ang galing namin pareho.

Pinipilit kong palitan ng happy thoughts yung mga negative na naiisip ko at di ko namalayan na lumuluha na pala ako. Weird.

"Gwaenchanayo? [Are you alright?]" Rinig kong sabi ni Jisung. Nakabalik na pala siya.

I can't bring myself to say yes and I know na niloloko ko lang sarili ko if I said yes. I tried to wipe my tears but it kept on falling.

"Stay?"

Beautiful Time [SHORT STORY]Where stories live. Discover now