Finale: Our Beautiful Time

9 0 0
                                    

Tahimik kong tinitigan ang ticket at backstage pass. I'm very much prepared pero until now, I'm still contemplating whether I should go or not.

"Gusto mong makita si Jisung, diba?" pang-aasar sakin ni Sam.

"Porket nagkita na kayo ni Jaehan kagabi, nako nako." Pang-aasar ko rin sa kaniya. Excited kasi masyado. Pagkapunta na pagkapunta ng staff ng Dream sa hotel nila kagabi, nagkita agad. If there was anything na naging maganda after ng issue, yun yung relationship nila.

"Inggit ka lang" balik niya naman sa asar ko.

Oo, inggit talaga ako.

"Alis na nga ako." Kunwaring asar na sabi ko sabay labas ng pinto.

Hinatid ako ng company car namin papunta sa venue. Sobrang kabado ko ngayon feeling ko magkakasakit ako o magsusuka. Sobrang excited ko rin na makita sila magperform dahil first time ko rin 'to.

Mabilis na napuno ang New Frontier Theater. Bakit kaya dito lang eh kayang kaya naman nilang punuin ang Araneta o kaya MOA Arena. Sayang naman.

Fan na fan ang get up ko ngayon dahil nakaneon green ako at bitbit ko pa ang lightstick ko. Syempre, fan naman talaga nila ako eh.

Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan. Lalo pa't napakalapit ko sa stage. Any minute now ay lalabas na rin sila. Ako siguro ang pinakakabadong tao rito.

Namatay na ang ilaw at nagsigawan na ang mga fans. Pati ako napasigaw na rin. Pangrelease na rin ng kaba.

Unang kanta ngayong gabi ay Go.

Nakatitig ako sa kaniya habang sumasayaw siya. Gumaling siya lalo. Mas nagmature ang mukha niya at lumalim din ang boses niya. Mas gumaling din ang stage presence niya.

Buong concert, di ko namalayan na nakatitig lang ako sa kaniya. Alam ko namang sa dami ng fans dito ay napakalabong makita niya ako at magtama ang mata namin. Napatago nga ako kanina nung nagkatinginan kami ni Chenle eh. Pero mukhang di naman nila ako kilala kaya parang hindi rin siya naapektuhan.

Ang bilis ng oras, hindi ko namalayan na patapos na pala ang concert.

Beautiful Time na ang pinatugtog. Sobrang kumabog naman ang dibdib ko nang pumwesto pa si Jisung sa harap ko. Parang gusto ko lalong magtago.

Ang ganda ng kanta. Bagay na bagay sa boses niya. Bawat lyrics parang pinapaalala yung moments naming magkasama.

Do you remember that place that you really liked? The doodle we left for fun, they're still there. Just as we left them.

"Rock paper scissor shoot, kai bai bo, bato bato pik. EYY JISUNG, why do you keep on losing."

"Aigoo. Do you want more chicken, noona"

"Yes. Yes"

"Then show me aegyo" Ngiti ko with matching taas baba pa ng kilay.

"Ehhhhh"

"Ppali. You can do it"

"Juseyooo~"

"Aigoo. Whatever, you can have your chicken back"

At the window the sun seeped through I was next to you singing a song. We spent time together. Yeah~

"I need your lovin' lovin' I need it now" rinig ko namang kanta ni Jisung habang pinapractice yung steps na chinoreograph namin kanina.

"When I'm without you, I'm soft and weak" Now, I'm soft and weak.

"You got me beggin' beggin' I'm on my knees"

"Sugar! Yes, please!"

Your shoulder, my shoulder, the touch that was above, barely out of reach

"Do you want me to carry you?"

"No, it's okay!" sagot ko namang mabilis. Pagod na siya kakalift sakin sa sayaw pati ba naman pag-uwi.

"You can lean on me." Sabi niya naman sabay patong ng braso ko sa balikat niya.

Everyday was enjoyable. The starlight that poured on us late at night. Our beautiful time.

Flashbacks of our moments together come rushing through one by one. Next thing I know. Lumuluha na pala ako while looking at him.

I remembered our sunset together. How ironic that it signaled not only the end of the day but also the end for us.

He's now out of reach. Nasa harap ko lang siya pero di ko siya maabot. Baka nga hindi niya na rin ako kilala eh.

I gasped when I saw his eyes met mine. Nagbago ang expression niya at tila nagulat na makita ako rito.

Sa gulat ko ay umalis ako sa section na yun at pumunta sa medyo open area. Ilang minuto na rin ang lumipas mula nang magtagpo ang mga mata namin pero di pa rin ako makarecover ngayon.

Naglalabasan na rin ang iba dahil tapos na ang concert. Heto ako, nasa tabi tinitignan kung gagamitin ko ba itong backstage pass ko o ibibigay na lang o itatapon.

Ilang minuto pa akong nag-isip at desidido na akong itapon nang mapatigil ako sa boses na narinig ko.

Uriye beautiful time

Hindi ako pwedeng magkamali boses ni Jisung yun. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Lilingon ba ako? Tatakbo? Hindi ko alam.

Buong lakas ko siyang hinarap. Parang ang tagal na nung huling beses na ganito siya kalapit.

I missed the feeling. I miss him.

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin. Akala ko yayakapin niya ako pero nakita ko yung unggoy na pinantali ni Aciel sa mga kamay namin sa orphanage.

"Bogoshipeoseo, Jen-hyung" sabi niya. Nandito pa rin ako at hindi pa rin ako makagalaw. Pinaprocess ko pa lahat ng nangyayari.

Kinuha niya ang kamay ko na hawak yung neobong at tinali uli yung unggoy.

Uriye beautiful time, Always, my love

Tinapos niya yung kanta.

Some time may not always be the right time but each time is a beautiful time, with you, my love.

-----------

:>

Beautiful Time [SHORT STORY]Where stories live. Discover now