"Kaja!!" excited na sabi ni Jisung dahil gaya ng wish niya, makakapunta kaming ibang venue ngayon for the filming.
"Ho-ma-li-geu Island" pag-eexplain ko sa kaniya dahil hanggang ngayon di niya pa rin mapronounce nang maayos yung Jomalig Island.
"It's one of the top destinations here in the Philippines. It has one of the best beaches here and in the whole world" rinig ko namang pag-eexplain ni Sam kay Managernim.
Kasama namin buong filming crew ngayon pati staff dahil en route kami to Jomalig Island para sa filming ng Adidas commercial namin pati na rin ng next ep.
"Are you excited?" tanong ko naman kay Jisung
"Very, very, very excited." Sagot niya na may pathumbs up pa. Halata ngang excited siya.
Hindi rin naman ganun katagal yung byahe. Pagdating namin sa hotel, gabi na rin kaya nagdinner na lang kami sa labas. Puro seafood restaurant yung nandito kasi nga tabing-dagat kaya lang hindi raw mahilig si Jisung sa seafood kaya naghanap pa kami.
Hindi rin ganun karami yung turista dito kasi hindi pa season.
Malapit lang sa hotel, may nakita kaming kainan na may seafood and steak. Ang ending ang dami naming nakain. Pati nga si Sam nakailang rice eh.
"I'll just take a walk. I ate too much." Pagpapaalam ko kay Sam pati na rin sa ibang staff.
"Can I come?" tanong naman ni Jisung. Siguro gusto niya rin iexplore yung lugar.
Medyo nag-aalangan naman yung staff namin kasi baka magkaissue nga pero dahil malalim na rin ang gabi, pinayagan na nila kami.
Naglalakad-lakad lang kami ngayon sa tabing-dagat. Ang relaxing.
"What are your plans after this?" tanong ko sa kaniya kahit alam ko namang obvious yung sagot.
"We'll be preparing for our comeback soon. But don't worry, I'll come every once in a while." Kwento niya sakin.
Bumili lang kami ng mango shake sa stall malapit. Grabe, busog na busog na talaga kami.
Napadaan kami sa maraming tao kaya nagulat ako nang mabangga ako tapos napasok sa ilong ko yung straw.
"Pft." Sinamaan ko naman ng tingin si Jisung. Bwisit to. Ang sakit kaya!
"Aw. Apa [It hurts]" Paano na ako iinom nito.
Bigla na lang kinuha ni Jisung yung straw ko at tinapon yun. Saka binigay niya yung straw niya sakin.
Wow naman, improving ah. Kanina lang tinatawanan ako nito.
Naglakad na lang kami pabalik sa hotel dahil bukas for sure, pagod na naman kami dahil sa filming.
--
Maaga kaming nagstart ng filming ngayon dahil maraming kailangan ishoot. Nandito kami sa private part ng island at ang daming camera na nakasetup, lighting and all pero kahit naman wala nun maganda pa rin.
"I need your lovin' lovin' I need it now" rinig ko namang kanta ni Jisung habang pinapractice yung steps na chinoreograph namin kanina.
"When I'm without you, I'm soft and weak" sinabayan ko siya kaya napatingin din siya.
"You got me beggin' beggin' I'm on my knees" kanta niya habang lumuhod. Kasama din yun sa step 'no.
Tinuloy pa namin yung pagpapractice kasi di pa ganun kasakto tas may awkward part pa lalo na nung tinakpan niya labi ko.
"Yah!" sigaw ko naman. Pano ba naman kasi. May buhangin pa palad niya. Bwisit talaga pero tinawanan ko na lang. Tawang-tawa din mga staff namin lalo na si Managernim.
"One two three, rolling!" sigaw ng director. Agad namin kaming nagsimulang kumanta. Kita kong medyo kinakabahan si Jisung kaya naghwaiting sign ako sa kaniya.
"Sugar! Yes, please!" Masigla kong sigaw habang pineperform yung steps.
Sa mga susunod na linya, nagsing and dance na kanina. Nawala na rin yung awkwardness and pati yung director tuwang-tuwa sa kinalabasan ng shinoshoot namin.
"And cut! Thank you for your work! Crew, lights, pack up na. Good job, Zen and Jisung"
Wooh. Magsusunset na rin nang matapos kami. Almost 12 hours na shooting din yun.
Wala naman kaming plans for tonight kasi 5 am kinabukasan agad ang flight namin at alam kong pagod na rin kaming lahat.
"Oo nga pala! Sunset" sambit ko habang lumilingon-lingon. Puro staff lang nakikita kong nagliligpit. Halatang matatagalan pa to.
"Sam, si Jisung?" tanong ko. Tinuro naman ni Sam
Agad kong hinila si Jisung kung saan may best view ng sunset.
"Wow." Sabi niya. The whole time na nandito kami, tinignan lang namin nang tahimik yung sunset. It signifies the end of the day.
Wala siyang ibang sinabi kundi wow. Naalala ko kasi yung time na nakwento niya na di siya masyado nakakapasyal kasi lagi siyang nagtetraining.
"Did you like my gift?" tanong ko. Nirequest ko rin kasi sa management na dito kami magfilm. Buti na lang pumayag ang brand.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"Thank you, noona" sabi niya.
"Lah, you're my noona kaya" sabi ko pa saka humiwalay sa pagyakap.
"I'm thankful that you're my friend." Dagdag niya pa. Natouch naman ako dun.
After sunset, saktong tapos na magligpit yung crew at sabay sabay na kaming bumalik sa hotel. Lahat kami nag-iimpake na at nag-order na lang room service for dinner.
--
Katatapos ko lang magshower. Aayain ko na sana si Sam magdinner at naalala ko naman sila Managernim. Baka gusto nila ng kasabay.
"Noona! Managernim! Jisung!" katok ko sa pinto nila. Walang sumasagot. Baka tulog na.
Pabalik na ako sa room namin nang makasalubong ko si Sam. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"Let's go to our room. I-eexplain ko sayo."
Gulong-gulo naman akong bumalik sa kwarto. Ano bang nangyayari?
"Jisung and Jaehan already went back to Manila. They'll have the soonest flight to Korea" malungkot na sabi niya. Bakas din sa boses niya ang stress at pagkagulat.
"Huh, why?"
"There's been a picture posted online. Marami actually. Mga pictures na kayo lang magkasama and you're rumored na girlfriend daw niya. He went back to Korea for damage control. For now, hindi pa ganun kakalat pero marami-rami na ring nakakita."
I felt bad. I was silent the whole time na nag-eexplain siya. Nagflashback lahat ng kwento ni Jisung from when he started training. He literally sacrificed his childhood for his career and dahil lang sa pictures masisira yun.
"Zen, baby, don't cry."
I didn't even notice I was crying. Paano na ngayon? Ganun na lang yun?
Parang kanina lang magkasama pa naming ineenjoy yung sunset ah. Ang bilis naman.
It was short but it was definitely unforgettable. Sana sa kaniya rin.
Ang bilis ng oras. Kanina lang masaya kami, ngayon our worlds seem to have fallen apart. From sweet to bitter.
Bittersweet.
YOU ARE READING
Beautiful Time [SHORT STORY]
Fanfiction[JISUNG] A well-known idol-singer and an established vlogger-influencer, both phenomenal dancers. An opportunity of a lifetime. Will this opportunity turn out to be a career-ending disaster or a life changing moment in time?