Part 7: Monkey Friends

4 0 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon dahil free day namin at si Sam lang ang kasama ko. May bibisitahin kasi kaming importanteng lugar.

"Sam, tara na!" aya ko sa kaniya kaya lang biglang nagring ang phone niya.

"Really?.... Ah okay, we understand. But you know today's one of those days diba. This is important matter... Right, I'll try to talk to her." Mukhang seryoso ang usapan nila. Mukhang may problema.

Inexplain naman sakin ni Sam yung situation. May emergency daw si Managernim sa Korea kaya umuwi muna siya. Yung kapalit niya raw na assistant manager, on flight pa so walang kasama si Jisung.

"So anong plano?" tanong ko sa kaniya.

"Okay lang ba sayo?" pagbabalik na tanong niya sakin.

"Pero nagpromise tayo sa mga bata. Hindi naman natin pwedeng ipostpone." Sagot ko naman.

"Di rin natin pwedeng iwan si Jisung kasi bata rin yun." Dagdag ko pa na may halong pagtawa.

"Hindi naman siguro niya malalaman." Pagrereassure na sabi sakin ni Sam.

Pinaghanda na namin si Jisung at halata namang excited din siya umalis ng Manila. Papunta kasi kami ngayon sa Tanauan, Batangas para bumisita. May kilala kasi kami dung orphanage na nag-aalaga ng mga cute na bata and ever since, sila na yung beneficiary ko.

Life mission namin ni Sam na magpaaral ng mga batang orphans kaya half ng income namin from projects, gigs and endorsements sa kanila napupunta.

Ilang oras din ang byinahe namin bago kami nakarating dun. Halata namang amazed si Jisung.

"I've never been anywhere in the Philippines aside from Manila." Sabi niya naman. Tumitingin pa sa paligid pagkababa namin ng sasakyan.

"Really? There's loooots of places that you have to see. Boracay, El Nido, Batanes" pagkekwento ko pa. Halata namang sobrang interested niya.

"I want to go there." Sabi niya. Irequest ko kaya?

"Where?" tanong ko pa. Baka may gusto siyang puntahan na specific eh.

"Anywhere, with you." Sagot niya naman.

Medyo napatigil ako dun sa sagot niya. Narinig naman siguro ni Sam yun kaya hinila niya na lang si Jisung papasok sa orphanage.

Wooh. Thanks, Sam

Pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng mga cute na bata. Yung iba madungis pa dahil pinakain na agad ni Sam ng mga chocolates na dala namin.

Agad naman kaming inasikaso ni Nay Linda na head ng orphanage. Medyo matanda na rin siya kaya nakaalalay na sa kaniya si Kean na kababata namin ni Sam. Dito rin sa orphanage lumaki.

Pagtapos naming magtanghalian, kung ano anong paglalaro lang ang ginawa namin kasama ng mga bata habang si Nay Linda nagpahinga muna sa kwarto niya. Tuwang-tuwa pa naman kay Jisung kanina.

"Aba sino ba tong poging kasama niyo, ha Zen at Sam. Jowa niyo ba ito?" tanong niya habang pinipisil pa ang braso ni Jisung. Si Jisung naman awkward na nakangiti at nagbabow pa kay Nay Linda.

"Nako, nay. Wish ko lang." sabi naman ni Sam kaya siniko ko siya.

"Anong wish mo lang. Baliw ka talaga." sabi ko pa sa kaniya. Pinakilala ko naman si Jisung na katrabaho namin ni Sam. Nang titigan naman ni Nay Linda, namukhaan niya rin. Madalas kasing nanonood si Nay Linda ng mga videos ko eh.

Yun din yung dahilan kung bakit ako nagvlog nung una.

"Kuya Pogi, Kuya Pogi, laro tayo nito."

"Kuya pabukas ng lollipop"

"Kuya inaaway ako ni Janjan"

Kinukuyog na siya ng mga bata dito. Halata namang bata rin siya kaya nakipaglaro na lang din siya. Pinahiram niya pa nga si Janjan nung cellphone niya para paglaruin ng Toon Blast.

Daya naman.

"Aba, di niyo ba ako namiss? Di naman niya kayo naiintindihan eh. Ako na lang makikipagplay sa inyo." Nagseselos na sabi ko sa kanila.

Maya maya pa ay niyakap na rin ako ng iba. Pero si Janjan, nandun pa rin nakikilaro ng Toon Blast.

Niyakap ko naman yung ibang bata tapos yung iba nagkwento pa na ang saya raw maglaro sa school nila tapos may mga bagong friends din sila.

"Friend mo rin po siya?" tanong ni Aciel sakin, yung isa pang batang 5 years old dito.

"Opo." Sagot ko naman habang naglalaro ng jackstone kasama siya.

Maya maya pa, nagulat kaming lahat nang umiyak si Janjan na nakakandong kay Jisung. Hala ka. Gulat naman si Jisung at halatang paiyak na rin sa panic. Lumapit naman ako.

"Bakit Jan, sino away?" pag-aalo ko sa bata. Ramdam ko namang nakatingin samin si Jisung. Nakakandong pa rin siya kay Jisung dahil ayaw magpakuha.

"Jelly ko, hulog" nag-abot naman ako ng bagong jelly at binuksan ko na rin at pinakain kasi baka mahulog na naman. Si Janjan kasi pinakabata dito. Pinakaiyakin na rin.

"Nado. [Me too.]" Rinig kong sabi ni Jisung. Bibigyan kona sana siya pero bigla niyang sinenyas na hawak niya si Janjan kaya sinubo ko na rin sa kaniya yung jelly niya.

Napatingin naman ako kay Sam na kanina pa pala nakatingin saming dalawa na kinikilig at nangingisay pa sa tabi. Inirapan ko na lang siya at bumalik na sa pakikipaglaro sa ibang bata.

--

Nagsisimula nang dumilim at malapit na rin kaming umuwi. Tapos na rin kaming lahat sa dinner at pinapatulog na namin ang mga bata. Ilang oras na ang lumipas at tulog na ang karamihan.

Si Janjan at Jisung, ayun di na mapaghiwalay.

Kailangan na rin naming umalis kaso hindi pa siya tulog. Nung tumayo nga si Jisung, umiyak si Janjan eh.

"Jan, sleep ka na ah. What do you want?" sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya para makatulog na siya.

"Kiss." Agad ko naman siyang hinalikan sa pisngi. Tinuturo niya si Kuya Pogi niya aka si Jisung pero parang nag-aalangan din siya.

"Kuya Pogi" sabi niya pa. Di naintindihan ni Jisung pero alam niya naman sigurong siya yun. Kahit nag-aalangan hinalikan niya na rin si Janjan sa cheeks.

Nakatulog na rin si Janjan kaya pinuntahan ko si Aciel. Hindi naman siya iyakin kaya sinabi namin ni Jisung at Sam na paalis na kami.

Nagulat ako nang biglang kunin ni Aciel ang kamay naming dalawa ni Jisung at tinali gamit yung unggoy niyang laruan.

"Friends kayo diba."

Beautiful Time [SHORT STORY]Where stories live. Discover now