GLAZERIE'S POV
Nasa kalagitnaan na kami ngayon ng aming flight papuntang Philippines at tulog si Ate kaya naisipan kong picturan sya dahil puno nanaman ng laway yung bibig nya HAHAHA Sure ako na matutuwa sila Lola dito hihi AH ALAM KO NA! Surprise ko toh kila Lola!, hihihi. Sigurado kong matutuwa sila pag nakita nila toh...Nice idea Glaze! Hahaha galing ko talagaaa nuebayannn? Naisahan ko nanaman po si Ate hihi Napaka-bright ko talagang bataaaa!!! Oops wait, Sa mga Team Glaze jan! Wampoynt na po tayo! Hihihi. Syempre Glaze pa ba? Ano pang aasahan mo sakin? Edi syempre, kapogian at katalinuhan. Di tulad ni Ate, na puro kabaliwan tungkol dun sa kine-kwento nya sa'king katatakutan pero IDON'TCARE, di kaya ko natatakot hihihi...Sinimulan ko ng picturan si Ate gamit yung cellphone ko, hanggang sa nagulantang ako ng biglang may humarang na kamay sa camera matapos mag-flash ang nakakasilaw na ilaw na ikinagising naman ni Ate HAHAHA! Natakot ako dun ah, yun pala isa lang syang FA at sinaway lang ako kasi bawal daw mag-cellphone sa Airplane na sinasakyan namin...Ang sad nga lang pero na bad-trip ako! Sayang! Di ko tuloy magagawa yung surprise ko kila Lola hihihi!
"Uhmmm Sir, Excuse me. Sorry for this situation but using mobile phones inside the aircraft is prohibited. The phone signal can damage the aircraft's system" sabi nung FA.
Kaya agad akong napasara sa aking hawak na cellphone. Ano ba yan! Bad trip! At dahil isa naman akong palaban na independent little man ay sinunggaban ko agad sya dahil sa inis ko nang hindi ko naituloy ay trip ko kay Ate!
"I don't care bitch! Get out of my sight! Leave me!" Sambit ko sa kanya ng may pabulong na "asshole".
At dahil sa inis, nahulog pa yung cellphone ko dito sa pagitan ng kina-uupuan namin ni Ate nung biglang nagkaron daw ng malakas na plane crash, este! Plane turbulence pala na hindi ko naman alam ang ibig-sabihin pero sa tingin ko iyun yung dahilan kung bat ako nangudngod huhuhu! Sorry po sabi kasi ni Mommy and Daddy, clumsy daw ako eh...Lalo na ni Ate, na lampa daw ako :< Btw, meaning daw kasi ng name ko na Glazerie yung "being clumsy but skillful that can knock your door out".
BLYZERIE'S POV
Bigla akong nagising ng may naaninaw akong flash na akin namang ikinasilaw at una palang ay tantyado ko nang si Glaze nanaman ang gawa nito! Hayzzzz la nanamang magawa rawrrrr! Napatawa ako ng mapahiya si Glaze matapos syang pagalitan nung Flight Attendant HAHAHA Yan ang napapala ng batang pilyo na walang ibang ginawa kundi mang-asar at makasira ng araw!
Agad ko naman syang sinaway dahil ayaw na rin naming lumikha pa ng ingay dahil halos lahat ng tao ay natutulog na kasi madilim pa rin naman. Mas lalong ikinagising ng diwa ko nang biglang nag-turbulence yung eroplanong sinasakyan namin kaya ayun...Alam nyo yung natamo ko? HAHAHA Ayun, untog ang ulo sa upuan ng nasa harapan ko na amoy paa. Dahil gising na rin naman ako at ako ay walang magawa, OO! As in! BORED NA BORED! Bumili ako ng kape dun sa mga brochure na pinapakialaman ng kapatid ko...Nagulat ako sa presyo sis! Seriously?! Damn it! Ang mahal naman!!! Sakin kaya? Kelan may magmamahal? Char. HAHAHA Bumili pa rin ako kahit mahal, Bat ba?! HAHAHA
Ilang sandali pa matapos kong inumin ang kalahati ng aking kape ay nag-turbulance nanaman ng super lakas na ikinatapon ng kape ko na sakto at na-shoot dun sa cleavage ko! Shettt sa pagkaswerte-swerte nga naman oh!!! Nakakainissss ang lagkit ko na at ang init ng dibdib kooooo!!!
Nag-panic ang lahat matapos mag-turbulence na mala-plane crash! At ohmygod! Hindi ako nagkakamali! We're having a plane crash nga! Oh shit no god plssss!!!
Sabay-sabay na nagpuputakan ang takot at galit sa lahat ng pasahero dito na kasakay namin...Ramdam na ramdam namin ang takot ng aking kapatid na para bang nangangailangan ng matinding yakap na makapagpapamukha sa amin na ito ay isang panaginip lamang. Pero hindi! Kailangan naming magpakatatag ng kaming dalawa lang dahil di naman namin magawang lapitan sila Mommy and Daddy sa kabilang row ng mga upuan dahil ito ay delikado at nangangailangan ng striktong pagseseat-belt dahil nga sa nangyayaring ito...Kailangan ko na ring tanggapin na ito ay habang buhay ng tatatak sa aming mag-kapatid na maaring pagmulan ng trauma namin...Alam nyo, kahit ganto tong kapatid ko na toh mahal na mahal ko toh...Solid yung samahan namin sa tuwing naghaharutan kami at sa tuwing kinukulit nya ko. Minsan nga napapa-isip ako na kahit naiinis ako sa kanya eh bakit pag panandalian syang nawawala ay agad ko naman syang namimiss...Lahat ng yon ay gusto kong iparamdam at sabihin ngayon sa kanya dahil di natin alam na baka ito yung huli naming pagsasama...Di natin masasabi ang buhay, baka mamaya-maya lang isa sa amin ay hindi na humihinga. Kusang may tumulong luha sa aking mga mata, bangungot kung tutuusin pero naniniwala ako na makakaligtas kami dahil marami pa kong pangarap sa buhay at gusto ko pang makasama ang buong pamilya ko hanggang sa maipagmalaki ko sa kanila na ako ay isang ganap na "lawyer" na...Wow di mo inakalang law ang kinukuha ko noh HAHAHA...Di pa rin sapat na patawanin ang sarili ko sa simpleng mga alaala dahil hindi mawala sa aking puso at kaba na aking nadarama ngayon. Iyak lamang kami ng iyak ni Glaze at napaisip ako kung ito ba ay may koneksyon sa pagkaka-iwan ko sa imaginary friend ko sa swanston...Naalala ko ang kapirasong papel na huling sulat nya sa akin bago kami umalis dito, chineck ko ulit ito dahil may nagtutulak sakin na ito'y ingatan ko dahil ito ay nay itinatagong misteryo ngunit biglang nanlambot ang buong katawan ko ng masaksihang nagbago ang nakasulat dito...
" Tu seras de retour, Le destin est très destin "
Di ko ito maintindihan pero solid ang pag-akyat ng takot sa buong katawan ko na tila'y alam ng pakiramdam ko ang ibig-sabihin nito...
KASABAY NG PAGBALIK NG ALAALA KO SA AKING WISYO MULA SA MGA PANTASYA KONG PILIT NA INAALALA UPANG MAWALA ANG TAKOT AT KABA KO SA MGA NANGYAYARING ITO, NANG SABAY-SABAY NA NAGSIGAWAN ANG LAHAT AT TULUYANG BUMAGSAK ANG EROPLANO...
Sa awa ng Diyos ay nakaligtas kaming dalawa ni Glaze pero ang ikinatatakot pa namin ay ang kaligtasan ng aming mga magulang...matapos ang aming pag-iintay at pagmumuni-muni ni Glaze habang kami ay nakatulala pa rin dito sa Airport kung saan kami nag-emergency landing...Di ko na alam ang mga nangyayari na parang ako ay wala na sa aking sarili, di ko na masyadong inintindi ang sabi nila kung nasaang lugar kami ngayon o kung nasa ano mang bansa ang airport na ito...Dahil sa ngayon ay ang iniintindi nalang namin ay ang sitwasyon ni Mommy and Daddy.
"voici l'endroit pour sortir avec vos compagnons après la tragédie de votre voiture, c'est une bonne idée de se reposer d'abord et de faire quelques services." Iyan lamang ang narinig ko mula sa mga nagsasalita at nagbibilin sa amin at tsaka ko palang nalaman na kami ay napadpad dito sa France dahil alam ko sa sarili ko na ang salitang iyon ay French...Pero di rin naman ako marunong umintindi ng lenggwaheng iyon kaya hinayaan ko na lamang dahil wala rin naman ako sa mood upang intindihin pa ang kung ano...
May kung anong kilabot ang bumalot sa aking katawan ng matuklasan ko na ang imaginary friend ko ay nanggaling pala dito sa bansang ito...Ngunit bago iyon ay kwento ko muna sa inyo kung sino nga ba sya, Siya ay si Scfrancihia Schnittcka pero mas kinikilala ko sya bilang "Francois" naging kaibigan ko na sya noon simula pa lamang nang ako'y apat na taon palang pagkalipat namin sa Australia, ang lahi nya ay purong French, siya ay 11 years old at biktima ng pangbubully na kanyang ikinasawa matapos syang magpakamatay...
Nabalik nanaman ako sa aking wisyo nang may magsalita sa aking tabi na kapwa pilipino na ang ibig sabihin daw nung nagsalita kanina sa harapan ay "Dito ang lugar intayan para sa inyong mga kasama matapos ang trahedyang nangyari sa inyong sinasakyan, mabutihing magpahinga na muna kayo at mag-intay pa ng ilang serbisyo". Nagpasalamat na lamang ako at tuluyan na syang bumalik sa kanyang pinepwestuhan kanina pero I wonder kung paano nya nalaman na di ko yon naintindihan...Ganon ba kahalata ang pagka-bobo ko sa ekspresyon lang ng aking mukha?
Nag-intay pa kami ng ilang minuto habang inaayos pa nila ang mga bangkay na naiwan sa loob ng eroplano...Hindi ko maiwasang mag-isip ng mga kung ano-ano na baka wala na si----- No no no! Erase! HUHUHU at tuluyan na muli akong nag-iiyak dahil sa magulong sitwasyong ito...
Ilang sandali pa ay nabuhayan ako ng loob nang maaninag ko si Mommy habang pa-iyak na tumatakbo papalapit sa amin si Mommy! Sa wakas at ligtas sila!!! HUHUHU Sinalubong kami ng yakap ni Mommy at tsaka kami sabay-sabay na nag-iiyak...Hindi pa rin makakibo si Glaze dahil siguro na-trauma dahil sa tuwing tinatanong sya ni Mommy if ok lang sya eh puro kibit balikat lang ang samo nya...Paulit-ulit ni Mommy sinasambit ang salitang "Ano? Ok lang ba kayo? May nasugatan ba? May masakit ba?" Habang si Glaze naman ay palaging nakatameme lang.
Ngunit ako ay nagtaka dahil bakit hindi kasama ni Mommy si Daddy? Hinayaan ko nalang ito dahil baka dinala lang sya sa clinic dahil sugatan pero nag-aalala pa rin ako dito ngunit di ko naman matanong kay Mommy dahil wala pa ring boses ang lalabas sa bibig ko...
Nang mahimasmasan na kaming tatlo ay binigyan kami ni Mommy ng isang nakakikilabot na buntong hininga na tila'y may gustong iparating sa amin.
"Mga anak...Gusto lang sabihin sa inyo na wala na ang Daddy niyo..." Parang biglang nadoble ang sakit at takot na nararamdaman ko ngayon matapos kong marinig ang sabi ni Mommy...Halos mabaliw kaming tatlo sa kakaiyak sa Airport habang tinititigan lamang ang mga bangkay na hinahakot nila na animo'y parang lupa lang...Tinakpan ko ang mata ni Glaze dahil iyon ay makadadagdag sa pagka-trauma nya kung makikita oa nya ang mga pangyayaring iyon...
Ang sakit...Ngunit wala na akong magawa...Parang gusto ko na ring sumuko...Kaya ko pa ba? Hanggang sa maramdaman ko ang init ng aking katawan at pag-pikit ng aking mata ng bigla akong walang naramdaman na ikinabunga ng aking pagkahimatay.
END OF Deuxième Chapitre (II)
BINABASA MO ANG
Suiscion
Подростковая литератураNaaalala mo pa ba? Ang sakit,hirap,at pag-durusa...Sa kabila ng saya at pagtawa. Sa bawat pag-tikatik ng ulan, kasabay ng paghikbi at pagtulo ng likido sa iyong mga matang luhaan...Sawa ka na ba? Sa gabi-gabing pag-iyak na tila sayo'y isang parusa...