Cinq Chapitre (V)

34 5 3
                                    

BLYZERIE'S POV

Iba't iba pang lugar ang aming napuntahan dito sa aming tinutuluyan. Napakadaming nangyari sa amin at isa na rito ang pandemyang covid na talaga namang nasa history na. Andaming nagbago at pati ang dating ako ay parang kumukupas na rin. Ilang taon na rin matapos ang online class at masaya rin ako dahil bukas ang unang klase ko sa face to face. Pagbungad ko palang sa labasan ay tila ba gang may naninindig balahibo nanamang bagay ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon at siguro ito ay dahilan na rin ng matagal na pagiging taong bahay. Nasa bus na nga ako ngayon at naiinis na ko dahil kanina pa may tingin ng tingin saaking lalaki sa may likuran ng kinauupuan ko. Excited na rin ako pero di ko talaga maintindihan kung bakit parang naiiba ang mood ko. Kinapa ko ang bulsa ng aking bag upang kunin ang aking pamyabad sa bus papunta sa eskwelahan kong pinapasukan sa Manila pero nagulat ako dahil mayrong papel rito na tila ba'y lukot at luma na. Binuklat ko ito at nakita ko nanaman ang isang papel na may nakasulat na "Suiscion" at ano nga ba ang ibig-sabibin nito? Pati ang bangang bumabagabag sa akin ay hindi pa rin natatahimik.

Tahimik akong naglalakad ngayon sa dream school ko at nakatutuwang isipin na tapos na ang lahat. Tapos na ang pag-iisip at pagdalaw ng anxiety ko tuwing ako ay nag-iisa lamang sa aking kwarto. Maya-maya lamang ay dumilim ang aking paningin, at biglang----

"BOOM" Naramdaman ko na lamang na bumagsak na pala ako sa lupang mabato at nakarinig ako ng kaunting usapan sa aking paligid, tuluyan na nga daw akong nawalan ng malay. Bad trip naman, first day of school puro kamalasan agad! Hindi ko na nalaman ang mga sumunod na nangyare dahil napapikit na nga lamang ako ng mata ngunit matapos ang ilang saglit ay nakaramdam ako nang panlalamig at unti-unti ko na ring minulat ang aking mga mata. Ikinagulat ko ang tumambad sa aking harapan at ito ay ang isang lalaki nakatitig lamang sa akin. Parang siya yung lalaking nakakainis kanina sa bus, pero g lang kasi sa tingin ko ay siya ang tumulong sa akin kaya ako nandito ngayon sa clinic. Nakangiti lamang siya at nagfefeeling na mukhang anghel, nairita ako at dali-dali na akong bumangon at nagpasalamat sa mga nurse na nandito. Nagtuloy na lamang ako papunta sa aking klase ngunit bago pa man iyon habang ako ay umaakyat, tila ba'y mayroong sumusunod sa akin. At oo di na ito bago sa akin dahil sanay na ako sa mga ganitong pangyayari pero this time ay wala ako sa wisyo kung kaya't dire-direcho nalang din ako. Wala ako sa mood makinig sa klase at nangangamba pa rin ako dahil sa ngayon ay parang unti-unti nang naliliwanagan ang pakiramdam ko kanina at kung iisipin, ito ay isang signal ng masamang pangyayare. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda o kaya naman ay napakarami ko ring nararamdamang estudyante dito na malapit sa suicide. Ano nga ba talaga ang laman ng banga? Ano nga ba talaga ang ibig-sabihin ng suiscion na toh? Nakakapraning na at hindi talaga ako makafocus sa klase dahil dito.

Araw-araw akong uwian sa Bulacan sa ngayon pero baka sa mga susunod na panahon ay magrent na ako ng matutuluyan dito sa Manila. Pauwi na ako matapos ang paglilibot, dumaan muna ako sa may istasyon ng tren para kumain ng siomai sa isang store. Masarap naman ito kaso hehe medyo matabang? Oo matabang siya pero pweds na kasi gutom na gutom na rin naman ako kakaikot. Ang laki rin nang unibersidad na pinapasukan ko at hindi ko inakalang makakapasok ako dito.

GLAZERIE'S POV

"Hi guys! Welcome back to my channel, so ayon na nga papasok na tayo mga parecakes at handa na ba kayo---?"

Aray ko naman! May nambatok sa aking lalaki at may kalakihan ito sa akin ng konti..."Oi bro, sabay ka samin?" Nagtawanan nalang kami nang mapansin kong siya pala yung nakaclose ko nitong nakakaraan noong may online class pa. Si aldrich, ang kaibigan kong torpe at kulang sa aruga. Binatukan ko siya pabalik bilang paggalang sa kanya hehe di pa naman kami ganun kaclose personally pero dahil sa ginawa niya ay parang magkakasundo naman kami sa aming mga kalokohan. Grabe, si ate kaya kamusta na? Nakakamiss rin pala mangulit hehe btw sa Manila na kase sya nag-aaral and ayun na nga, she's acting weird nitong mga nakakaraan ang idk why parang naiiba na siya and parang hindi na rin siya ang ateng kakilala ko dati pero kahit papaano ay nakakakulitan ko pa rin naman ang ate ko. Pumasok na kami at gagi andaming magagandaaa bro! Magkaklase na kami at nakakaramdam ako ng onting kaba at pagka-excite dahil busog ang aking mga mata sa mga shawty pareh HAHAHA!

BLYZERIE'S POV

Nakauwi naman ako ng maayos kahapon at hindi ganun kaganda ang first day of school ko, madaming friendly at nag-approach sakin ngayon pero hindi ko muna sila masyadong pinapansin dahil minamabuti na munang magmasid kase iba ang kinalakihan kong school before sa Australia. Masayahin halos ang lahat ng estudyante dito at ang karamihan at mahilig mag-aya ng tambay o gala. Gusto ko na sanang sumama pero kailangan ko munang pagbutihan ang aking pag-aaral dahil baguhan palang rin naman ako dito. Nawala ang pagiging badmood ko nang may nakita akong pogi! Oo, matipuno siya at matangkad. Nilapitan niya ako at akala ko upang makipagkaibigan pero nanghingi lang pala ng sagot para sa experiment namin ngayon na pinapagawa ng aming prof. Naturned-off ako ay hinayaan ko na lamang siya. Nasa labas kami ngayon ng aming room dahil nga sa eksperimentong ito. Maya-maya lamang ay oras na ulit upang kami ay bumalik sa room kung kaya't minadali ko na ang pagmamasid at pagsulat sa mga notes ko. Ilang sandali ay parang naiihi ako at naisipan kong pumunta muna sa malapit na cr dito. Ang boring ko ngayon magkwento dahil antagal ko na ring nawala at inintindi ang sarili ko. Iba ang pakiramdam ko sa cr na aking napasukan dahil hindi positibo ang energy na nagmumula dito marahil ay matagal na ang unibersidad na aking pinapasukan. Paglabas ko rito ay may kumalabog sa bandang loob, pumasok muli ako at nakita ko ang tatlong babaeng mapula ang mga pisnge at may namamarilong labi. Nagsambit sila nang mga salitang hindi ko nagustuhan sapagkat parang napansin raw nilang umaakto akong kakaiba at oo aminado naman ako na lately ay iba ang aking kinikilos. Dali-dali na lamang akong bumalik sa lugar kung saan lantaran ang aking mga kaklase pero naglaho na lahat sila dito at naalarma akong nagsibalik na sila sa room dahil oras na. At oo, oras na nga at tumakbo na ako pabalik pero wtf—

Nakagugulantang ang mga sumunod na nangyari! Pagbalik ko ay napansin kong nagsisigawan ang lahat at nakatindig sa hallway na para bang ang lahat ay dumilim. Dumilim na rin ang ulap at tuluyan na ngang umulan, kasabay ng pag-ulan ng luha ng aking mga kaklaseng nagsisigawan na maari dahil sa trauma o kaibahan ng kanilang nakikita ngayon kung bakit sila nagsisigawan. Biglaan na lamang ring lumuha ang aking mga mata ng walang dahilan. Hindi ako makapaniwala sa aking nasisilayan ngayon.

GLAZERIE'S POV

"Bro, lunch time na! Arat canteen" Parang ang sigla-sigla nang klase kong iyon ah, masaya kaming naglabasan sa room at naghanap ng makakain. Ang init sa canteen pero g lang kasi andito rin ang babaeng nakita ko kanina at parang gusto ko siyang lapitan. Pero bakit ganun? Parang naging mahiyain na rin ata ako at nahawa sa kaibigan kong torpe? Hahaha nakakainis pero sige na nga, next time ko nalang i-attempt na lapitan. Fried Chicken ang inorder ko sa canteen at habang kami ay kumakain, napatawag si ate dali-dali akong pinapauwi sa bahay. Nagulat ako dahil napansin kong parang napapaiyak si ate habang sinasambit niya ang mga words kanina habang kausap ako. Nagtataka rin ako kung bakit niya ako pinapauwi.

BLYZERIE'S POV

Eto na nga ba ang sinasabi ko, naglalaglagan ang mga papel at lapis ng aking mga kasama kanina habang nakababa ang tingin at kita ang lungkot o takot sa kanilang mata akin rin namang nararamdaman.

PANIBAGO NANAMAN, MAY NALAGAS NANAMAN AT SA TINGIN KO AY KAILANGAN KO NANAMANG PAGANAHIN ANG AKING SENSE AT IMAHINASYON UPANG ITO AY MATULUNGAN.

Mayroong nangangailangan ng tulong ko at hindi ko pwedeng hayaan na wala akong gagawin. Nagpaparamdam at umaatake nanaman ang aking kakayahan dati, ito ay ang pangongolekta ng mga taong nakapalibot sa akin na may kakaibang gustong gawin. Tuluyan pa rin silang bag-iiyakan at ako ay tahimik lamang pero sa hindi ko na alam ang aking gagawin. Ang sakit na ng dibdib ko, nakakaguho ng damdamin ang aming nasasaksihan at nakikita ngayon. Kung ikaw ang narito sa aking kalagayan at baka hindi kayanin ng sikmura mo.

Pagluluksa ang maririnig mo sa hikbi ng aking mga katabi at nanginginig na pagsasalita. BIGLA AKONG NAPATIGIL NANG BIGLA AKONG BUMALING SA IBABA AT NAKITA KONG NAIBA ANG ITSURA NG LALAKING NAKAHIMLAY KANINA LAMANG NA NAGBABAGO AT NAGIGING—

*END OF CINQ CHAPITRE (V)*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SuiscionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon