Quatrième Chapitre (IV)

25 7 2
                                    

BLYZERIE'S POV

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng mga nag-titilaokang manok, agad akong bumangon at uminom ng kape dahil ngayong araw na ang pa-mamasyal namin dito sa Malolos. Hindi pa rin mawala sa aking isip ang tumambad saakin kagabi. Hinayaan ko na lamang muna ito dahil mas pag-tutuunan ko ng pansin ang aming pag-lilibot ngayong araw na ito. Habang ako ay umiinom ng kape ay lumapit sa akin si Glaze at tila'y mayroon syang ibubulong...

"Ate, ano nang gagawin natin dun sa banga? Baka mamaya magalit pa si Lola sa ginawa natin, ibalik na kaya ulit natin dun sa ilalim. Baka mahuli pa nila tayo na kinuha natin yung banga at nilagay natin dun sa ilalim ng kama mo..." Bulong ni Blaze.

Bigla namang kumabog ang dibdib ko nang ako ay matauhan at mapa-isip sa sinabi ng kapatid ko. Napagtanto ko naman yung sinabi nya pero may kailangan akong malaman dun sa banga, alam kong may kahiwagaan ito at hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko pero kapag nalaman mo ay talaga namang nakakikilabot.

"Huy" Sambit ni Lola.

Nagising ako sa katotohanan at mas nabuhayan ang diwa ko nang bigla akong sawayin ni Lola dahil sa aking pagtulala sa mga pagkaing nakahain dito sa lamesa.

"Mga apo, bilisan niyo na para makalibot pa tayo ng mas maaga, dakasi minsan ay marami ng tao pag tayo ay hinapon pa" Wika ni Lola.

Mas lalo akong na-halina dahil maya-maya lamang ay mamamasyal na kami at mamimili para sa mga gamit ko sa school.

8:30pm pa lang pero medyo makulimlim dahil mukhang uulan...Papalabas na kami ng bahay nila Mommy,Lola, at Blaze para umalis.

Kwento ng kwento si Lola sa bawat bahay na lumang nadadaanan namin, papunta kami ngayon sa pinaka-kilalang simbahan sa lungsod na ito dahil ang simbahan na tinutukoy ni Lola ay ang lugar kung saan nag-pasinaya ang Pilipinas noong araw at ito ang tinatawag na "Barasoain Church"

Pagbaba namin sa kotse ay na-feel ko na agad ang pag-kaluma at presence sa lugar na ito na tila may umudyok saakin na pumasok ako sa gilid ng simbahan o sa museo nito.

Pagkapasok namin ng pinto ay bumungas saakin ang naggagandagang istraktura na loob nito, mga kakaibang paintings at nakatutuwang titigan ang dahil hanggang ngayon ang ibang mga bahagi ng simbahan ay napanatili pa nila.

Napa-tili sa pag-kagulat si Glaze ng biglang kumulog ng malakas na sinundan na ng pag-ulan sa labas. Kaya naman, ang iilang tayo dito sa loob ng simbahan na natawag pansin nya, HAHAHA.

Isa sa mga tumatak na kwentong kababalaghan ni Lola tungkol dito ay ang mga naririnig nilang tunog mula sa itaas ng kumbento noong araw. Kinilabutan ako kaya i-babahagi ko rin ito sa inyo.

Noong araw ay madalas maglaro sila Lola dito dahil dati ay malapit pa ang kanilang bahay mula rito sa simbahang ito.

LOLA FELICITA'S FLASHBACK - UNKNOWN / SOMEONE'S POV

Alas kwatro dyis ng hapon ang oras ngayon at pag-sumapit ang oras na ito ay nag-lalabasan ang mga dito na animo'y mga paru-parong malaya na nakapaglalaro sa kung saan-saan, isa sa kanilang mga pinupuntahan at laruan kapag dumarating ang hapon ay sa kalapit-simbahan nilang "Barasoain Church"

"Susana! Halika rito, may sasabihin ako sa inyo ni Felicita..." Masigasig na sambit ni Carlita.

"Ano iyon, Carlita?" Samo ni Felicita matapos niyang marinig ang pag-sambit ng kanyang kaibigan sa kanyang pangalan.

"Halina't magpunta sa simbahan! Pwede daw pumasok ngayon dun sa Museo ng simbahan dahil mayroon daw kaganapan kaya libre, Ano? Tara na?" Masayang tugon ni Carlita.

SuiscionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon