BLYZERIE'S POV
Hay...Dalawang buwan na pala ang nakalipas simula nung mangyare ang delubyo sa buhay naming mag-iina. Nananatili na ako ngayong kalmado ngunit hindi pa rin nawawala ang gabing-gabing iyak at sakit sa aking ulo.
Dahil sa naranasan naming trauma ng aking kapatid ay kasalukuyan kami ngayong nagpapatherapy pero 30 days nalang at tapos na rin ang aming treatment para dun...Unti-unti ko nang natatanggap, at unti-unti na rin akong sumasaya pero hindi pa rin talaga mawala sa aking isip ang ikinamatay ni Daddy at sumabay pa ang nag-papagulo sa aking isip na misteryong bumabalot sa kapiraso ng papel, kahit ako ay sanay na sa aking kaibigan pero this time ay iba ang aking nararamdaman...
Para bang may darating pang delubyo na mas maka-sasama sa loob ko. Heto kami ngayon, nasa bahay na ni Lola habang nakatanaw sa aming Veranda. Dito na rin daw ako mag-aaral pero sa isang buwan pa ako makakapasok dahil nga nagpapagamot pa kami ng aking kapatid.
Okay na si Glaze at bumalik na rin ang saya nya, ang kanyang isip ay muli ng lumiwanag at sumigla na tila'y parang bumalik ang paraisong dati'y palagi nyang dala-dala. Wowww rhymeee! HAHAHA TARAY!
Oh ayan bumalik na rin ang aking pagiging palabiro na sigurado kong iniintay nyo...Ako pa rin naman toh si Blyze HAHAHA Nahuhumali na akong muling pumasok dahil excited na ako! At sa tingin ko ay makakatulong yon sa aking karamdaman na ako ay tuluyan ng malimot at mabaon ang alaalang kailanma'y di ko ninais. Ako'y sabik na sabik na sa mga bago kong magiging kaibigan sa papasukan kong Unibersidad dito sa Bulacan pero ayaw pa rin talaga kong hiwalayan netong French Imaginary Friend ko! HAHAHA Masyado yata kong mahal na mahal! Wewz! Sana ol mahal HAHAHA
"Ineng! Halina kayo rito't kayo'y kumain na, tawagin mo na rin ang iyong kapatid na si Glaze. Oh mamaya ikaw ang mag-uurong ah" Sambit ni Lola.
Nagtaka ako sa salitang "urong". Diba ibig-sabihin non babalik or aatras? Pero hindi ko maintindihan si Lola, bat naman nya ko pa-uurungin pa eh malayo naman ang distansya ko sa kanya! Photographer ba tong si Lola dati? Di man lang ako sinabihan HAHAHA CHAR! Dahil sa aking kuryosidad ay minabuti ko na lamang na tanungin yung salitang iyon sa kanya...Dito kasi sa Bulacan, minsan ay may salita silang hindi pamilyar sa ibang lugar na dito lang talaga sa Probinsyang ito ginagamit. Kahit ilang buwan na ako rito ay nalilito pa rin ako HAHAHA oh diba? Vovo lang ang peg!
"Lola...Ano po yung urong?" Wika ko kay Lola.
"Ah, Apo ang tagal-tagal mo na rito pero bakit parang wala ka pa ring alam sa mga tinuturo ko sayo bilang baguhan dito sa Bulacan" Samo naman ni Lola sa akin.
Sa tingin ko kaya ako ganito na hindi kaagad maka-pick up ng mabuti eh dahil nga rin sa aking pobya. Kaya naman, naisipan ni Lola na mag-lesson kami about sa mga words na di ko pa alam dito sa lugar na ito tutal ay wala pa rin naman kaming ginagawa...
Tumayo muna si Lola at napansin kong pilit nyang kinukuha ang isang bagay na naka-silid dun sa isang sulok ng bahay. Tinanong ko sa kanya ito ng may pagka-lito ngunit di na rin nya ko nasagot dahil nakita ko na rin naman ang kanyang kinuha matapos nya itong madampot paglipas ng ilang segundo.
Nagulat ako sa kanyang ipinakita sa akin, ito ay isang blackboard na may disenyong iba't ibang kulay! Na-excite ako dahil sa makulay na disenyo! Nagsimula na si Lolang mag-kwento at habang sya ay nag-papahayag sa akin ng kanyang mga karanasan dito nung kami ay nagpunta sa Australia, nai-kwento nya rin ang lungkot na kanyang nadama nung mga panahong sya pa ay mag-isa pa lamang dito at hindi pa nya kami kapiling.
Ilang sandali lamang ang lumipas ay nagsimula na syang mag-salita pa-tungkol doon sa blackboard na ipinakita nya sa akin, nagulat ako na naluluha dahil itinabi pa raw ni Lola itong blackboard na hawak nya ngayon na mula pa noong ako'y 4 years old pa lang bilang tanda ng pagmamahal nya sa akin nung ako ay bata pa at nangungulit ako dahil pilit ko daw syang pinabibili ng sulatan...
BINABASA MO ANG
Suiscion
Fiksi RemajaNaaalala mo pa ba? Ang sakit,hirap,at pag-durusa...Sa kabila ng saya at pagtawa. Sa bawat pag-tikatik ng ulan, kasabay ng paghikbi at pagtulo ng likido sa iyong mga matang luhaan...Sawa ka na ba? Sa gabi-gabing pag-iyak na tila sayo'y isang parusa...