Premier Chapitre (I)

80 9 13
                                    

BLYZERIE'S POV

"Maaaa-gandangggg Buhayyyyyy!" nagulat ako sa aking narinig matapos akong gisingin ni Mommy...Papatalo ba ko? Eh mas maganda ko!

"Mas maganda kaya ko!" Pang-eechos ko pa.

Pero napa-tanong ako sa sarili ko, ang aga pa naman ah? Anong meron? Bat naman ako gigisingin ni Mommy ng gantong oras eh 4am palang naman matapos kong i-check yung Cellphone ko pero teka, si Glaze kaya? Gising na? Si Glaze ang nakababata kong kapatid kaya naman dahil isa kong war freak at bwisit na kapatid ay pinuntahan ko agad sya sa kanyang kwarto matapos akong gisingin ni Mommy...Ano yon? Ako lang dapat gigising? Di pwede yon!

IT'S UNFAIR BITCH! NAGULAT AKO DAHIL PAGPASOK KO SA KWARTO NYA AY WALA NA SYA DON, NAKAUPO NA PALA SI GLAZE SA KUSINA KASABAY NG PAG-INOM NYA SA KANYANG GATAS...OMG!!!

"Ate, ganda ng gising ah! Parang may laway pa ata hihi." Pa-ngisi namang sambit ng aking kapatid na akin namang kina-inis.

Bat ganto toh? Parang di ko kapatid, sarap tadyakan GRRRRRRRRR. Pasalamat sya dahil kakagising ko lang at wala pa ko sa mood makipag-away. Sa inyo na nga tohhh! Pinapamigay ko naaaa, Jonks! HAHAHA wag na, kawawa naman.

Nagulat ako dahil ngayon nga pala ang flight namin papuntang Pilipinas! OMG!

Ang tagal rin naming tumira dito sa Australia dahil dito na nag-tatrabaho si Daddy kaya nung 4 years old palang ako ay nagpunta na kami dito pero ngayon uuwi na ulit kami sa Lola ko dahil natanggal na si Daddy sa trabaho matapos ang matagal na ECQ dito na ikinalugi naman ng kompanyang pinapasukan ni Daddy kaya sya natanggal.

Nakakalungkot nga lang kaso kailangan na rin naming tanggapin kaya ayun dun na daw muna ulit ako mag-aaral sa Pilipinas bilang 1st year college...Yaan naaa duzzz layf! HAHAHA! Agad na kong nag-kape at naligo dahil sandali na lang ay aalis na kami dito sa Flinders papuntang airport.

Excited na ko, pero may kaunting lungkot dahil marami akong mamimiss na Aussie Friendsss ko! Huhuhu...Nag-madali na kong kunin ang aking Maleta, pero bago yon ay may napansin akong maliit na papel sa ilalim ng pinaglagyan ng nakaayos kong maleta, may nakasulat ditong salita, na " SUISCION " di ko toh maintindihan, sornaman bobo eh! Pero may kasunod pa na naintindihan ko na HAHAHA! " You'll.be.back!" na medyo may dugo ang pinanulat dahil halatang-halata naman talaga ito sa papel na di maipag-kakaila...kaya natakot ako pero pinanatili ko na muna itong sikreto kila Mommy.

Pero dahil sa aking pagtataka pa-tungkol dito ay napilitan akong ipasok ito sa loob ng aking carry-bag kahit medyo misteryoso ito, nakaramdam ako ng kaba at takot sa nabasa kong iyon pero sanay na rin naman ako dahil nung una pa lamang na lumipat kami dito sa Swanston Street ay may nararamdaman na rin talaga kong mga misteryong ka-mumultuhan dito kaya madalas kong niloloko at tinatakot ang kapatid kong 9 years old na si Glaze nga HAHAHA! Dahil may third eye ako kaya malapit din ako sa mga taong gusto ng mag-suicide at sa tingin ko ang sulat na iyon ay galing nanaman sa aking makatindig-balahibong kaibigan...

Oo, medyo mahirap ang kalagayan kong ito pero hinayaan ko nalang dahil naniniwala ako na kaya ito binigay ng Diyos saakin ay may purpose, lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan at ibig-sabihin...Nakikita ko at nasesense na para bang may signal akong nararamdaman sa tuwing may lumalapit sa aking Suicidal.

Kaya nga naisip ko na baka misyon ko yon hahaha wowww parang stories lang na binabasa ko sa wattpad ah!

Pagkatapos kong itago ang kapirasong papel na aking nadampot mula sa tinutuluyan namin dito sa Swanston ay agad na akong lumabas sa kwarto ko dahil handa na rin naman kaming lahat umalis, tutal narinig narin naman namin ang tunog ng busina ng sasakyan namin pa-tungong Airport.

SuiscionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon