RUTHLESS AFFECTION BY AFTERDUSKKK

96 7 0
                                    

RUTHLESS AFFECTION BY afterduskkk

RUTHLESS AFFECTION BY afterduskkk

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▪Title
Your title is nice. Catchy and very unique. Yung dating niya pang-romance talaga, although akala ko adult or youngadult.

▪Book Cover
Maganda yung bc, from the image and the font itself. Nalaman kong ikaw pala gumagawa ng bc mo, nice. Attractive siya tignan and kapansin-pansin sa paningin.

▪Blurb
The description is simple and brief. Magandang way yung pinasilip mo sa 'min nang kaunti kung anong meron do'n sa main character. And nagkaro'n din ng idea yung readers kung ano yung laman ng story, at kung ano yung plot nito. Kaso yung dulo,

Medyo naguluhan ako, haha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Medyo naguluhan ako, haha. Siguro dahil ang complicated no'ng pagkaka-construct niya sa Tagalog. Tipong kailangan ko pa ulit-ulitin bago ma-gets.

▪Prologue
Okay naman yung prologue. Napakilala agad si Hurrah pati ang mga kaibigan niya. Syempre, pati si Dawn. Very smooth and realistic no'ng nangyari sa prologue.

▪Characterization
Okay naman dito. Kaso medyo nagkaro'n ako ng confusion sa mga gender no'ng ibang characters, kasi di mo nabanggit agad sa simula. Di ko kasi malaman sa names nila kung lalaki ba o babae, hehe.

▪Narration
You narrate the story well. Hindi nag-overuse ng adjectives. Realistic.

▪Grammar
Sa English grammar, may iilang errors pero minimal lang, sobrang hindi halata. Medyo nalilito ka lang sa pagkakaiba ng 'nang' at 'ng'.

▪Language
There's nothing wrong with the language used.

▪Capitalization and Punctuation Marks
Pulido ka magsulat. Kaso nag-ooveruse ka sa dash or gitling (-). May mga nalalagyan ka na hindi naman kailangan. For example, mag-lagay, imbes na maglagay lang. Ginagamit lang ang dash kapag magkadikit ang vowel at consonant, o kaya compound words. Example, mag-alay, mag-ipon, buntong-hininga, etc.

▪Dialogue Tags, Correct Usage of Italic and Bold
I don't know kung yun 'yong way mo pero I think mas maganda tignan kung Italicized yung sentence 'pag text message, or notifications siya.

May iilang dialogue tags na nag-end sa period, imbes na sa comma. It should be:

"Oo. Punta ako d'yan," si Sanyo ang nagsalita.

▪Content and Plot
Okay naman yung content and flow ng story. Yung prologue medyo nahahawigan ko sa mga series ni Jonaxx. May mga times lang na naguguluhan ako kung yung scenes ba, nangyari sa present or past? Baka flashback lang gano'n? Pero okay na okay naman yung story.

▪Word Count/Right or Suggested Length of Each Chapter
Tama lang yung haba niya per chapter.

COMMENT: Since completed na pala, ang masasabi ko lang is hinahanap ko pa yung pinaka connection ng title sa story. Siguro mahahanap yun sa gitna, since umpisa palang naman nabasa ko. Yung title and yung bc niya kase, masyadong adult ang dating. And parang ang mga scenes at plot mo, I think mas aakma sa edad na 18 plus. Yung 15-16 edad kasi, puppy love puppy love palang hahaha 'di naman sa pangju-judge. 'Di ko man mababasa nang buo, alam ko  namang magiging exciting siya sa gitna or climax. But all in all, your story is good. Here's my rate...

OVERALL RATING: 9.5/10

Thank you and I hope my critique will be helpful. Lovelots!

Writers' Critique Shop (TEMPORARILY CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon