HATE TO LOVE YOU BY JHO-LLYBHIE

88 5 4
                                    

HATE TO LOVE YOU BY jho-llybhie

▪TitleCommon yung title, hindi bago sa pandinig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▪Title
Common yung title, hindi bago sa pandinig. Kung ako bilang reader, dadaanan ko lang siya dahil hindi catchy. I mean, you can find it in so many authors.

▪Book Cover
Masyadong plain. Hindi rin catchy. Yung font kakulay ng image, kaya parang nagtatalo sa kulay. Try mo visit sa mga book cover shops, mas maganda kasing kung gaano kaganda ang story mo, dapat halatang pinag-effortan din yung bc. Para mas kapansin-pansin sa mga readers.

▪Blurb
Okay naman yung description, the old way. May mga questions about sa story, that's good.

▪Prologue
Wala kang prologue so wala akong sasabihin.

▪Characterization
Okay din dito. Walang problema. Siguro ang nakukulangan lang ako sa pagde-describe ng physical appearance nila. But, effective naman yung pagca-characterize mo when it comes to personality. Na-hook ako do'n.

▪Narration
So, third person's point of view ang gamit mo. Okay rin yung narration.

▪Grammar
Sa English grammar, may iilang errors pero minimal lang, sobrang hindi halata. Medyo nalilito ka lang sa pagkakaiba ng 'nang' at 'ng'.  Iwasan mo lang yung 'tok tok tok'. Narrate mo nalang din, 'nakarinig siya ng katok'. May iilang typo at problema sa spacing pero I think ineedit mo na rin 'yon.

▪Language
There's nothing wrong with the language used.

▪Capitalization and Punctuation Marks
May iilang words na walang apostrophe o kuwit (')
. Ginagamit natin yun sa mga words na tinanggalan natin ng letter. For example, 'yan for iyan, 'yon for iyon, 'to for ito, 'ko for ako, 'pag for kapag, gan'yan for ganiyan, kan'ya for kaniya, s'ya for siya, n'ya for niya, ba't for bakit, d'yan for diyan.

Tapos yung dash din o gitling(-). Ginagamit kapag magkadikit ang vowel at consonant, o kaya compound words. Example, mag-alay, mag-ipon, buntong-hininga, dalawang-isip, etc.

▪Dialogue Tags, Correct Usage of Italic and Bold
When writing dialogues, end it with comma (,) 'pag statement. For example,

"Anong ginagawa mo riyan? Akala ko uuwi kana? Edi sana ay hindi kita iniwan do'n," seryosong sabi niya.

▪Content and Plot
Maganda yung takbo ng story, realistic. May plot twist din kaya mas nakaka-excite basahin, may pa-mysterious effect pa sa past nila. Akala ko nung una another common story ang mababasa ko dahil may pagka-clichè yung blurb at title. I was wrong. Oo, common yung concept pero yung flow ng story and how it was delivered, is unique.

▪Word Count/Right or Suggested Length of Each Chapter
Tama lang yung haba niya per chapter.

COMMENT: Your story is very nice. I hope makapag-update ka palagi and matapos mo siya. Napapangiti ako sa mga scenes, exciting kada chapter. And I must say na  nag-enjoy ako sa pagbabasa. Pero tulad ng nabanggit ko, palitan mo yung book cover, para mas mapansin siya. Good job, just continue writing! Here's my rate...

OVERALL RATING: 9/10

Thank you and I hope my critique will be helpful. Lovelots!

Writers' Critique Shop (TEMPORARILY CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon