WHAT'S UNDER THE FULL MOON BY ITS_AYEYEN

65 3 2
                                    

WHAT'S UNDER THE FULL MOON BY Its_Ayeyen

▪TitleTitle palang mahahalatang fantasy na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▪Title
Title palang mahahalatang fantasy na. It's nice and okay naman siya bilang title.

▪Book Cover
Okay din yung bc. Akma sa genre pero kung ako ang tatanungin, hindi masyadong attractive tignan.

▪Blurb
Yung blurb mo is yung sinabi ni Lode sa story. Hindi ako masyadong na-hook kasi kulang sa details. Kung ako ang makakabasa, hindi ako masyadong magkaka-interes basahin dahil walang ideyang binigay kung ano ang laman ng story.

Ipakilala mo sa 'min sa description mo yung characters o kaya anong meron sa story mo na makakapagbigay interes sa 'min. Sa blurb inilalagay yung anong meron sa story na dapat naming basahin o abangan?

▪Prologue
Maganda yung scene sa prologue, pero hindi rin ako masyadong na-hook. Hindi ko kasi alam kung saan ba yung scene na yun? At anong nangyayari, bakit gano'n? Nakakabitin siya. Hindi ako nagkaro'n ng idea sa story.

▪Characterization
Okay yung mga characters. Yung pagiging humorous ni Phoebe at pagiging masungit at maalalahanin ni Lode. Siguro dagdagan mo pa ng adjectives tungkol kay Lode. Hindi ko kasi ma-imagine nang husto, gayon din si Phoebe.

▪Narration
Iwasan yung papalit-palit ng point of view. Kung gagamit ka ng third person, sana mag-stick ka ro'n at 'wag kang papalit-palit tapos babalik ulit sa narrator. Tapos in the next chapter, first person ulit, next naman, third person na naman. Avoid that.

Pero, nagustuhan ko kung paano mo ako dinadala sa lugar na gusto mong ipa-imagine sa 'kin. Pati yung pagdedeliver mo ng emotions, nagawa mo successfully. Magaling ka mag-narrate pero iyon nga, iwasan ang pagpapalit-paliy ng pov.

▪Grammar
May grammar errors sa English language lalo na ito, kasi halatang-halata.

▪GrammarMay grammar errors sa English language lalo na ito, kasi halatang-halata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dapat "We don't know what they hide behind those kindness".

Nalilito ka rin sa pagkakaiba ng 'nang' at 'ng'.

▪Language
Wala naman akong naging problema rito. Magaling ka sa pagco-construct lalo na sa Tagalog.

▪Capitalization and Punctuation Marks

Apostrophe o kuwit (')

Ginagamit natin yun sa mga words na tinanggalan natin ng letter. For example, 'yan for iyan, 'yon for iyon, 'to for ito, 'ko for ako, 'pag for kapag, gan'yan for ganiyan, kan'ya for kaniya, s'ya for siya, n'ya for niya, ba't for bakit, d'yan for diyan.

Dash o gitling (-)

Kapag pinagsasama natin yung Tagalog sa Ingles. For example, mag-bestfriend, mag-classmate, na-feel, i-contact. Ginagamit din yun sa mga compound words or mga words na doble. For example, buntong-hininga, dalawang-isip, doble-doble, araw-araw, unti-unti, etc.

Pati yung mga words na gan'to: mag-alaga, mag-umaga, mag-isip, mag-alala, etc. Mga word na may magkadikit na vowel at consonant. Hindi space ang ginagamit natin do'n kundi gitling.

Ingat nalang sa paggamit ng space. May mga words kang pinaghihiwalay kahit di naman dapat. Tulad nitong mga naka-highlighted:

Iwasan mo rin yung pagdodoble ng mga punctuation marks like "!!" Or "

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Iwasan mo rin yung pagdodoble ng mga punctuation marks like "!!" Or "......" Kapag sa period, hanggang tatlo lang dapat, ito yung tinatawag nating ellipsis (...)

Iwasan din yung asterisk *

▪Dialogue Tags, Correct Usage of Italic and Bold
In writing dialogue, 'pag statement and sentence mo, end it with comma (,) tapos small letter na kasunod na word.

Example,

Statement:
"Halika rito," sabi niya sa 'kin.

Interrogative:
"Bakit?" tanong niya.

Exclamatory:
"Hala!" gulat na sigaw niya.

▪Content and Plot
Maganda yung story at yung flow. Siguro nakukulangan lang ako sa background information ni Lode, kung paano siya naging Full Moon Guardian, gano'n. O kaya saan siya nanggaling talaga. Pero feeling ko naman mailalagay mo yun sa mga upcoming chapters mo.

▪Word Count/Right or Suggested Length of Each Chapter
Every chapter is not too long and not too short. Tamang-tama lang at hindi siya nakakabitin.

OVERALL COMMENT: Sana tapusin mo 'to kasi alam kong sa likod ng mga nangyayari sa simula, may revelation at twist na mangyayari. Naeexcite ako kasi nafi-feel ko ng may romance na halo. I suggest na sana 'wag lang umikot sa kanilang dalawa yung story o kaya sa moon. Nag-enjoy naman ako sa pagbabasa dahil natatawa ako paminsan-minsan. Mara-raming typos at errors, sana ma-edit mo. But all in all, your story is great. Continue writing!

OVERALL RATING: 7.5/10

Thank you and I hope my critique will be helpful. Lovelots!

Writers' Critique Shop (TEMPORARILY CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon