Episode 10: The No Pill

329 22 0
                                    

Episode 10: The No Pill


"Never Pill o Forever pill?" I asked myself habang kinukusot ko ang aking mga mata. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa akin at nag-stretch ako ng aking katawan. Ayoko pang bumangon sa kama. I was feeling quite squeamishly and lethargic. Siguro dahil ito sa mga kaganapan kagabi. Akala ko malulunod ko ng alak ang aking kalungkutan pero mukhang lumalala pa yata. Now, I got a hangover and an excruciating headache.

"Buwisit na buhay talaga 'to!" I said to myself.

Ayoko pang tumayo. Gusto ko na lang lamunin ako ng kama ko at maglaho na sa mundong ibabaw. Pero pinilit kong bumangon. I went to the living area and sat on the couch as I opened my laptop and checked my email. May message ang EIC ng JBL Publishing Inc. sa akin. I opened it and it was an invitation para sa isang book signing na gaganapin sa susunod na buwan. Na-excite akong bigla dahil makikita ko na naman ang aking mga author-friends na sina Abelardo at Ronnie. And maybe this time makaluwas din si Randy galing probinsya.

I was planning to write something sana sa bagong non-fiction book na isinusulat ko pero bigla na lang akong tinamaan ng katamaran o sadyang nababalot lang talaga ng kalungkutan itong aking pagkatao ngayon.

I grabbed the pillbox na ibinigay sa akin ni Charity. Pinag-iisipan ko pa rin kung ano bang mas tamang piliin sa dalawang pills na ito. Makatutulong ba talaga ang mga ito sa aking nararamdaman ngayon? Sobrang bigat kasi ng dibdib ko. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako ginising ng Diyos. Napahiga na lang ako sa couch, hawak-hawak ang pillbox sa aking dibdib. I closed my eyes and entertained all the those thoughts that came into my mind.

Bakit kailangang magtapos kung mahal niyo pa ang isa't isa? Bakit kailangang magsakripisyo kung puwedeng namang sumugal? Bakit kailangang maglaho kung may nararamdaman pa? Bakit kailangang masaktan kung ang tawag dito ay pagmamahalan? Lover ako, hindi fighter. Gusto ko lang namang magmahal. Hindi ko gustong makipaglaban, makipag-away, hindi ko gustong masaktan.

Ayoko nitong nararamdaman ko. Wasak na wasak ako. Para akong binalatan ng buhay. Ang kirot sa buong katawan ko. Kahit makailang Alaxan pa ako ay hindi mawawala ang sakit na nananalaytay sa aking puso. Laging lutang. Laging walang focus. Laging hindi alam ang mga nangyayari sa paligid. Nakapup*tang ina naman ng heartache na 'to!

Minulat ko ang aking mga mata at napatitig sa kisame sabay ragasa ng aking mga luhang kanina pa inipon at gustong palayain.

"Where is God when it hurts?!?" sigaw ko sa kawalan.

I stood and left the pillbox on the couch. I went to the bathroom and turned on the shower. As the cold water hit my body, tears started flowing again. Nagtatago sa bawat patak ng tubig ang mga luhang

walang tigil sa buhos. Parang isang gripong kayang pumuno ng isang swimming pool. Hindi ko na kaya itong aking nararamdaman. I felt like someone snatched my heart from my chest, squeezing it tightly in his hand. Gano'n kakirot, gano'n kahapdi.

Nagtagpo ang aking mga mata at ang razor blade na nakalagay sa may sink. Kinuha ko ito. Ito'y kulay berde at matatalas ang mga blade. Mahaba na rin naman ang aking bigote at balbas, mahigit isang linggo na rin akong hindi nagsi-shave. Pero imbis na mag-shave ay inilabas ko ang mga blades ng razor saka . . .

"Wala ng pag-ibig kaya wala ng pag-asa. Wala ng pag-ibig, wala ng pag-asa. Wala ng pag-ibig, wala ng pag-asa," I kept chanting these words repeatedly while I started cutting my wrists with the blade.

Patuloy pa rin ang buhos ng tubig at shower pero ngayo'y nahaluan na ito ng kulay pula. Ako'y napaupo na lang nang dahan-dahan sa may sahig ng banyo. Patuloy pa rin ang paghiwa sa aking palapulsuhan. Naghalo-halo na ang rumaragasang tubig, luha, at dugo.

The End

Never/Forever (An Interactive Novel) by Jahric LagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon