Episode 18: The Never Pill

485 114 0
                                    

Episode 18: The Never Pill


"Never Pill o Forever pill?" tanong ko sa aking sarili habang nakahiga pa rin sa kama. I still couldn't decide what pill to take. Would I want to move on from this heartache? Or continue to hope that Albert and I could still be together?

Ayoko pang tumayo. I was feeling quite groggy and lethargic. Siguro dahil ito sa mga kaganapan kagabi. Akala ko malulunod ko ng alak ang aking kalungkutan pero mukhang lumalala pa yata. Mas warak na warak ang pakiramdam ko because now I got a hangover and a piercing headache. The sunlight streamed into my apartment through the windows. Hindi naman kalakihan ang apartment ko at mas naging maluwag pa ito sa paglisan ni Albert.I forced myself to get up at hindi na rin naman ako makababalik sa tulog dahil sa taas ng sikat ng araw.

Nasa pangalawang palapag ang apartment at may isang bedroom. Galing sa bedroom ay may spacious living area sa kanan kung saan may couch, coffee table, TV set, at ang main entrance. Sa kaliwa naman ay makikita ang open kitchen na at ang bathroom. All white na may accent ng berde at kahel ang buong apartment. Napakasarap sa mata. Napakaaliwalas. Hinihiniling ko na lang na ganito rin sana kaaliwalas ang aking nararamdaman ngayon.

Bago ko umpisahan ang araw na ito, kailangan ko munang uminom ng isa sa dalawang magical pills na ito. Baka nga tama si Charity at mapabuti nito ang aking nararamdaman. Napakabigat pa naman ng dibdib ko at parang may nakadagang isang malaking bato sa ibabaw nito. Ang sakit ng ulo ko sa hangover, umiikot pa ang aking paligid, at masakit ang buo kong katawan. Pero hindi pa rin nito matumbasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Napaupo ako sa couch and I hugged myself tightly. Wala na akong aasahan pang iba kundi ang sarili ko na lang. Mamaya'y magluluto ako ng sopas para pampawala ng hangover ko. Ngunit ngayo'y yayakapin ko muna ang aking sarili hanggang sa mawala ang tama ko at kahit ayoko pang mag-umpisa ang araw na 'to, kailangan kong magpatuloy. I needed to keep moving forward in my life.

Ring . . . ring . . . ring . . .

I picked up my cell on the coffee table. It was a video call from my mom. I answered her call but turned off the cam.

"Ricky, bakit nakapatay ang video mo?" paunang sambit ni Mama, nakahiga na siya sa kaniyang kama.

"Ma, 'wag na po. I look like a mess, kagigising ko lang po. Bakit po pala kayo napatawag?"

"Aba, siyempre, nag-aalala ako sa anak ko. I heard what happened, kinuwento ni Charity. So, kumusta ka naman?"

"Ang daldal talaga nito ni Char," reklamo ko. "Okay lang naman po ako, Ma."

"'Yong totoo, Ricky, alam mo namang nasa US ako at wala ako riyan para kumustahin kang personal at damayan ka sa pinagdadaanan mo. Mas mag-aalala ako kung hindi mo sasabihin sa akin ang tunay mong nararamdaman." Nakabukas pa rin ang camera ni Mama at kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.

"Ahh . . . eh, hindi ko po alam kung ano po itong nararamdaman ko, Ma. Pero sobrang sakit! Ako naman ang nakipag-break, eh, pero ako itong mukhang tangang nagmu-move on at nasasaktan ngayon. Siguro, kaya ko po ito napi-feel kasi mahal ko pa si Albert?"

Nakita kong umiling si Mama na may kasamang irap.

"O kaya naman ay nasaktan ako kasi noong nagyaya akong makipag-break, um-oo na lang siya! Ang bilis niyang bumitiw ngayon, eh dati naman nakailang yaya na rin ako ng breakup pero lagi niya kaming pinaglalaban."

"Hindi mo deserve ang taong ganiyan, 'nak. Hindi mo deserve na umiyak para sa isang taong hindi ka man lang pinaglaban na. Kapag ayaw na, hayaan mo! Pagbuksan mo pa ng pinto, let him go! Ako nga, mga naging boyfriends ko noon parang pagpapalit lang ng panty. Tanggal panty at palit ng bago! Lalaki lang yan, madami ka pang makikilala na mas deserve ang pagmamahal na ibibigay mo."

"Opo, Ma. Thank you, ha. I miss and love you po," I said with my voice sounding a little lighter.

"Kung binitiwan ka na, bitiwan mo na rin! Never hold on to someone or an emotion that has already departed from your life. Set him free, set yourself free. Time to heal, anak."

I know I needed that talk with my mother. Napalakas nito ang loob ko para pagdesisyonan kung ano ba ang path na tatahakin ko. So, I pulled myself out of the couch and headed to the kitchen, dala-dala ang pillbox na ibinigay sa akin ni Charity. I went to the sink and got myself a glass of water. I opened the pillbox and I flicked the orange pill in my mouth.

Let this cure my heartache, please, I thought.

I swallowed the pill fast with a glass of water and waited . . .


To be continued...

Never/Forever (An Interactive Novel) by Jahric LagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon