Ethan's Pov.
Ako nga pala si Ethan Alfonso, dati akong Engineering student sa Prince Academy. Ayoko naman talagang i take ang BS. Civil Engineering, dahil ayoko talaga, pinilit lang naman ako ng parents ko na mag take ng course na'to.
Dahil si daddy Engineering ang natapos at ngayon may sarili nang company si Dad.
Si mommy naman nagtapos ng BS HRM.
Kaya ayun meron na din syang sariling restaurant.
Pero kung ako ang tatanungin ang gusto ko talaga ay BS Tourism.
Dahil bata palang kami ni Xian, ang aking pinsan, ay pangarap na naming sumakay ng eroplano. Isa rin pala akong Varsity sa basketball dito sa Prince Academy.
At dito ko din nakilala Celine. Ang aking EX-Girlfriend.
Yes, Ex-Girlfriend. nag break kami sa dahilang,pinagpalit nya ako sa iba.
*FLASHBACK*
Anniversary na namin bukas ni Celine. Ano kayang magandang gawin? Hm.
Aha! Isusurprise ko nalang sya. Tinext ko si celine na magkita kami mamaya sa restaurant ng mommy ko. Tutal legal naman kami, so kinausap ko si mommy tungkol sa balak ko..
Ano nga ba ang balak ko?
Ang balak ko ay, mag proPose kay celine.
Kinabukasan..
Ako na mismo ang nag-ayos ng resto ni mommy.
November 12.
8:00 pm.
Nang makarating si celine sa resto, WOW! Ang ganda nya grabe. Yan nalang ang nasabi ko..
Agad ko syang binati.
"Happy 12Months Babe! I love you so much! <3 ;**
" Happy Anniversary! I love you so much more!! :)"
Lumuhod ako sa harap nya at sinabing....
"Celine, Will you marry me?"
"Yes. I'll marry you ethan"
Pagkatapos sabihin ni celine na papakasalan nya ako, pinasuot ko nya ang Diamong Flower Cluster Ring.
Sobra sobra ang saya ko ng gabing iyon.
*End of Flashback*
A/N: Nasa side yung pic ng ring.
Halos tumagal din kami ng isang taon ni Celine.
Pero isang taon lang yun, at pagkatapos nun, naghiwalay kami, nang dumating sa buhay namin ang bagong transferee sa Prince Academy, na si Kayveen Hwan. Isang HalfKorean HalfFilipino.
Makalipas ang ilang buwan, bigla nalang naging malamig ang treatment sa akin ni celine, sa tuwing aayain ko syang mag date lagi nyang sinasabi na busy sya, maraming assignments, projects. ETC! kung ano ano pa! =_="
"Dre! alam mo naba ang balita?"--Barkada ko sa Prince Academy. si Liam.
"Anong balita?"
"Si celine yung girlfriend mo, nakita ko magkasama sila sa mall ni kayveen nung isang araw! at marami na din nakarating na balita sa akin na maraming nakaka kita kay celine na lagi nyang kasama si kayveen, yung transferee dito sa school".
"Hindi magagawa sa akin ni celine yun, sabi nya sa akin ako ang mahal nya at hindi nya ako pagpapalit kahit kanino man, actually nag pro pose na nga ako sa kanya eh, kaya hindi nya magagawang ipagpalit ako sa iba."