Chapter 6: With Him.

36 5 3
                                    

Sophia's Pov.

Ok fine! Ang best friend ko na ang may Love Life! >.<

Naiingit naman daw ako sakanila. Hehe. Eh kasi naman. Pati ako napa kilig ni Xian.

At kamusta naman daw ang love life ko?! WALA. AS IN. W.A.L.A.

Haaay nakow. Darating din yun. In the right time.

Nasan na ba si ethan? eh kasi naman hindi sya pumasok. umabsent. tsk. maglalakad lakad nalang muna ako. loner na naman kasi ako eh. si irah kasi kasama ni Xian. Mang-aagaw ng kasama si Xian. -___-"

"Phiaaaaa!"

"Oh ethan ikaw pala. Bakit hindi ka pumasok kanina?"

"Na late kasi ako eh. Next subject nalang papasukan ko".

"Ah ganun ba. Ayy! Eto nga pala yung panyo na pinahiram mo. Salamat ulit".

"Sa'yo na yan."

"Ha?Bakit?"

"Ano kaba. Panyo lang naman yan eh".

"Okay sige sabi mo eh".

"San ka nga pala pupunta?"

"Maglalakad lakad lang sana ako".

"Ganun ba. Punta nalang kaya tayo sa classroom. oh hindi mo ata kasama si irah?".

"Eh kasama ng pinsan mo eh. Hehe".

"Aha. Hindi mo na mapag hihiwalay yung dalawang yun".

"Oo nga eh".

Yahooooo! Kasama ko si crush <3. Ang saya saya ko. Grabeee! 

"Ah ethan. May sasabihin sana ako sa'yo. Alam mo crush kita!"

Yan ang linyang gusto kong sabihin kay ethan ngayon. Kaso hindi ko magawa. Hindi ko masabi. Natatakot ako. Natatakot ako sa isasagot nya. Baka kasi masaktan lang ako. Hindi ko kasi alam kung may girlfriend sya oh wala. Kasi naman hindi sya nag-oopen ng relationship status nya sa'min. Hm. Baka kay Xian nag-oopen sya. Matanong nga mamaya.

"Oh bat natahimik ka?"

"Ah wala. May iniisip lang"

"Wag mo na akong isipin. Kasama mo naman ako oh"

"Haha!"

Ano ba yan! Bat kinikilig ako. Nakaka asar naman kasi tong si ethan. Bakit ganyan. Lagi nalang ganyan ang sinasabi nya. Baka masanay ako ne'to. Haaay.

Sa tuwing magkasama kami ni ethan. Lagi nalang syang nagpi Pick Up Lines kahit corny. Hehe.

Pero, ok lang yun. Napapasaya naman nya ako eh. Naalala ko tuloy nung magka text kami. Nahawa nya ako. Pati tuloy ako bumabanat na din ehe.

Yung gabing hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit. Kaya dinaan ko nalang sa pagtetext sa kanya.

*Flashback*

Hindi ako matulog. Waaah >.<

Wag mo kasi akong masyadong isipin eh. Haha

Adik mo ha! Kape ka ba?--Ako.

Bakit?

Kasi hindi ako makatulog.

Haha! Asukal ka ba?--Si ethan.

PSEUDO LOVE (on'going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon