WALANG FOREVER: Orpheus and Eurydice

1.6K 47 55
                                    

Tingin nyo tragic ang Romeo and Juliet? Ang Jack and Rose? Ang pag-ffriendzone sa inyo ng crush nyo?


Pwes nagkakamali kayo.


Wala ng tatalo sa pagka-tragic ng love-story ni Orpheus at Eurydice. Sa sobrang tragic, hindi lang kayo iiyak gaya ng pag-iyak nyo sa Miracle Cell No. 7 kundi mapapa-what-the-f*ck din kayo gaya ng pagka-WTF nyo sa Texas Chainsaw Massacre.


Bakit? This is their story. (Oy totoo to ah, di ko to inimbento)


Orpheus and Eurydice's meeting is that typical Boy meets Girl.


Simple.


Na-inlove ang magandang babaeng gaya ko-- I mean nainlove ang magandang babae sa isang rockstar.

Some say Eurydice is a nymph but who cares. Pfft. Pakielam ko ba? At bakit Rockstar si lalaki? Cause Orpheus is one hell of a musician.


I mean one hell talaga dahil lahat napapaamo nya sa pagtugtog nya. Alam nyo yung pwede kang mag-shoplift ng Noche Buena package sa Puregold tapos palulusutin ka ng mga guard? Ganun katinde!!


So ayun. One day, Orpheus was like: "Tara, pakasal na tayo!!" and Eurydice was like: "Sige, trip ko yan!!"


Naks dali kausap. With that, they instantly got married.


Si Hymen (oi di yung nakabalot sa ano ng babae ah) the god marriage attended their wedding.

At kung makikita nyo si Hymen sa kasal na ito, nakabusangot sya. As in nakabusangot all the way through. Something like not even cracking a smile. Sus, baka bitter!! Bakit ba kasi sya nakabusangot? Di ba masarap ang pagkain sa reception?!


The thing is, this not a sign of good future and his irritated face definitely means a surebol marriage disaster.


So ayun nga. Natapos na ang kasal at naguwian na ang lahat. Eurydice, who wanted to do some chika-chika with the bridesmaids went out. Kaso, may mala-SOCO na eksena ang nangyari.


Aristaeus, a manyak shepherd saw how hot Eurydice is, decided to make sexual advances on her.

Naman! Sa sobrang takot ni Eurydice ay tumakbo sya. As in takbo to the max sabay sigaw ng "Rape!! RAAAPPPEEE!!!"


Diba? SOCOng SOCO?


The damn part is, Eurydice, not looking where she is running to, came across a poisonous viper!! Ano yun viper? Basta ahas!! Ayun nanunuklaw!!


So the snake bit her ankle and she died. Oopsie. Ambilis ng epekto ng pagmumukha ni Hymen.


With that incident, Orpheus grieved for so many years. Kaw ba naman mamatayan ng asawang kakakasal nyo pa lang. Ano? di ka ba magmumukmok?!


Orpheus was like: "Bakit?! BAAKKIITTT!!! Di ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin! Napakasakit na marinig na--"


"Hoy! Magpatulog ka!!" sigaw ng mga kapitbahay.


With that, nakapagdesisyon na si Orpheus. Not before long he decided to take an action.



Ano ang plano??


Ang pumunta sa Underworld para bawiin ang kaluluwa ni Eurydice.


Sounds hard? Malamang!!

Sa Underworld madaming obstacles. I mean, there's the Ferryman, Cerberus the three headed dog, Monsters, Sisyphus, Army of dead etc etc.


Mythology (Baliwan Edition) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon