20| Georgia Morocco

140 36 163
                                    

"Ba't ba ang tagal-tagal mo?" Sage grumpily said, natawa naman ako sa kasungitan ng mukha niya.

I hugged him sideways, he tapped my head like what a brother would. Sabay kaming pumasok sa Korean restaurant na malapit lang sa condo ko, naisip ko lang na ayain siya kay'sa naman wala akong gawin ngayong gabi dahil sa pag-cancel ko kay Calixto.

Ugh, I didn't even want to talk about it. I mean, hindi ko alam kung na-guilt trip ako dahil sa ginawa ko, o sadyang naguluhan lang rin talaga ako sa reaksyon ko.

Hindi naman kasi ako katulad no'ng trainee na walang makain! Kaya wag niya akong maturing-turing na gano'n.

Tsh.

"Bakit parang ikaw ung nabagok ang ulo ha? Parang galit na galit ka sa mundo," natatawang sambit ni Sage, I shook my head and straightened my posture.

Hindi ko na dapat iniisip ang mga bagay na hindi nga naman dapat pinoproblema, 'diba?

"I'll have one Soondubu stew," sabi ko sa waitress na lumapit sa'min.

Tumikhim ako at tinignan ang phone ko, binaba ko ito nang magsimulang mag-order si Sage.

"One Bibimbap, a platter of Bulgogi, and extra Kimchi," Sage grins.

Napailing nalang ako nang mukhang kinilig pa ang waitress dahil sa ngiti ni Sage. Pasimple akong lumapit kay Sage, malakas kong pinitik ang noo nito. Nagulat naman siya at napasapo ata noo niya, I laughed loudly because of his reaction.

"Kapag ung tahi ko bumukas, Hershey!" He dramatically said.

"OA! You don't have stitches at all," I snorted, picking up my phone and looking at it once more.

"Kanina ka pa tingin nang tingin sa cellphone, may inaantay?" Sage raised his brow, napabitaw naman ako agad sa phone dahil sa sinabi niya.

"Huh-wala."

I looked at my nails to divert my attention, but Sage just eyed me suspiciously. "Hoy Hershey, kapag talaga nalaman kong binalikan mo si Alonzo, sinasabi ko sa'yo-"

"Ano? No! Pinagsasabe mo ha," I glared at him.

Pinagkrus naman niya ang dalawa niyang braso. "Dapat lang, it's a good thing na hindi kami nagdemandahan ng kumag na 'yon," he scoffs.

"Huminahon ka nga," I shushed him, wanting to calm him down.

Mukha kasing hindi pa rin maka-move on ang isang 'to, mas umigting lang siguro ung galit na umaapoy sa pagitan nila ng ex ko. I sighed, not really wanting to talk about it anymore, simula pa naman dati ay ayaw na ni Sage kay Alonzo.

Nagsimula na kaming kumain nang dumating na ang mga in-order namin, I busied myself with my food, ocassionally flipping my phone to check it.

Still no reply, whatsoever. Kahit simpleng ''K." 'manlang from him, pero wala! Tinignan ko ulit ang phone ko. Wala talaga!

"Anak ng, Hershey may bago ka na bang syota?"

Napalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Sage, his look hardened, napakunot naman ang noo ko at mabilis na tumanggi sa kaniya.

"What? No! Anong pinagsasabi mo?"

"What? No!- 'e bakit puro ka cellphone d'yan?" He said mockingly, inagaw niya ang cellphone ko, kaya naman napatayo ako sa upuan ko.

"Sage, ibalik mo!"

Pilit kong inaabot ang phone ko sa kaniya, pero dahil tumayo na rin ang magaling kong kaibigan, mas ipinagmamalaki pa niya ang katangkaran niya. He was making fun of me, while he gave me a hard time to reach for my phone! Tinataas-taas pa niya para hindi ko talaga maabot.

Le PenchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon