35| be the one that'll fight destiny

96 9 82
                                    

"Ha? 'Di kita marinig!" Naiinis na 'ko! Kanina pa tawag ng tawag sa'kin 'tong si Calixto, parang akala mo 'di kami nagsama buong magdamag sa unit!

"Love, I said stand up," I hummed groggily, wala pa 'ko sa tamang kondisyon ah! Ginising ba naman ako, 'e kakatulog ko lang... ang gulo rin nito 'e, kanina atat ako patulugin tapos ngayon gigisingin lang ako!

I lazily stood up from my bed, napatingin ako sa orasan ko at nakitang 11:59 na pala ng gabi. Nagulantang ako nang madaliin ako ni Calixto sa phone.

"Love, hurry up!"

Hay na'ko! Kumarimpas tuloy ako sa pintuan ng unit ko. Mayro'n naman siyang susi, bakit hindi niya gamitin 'yon? 'Tsaka anong oras na.. napano ba ang isang 'to!

"Calixto, sinasabi ko sayo-" my own words were cut off, as my mouth went agape.

Anong... anong.. oh my gosh, it's our--

"Happy second monthsary, love," he bit his lip while smiling.

Warmth suddenly spread around my body as my heart fluttered at the sight of him, mabilis ko siyang hinila paloob sa unit, he chuckled quietly as I tossed my phone to my sofa carelessly before I engulfed him with a hug.

"Balak ko pa namang gumising ng maaga mamaya," I groaned silently.

Totoo naman 'e! Hindi ko naman alam na may pasabog pala siya ngayong gabi... akala ko naman bukas pa! Kasi naman, kanina iniwasan ko talagang pagusapan 'yung topic about sa monthsary namin. Sabing ako dapat ang unang babati sa'ming dalawa 'e!

"You will never beat me and my surprises," he chuckled above my head.

"Baby.." I whined like a child as I continued to nuzzle my nose up his neck.

I didn't even tried to hide the fact that I was sniffing him, he just smelled so great! Parang kahit kailan ay 'di pa ako nabahuan sa kaniya, kaunti nalang at maniniwala na 'kong amoy pabango pawis niya! Inamoy ko pa siya ng inamoy, hay! Bango-bango talaga!

"Okay, love. 'Yung cake baka mabagsak," pangaasar niya, I hit him lightly on the back kaya natawa siya sa'kin.

We eventually detached ourselves from each other dahil nakita ko namang nahihirapan na siya sa paghawak ng cake na dala niya, mas lumapad ang ngiti ko nang halikan niya ako sa noo. I let myself be pulled by him as we went our way to my coffee table, I smiled softly as I watched him open the cake's packaging... goodness, two months in, pero mukhang wala ata siyang planong pahupain 'yung kilig na nararamdaman ko every time na may pasabog siyang ganito.

"It's beautiful," I grinned as I saw the cake.

"Like my girl," he whispers, napangiti ako lalo. Akala niya siguro 'di ko narinig 'yon!

Pinalipas ko muna 'yon, though I reminded myself to annoy him later about it. Wala lang, gusto ko lang siyang laging inaasar. Ang cute kasi niyang tignan, pero hindi napipikon! Kaya ang ending, ako ang naiinis.

"Ano ba 'yan," I tried to reach out for my phone but I tossed it way too far! So, Calixto offered his instead.

"Picture tayo?" I suggested, pagkatapos ko kuhanan ng picture ang cake.

He shrugged, before encircling his arms on my waist. I rolled my eyes playfully as I adjusted his camera into selfie mode, pinatong niya ang mukha niya sa balikat ko. Napangiti ako ro'n, naalala ko kasi 'yung sinabi sa'kin nila Chase dati... Calixto rarely agrees to take pictures, pero sa'kin mukhang wala naman siyang angal.

We took several photos, the first one's were decent and sweet hanggang sa puro wacky faces nalang ginagawa ko, I took advantage of it na! Minsan lang naman kasi siya nag-pipicture 'e, 'tsaka puro buildings lang ang nasa gallery niyan! Napansin na ata niya 'yung pag-flood ko sa camera, kaya hinablot na ni Calixto ang phone niya.

Le PenchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon