29| asset

113 27 55
                                    

"Ang landi mo, nililigawan ka na?!"

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at marahang sinipa si Gen na nasa paahan ng kama ko.

"It's about time. Their sexual tension is a lot to take in," Hera emphasized.

Bumuntong hininga ako habang dinadagan ang mga kamay ko sa unan para lalong mabaon 'yung mukha ko rito. Jusmiyo naman, handito pa rin ako!

"Ang sabihin niyo, dapat sinunggaban na nila 'yung isa't isa! Ba't kailangan pa magligawan?"

Nagulat ako nang kunin bigla ang unan sa mukha ko, I glared at the culprit-Shirley. Tumawa siya sa'kin at binalik rin ng pabiro ang pagsama ng tingin ko.

"Hey, I think the man wants something serious. Hindi pang-past time lang," umiling si Hera, she gave me a pointed look before she proceeded in polishing her nails.

"So? E 'di magjowaan kaga'd! Don't waste time. Gusto mo siya," tumuro sa'kin si Shirley. "Gusto ka niya, ano pang hinihintay niyo?" She scoffed.

"Hoy babae, tigilan mo nga. Siyempre kung sasabak nanaman 'to sa relasyon, i-make sure na niyang healthy na," Gen paused, binigyan niya 'ko ng mariing tingin. "At hindi na toxic 'yung papasukan niya."

I leaned my body against the headboard, pinabayaan ko lang silang magsalita ng magsalita diya'n. Tutal, mapapagod rin 'yang mga 'yan.

Nagkasama-sama nanaman kaming mga babae dahil ngayon lang ulit nagkatugma mga schedules namin. Kaming dalawa ni Shirley may day off, si Gen naman rest day sa pag-review sa boards. While si Hera-hindi naman niya kailangan maging present lagi sa trabaho. Siya ang magmamana ng posisyon ng nanay niya sa kompanya nila Sage, pati ang mga shares nito. Kaya planado na rin naman na lahat para sa kaniya.

"Magdadalawang linggo na pala kayong nag-aminan, tapos kung hindi pa namin nataunan na nilulutuan ka niya dito sa unit mo, 'di pa namin malalaman!" Shirley crossed her arms, umakto siyang nagtatampo sa'kin.

I sighed, sa dinami-dami naman kasi ng pagkakataon, kailangan pa nila kami maabutan sa oras na nag-request ako kay Calixto na ipagluto ako ng steak. He was willing to do so, ang sarap kasi... It's my period kaya nagke-crave ako.

Para pa naman akong susumpungin 'pag 'di ko nakuha 'yung pagkain gusto ko.

"Sasabihin ko naman talaga... Hindi ko lang kayo maharap, ikaw nga kahit nasa iisa tayong firm 'di na tayo nagkikita," pag-aakusa ko kay Shirley.

She huffed at me. Grabe ha, attitude.

"Shey has her own privacy, duh," Hera muttered beside me.

Shirley mocked her quietly, natawa ako. Parang bata kasi... I furrowed my brows ng may maalala ako.

"Bakit nga pala 'di ka na madalas sa pantry ng Civil dept.?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Halos inangkin na niya kasi 'yung buong pantry namin, dahil araw-araw siyang naroon. Kilala na nga niya lahat ng mga CE, pero sa mga nakaraang araw napapansin kong 'di ko na siya nakikita do'n. Kaya hindi na rin madalas 'yung pagkikita namin.

Nanliit ang mga mata ko nang makita siyang lumunok ng mariin, she squirmed uncomfortably before looking away.

"Busy ako," she dryly said, shrugging her shoulders.

I hummed in response, not really convinced. Hera elbowed me while Gen snickered, nagkatinginan kami ni Hera, parehong naguguluhan. Napalingon ako nang hampasin ni Shirley si Gen na tumatawa ng malakas.

Napatingin ako kay Hera muli, she gave me a questioning look. Nagkibit balikat nalang ako, 'o bakit ako? Wala rin akong alam sa nangyayari 'no.

Even if I was curious as hell, I didn't push the topic further. Kilala ko si Shirley, magsasabi 'yan kung gusto niya.

Le PenchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon