24| bury my feelings

145 32 149
                                    

"Do you have extra oil?"

Nakakunot ang noo ko habang tumitingin kay Calixto, he dropped by my unit just to ask if I have extra oil. He was smiling, kakauwi ko lang galing sa trabaho at mukhang mas nauna siya sa'kin.

I nodded hesitantly, before telling him to come in. Nakatayo lang siya sa common area ng unit ko, habang abalang-abala ako sa paghanap ng oil.

"You ran out immediately?"

Kakabili lang namin no'ng isang araw ng groceries 'a.

"I... Fried a lot of things," he answered.

I hummed, not really convinced. Tumingkayad ako para makuha ang bagong bote ng mantika sa cupboard ko, I grunted when I felt my clothes become tighter. Naka-corporate attire pa kasi ako, since hindi naman ako bumisita sa site ng Pangasinan ngayon at umattend lang ng meetings.

"Oh," I threw him the bottle of oil, he catched it with ease.

"We'll talk to Mr. Pangilinan's engineers soon," he informed me.

Napatango naman ako, I held the counter for support when I started to take off my heels.

"Thank you... I got to go," mabilis niyang sabi.

Agad akong napatingala, I rolled my eyes. Hindi manlang ako hinintay matapos bago makaalis, ang yaman-yaman pero nauubusan ng mantika?

The next few days were hectic, kinailangan kong bumisita sa iba't ibang project na ako mismo ang sumalo sa pagmomonitor dahil nga hindi pa tapos ang mga ito, nag-resign na agad ang dating head director.

"Dylan, pakisabi kay Aya ipa-photocopy niya lahat 'to," binigay ko kay Dylan ang mga papeles, agad naman akong sinunod nito.

Nalipat na kasi sa'kin si Aya dahil natapos na ang internship hours niya kay Calixto, isang buwan nalang ay matatapos na rin si Dylan sa'kin dahil gagraduate na siya, kaya si Aya na ang papalit sa kaniya.

I pursed my lips and leaned on my swiveling chair, I scowled upon looking at the report that Architect Montes sent me earlier.

Kakapasok palang ni Dylan sa opisina ko ay inutusan ko na agad siyang papuntahin si Architect Montes rito.

"Two years ka na sa firm na 'to diba, ano 'tong sinend mo sa'king report Architect Montes?"

Mariin ko siyang tinignan, hinarap ko pa sa kaniya ang isang laptop kung nasa'n ang gawa niya. I threw Dylan a glare nang makita kong nagpipigil siya ng tawa habang nakatingin rin kay Montes.

"Hindi ko napansin—"

"Architect Montes, I presume that you're aiming for my position, I've recalled everything you said. Puwede bang pakitaan mo naman akong hindi ka puro salita lang?" I straightened my posture as I clasped my hands on my desk.

Nakita ko ang pagkapahiya sa mga mata ni Montes, napailing ako sa kaniya. Masyado siyang mahina, ganito talaga sa trabaho namin, marami ka talagang pagdaraanan bago ka umangat. Akala ko ba malakas siya? 'E bakit parang naiiyak na siya sa harapan ko.

"Architect Montes, ayusin mo 'tong trabaho mo. Kung gustong-gusto mo akong palitan, 'wag kang papalya sa simpleng project na 'to," mariin kong sabi, nakita ko kung paano siya maluha dahil sa mga salita ko.

Aba? Tama naman ang sinabi ko, I swore on that very day to cut out the newbie attitude and start acting like an actual head director.

Kung magpapakalumanay ako, wala akong mapapatunayan sa ibang tao na karapatdapat ako sa posisyong 'to.

"Kape po?" Dylan suddenly intervened.

"I'll revise it immediately and send it ASAP," hindi makatinging saad ni Montes sa'kin.

Le PenchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon