Matapos nyang sabihin ang mga katagang iyon aaminin kong na touch ako dahil alam kong meron at merong tao ang nakaka appreciate sa kung ano ako, naging malalim din ang paglalayag ng aking isip namalayan ko na lamang na pinapakilala na ang guest namin para sa event na ito.
"Good Evening Ladies and Gentlemen our guest for tonights event Mr. CAMERON ALCANTARA" humakbang ito paharap di ko gaanong matanaw ang kanyang itsura dahil narin sa smoke machine na patuloy nag bubuga ng usok, ng unti unti kong maaninag ang muka nya unti unti ring tumigil ang mundo ko napaka pamilyar ng muka nya ngunit hindi ko maalala kung san ko siya huling nakita, unti unti naging tahimik ang paligid wala akong marinig na kahit anong ingay, nawala ang mga tao sa paligid ko at tanging siya lang ang nakikita ko di ko na namalayang nakatitig rin sya sa akin nakangiti sya at iba ang kislap ng kanyang mga mata na tila sinasabi nitong masayang masaya siyang nakita nya ako muli.
"Cha?" Bumalik na lamang ako sa wisyo ng bigla akong tawagin ni Gett.
"Bakit?" Tanong ko sakanya, nag nag iwas tingin ako sa guest at humarap sakanya.
"Okay ka lang? Kanina pa kayo nagkakatinginan nung guest oh." Nagtatakang tanong nya habang nakatingin sa guest na ngayon ay nagsasalita sa harap.
"Ahh Oo okay lang ako, Ano lng nagwapuhan lang ako sakanya" alanganing sagot ko.
"Sabagay gwapo naman talaga, pero may Josh kana hoyyy!, isusumbong kita"nagbabantang sabi nya.
'Sya nga may brittanni eh'
Di ko na sya sinagot nanood na lamang ako sa mga nagsasayaw sa dance floor.
"Attention ladies and gentlemen, its your time to dance with your partners, our guest for this event will choose our King and Queen of the night and also the Prince and Princess of the night, so grab your partners now". Sabay sabay nagpalakpakan ang mga tao at isa isang nagpunta sa dance floor.
Tumugtog ang kantang "a thousand years" na instrumental, nilibot ko ang aking paningin ng mahagip ko ang isang pamilyar na anino, bigla na lamang akong nanlambot ramdam ko ang mga nagbabadyang luha saking mga mata, nakita ko na rin si Gett at Hugo na na papuntang dancefloor, ganun si brittanni at josh na syang dapat ay kapareha ko, nakaramdam ako ng awa sa sarili ko,ako lamang ang walang kapareha na sumasayaw sa gitna dance floor ng biglang may lumapit sakin at nagtanong ng "May i have this dance?".
Unti unti akong humarap sa taong iyon nabigla nalamang ako at nasa aking harapan ang guest may dala siyang isang bouquet ng sunflower, iniabot nya iyon sakin , sa una ay nag alangan akong tanggapin iyon, inulit nya ang kanyang tanong "may i have this dance?". Sumagot na lamang ako ng ngiti at iniabot sakanya ang kanang kong kamay.
Unti unti nyakong hinila papunta sa gitnang parti ng dance floor lahat ng nakakita samin ay puno ng pagtataka ganun rin naman ako.
'Anong naisip neto't ako ang isinayaw andaming babae dyan eh'
'Sabagay choosy pa ba ko, kanina inggit inggit ako sa mga sumasayaw ngayong sinasayaw ako puro ako reklamo'
Ng makarating kami sa gitna ay tsaka ko pa lamang napansing ang panginginig ng aking mga kamay.
Unti unti nyang inalis ang pagkakahawak ko sa kamay nya at inilagay ito sa kanyang balikat, inabot nya naman ang isa ko pang kamay at inilagay nya ito sa kabilang balikat naman at marahan nyang hinawakan ang aking baywang.
"Miss okay ka lang?" Napansin nya na din ata ang pagiging kabado ko
"Ahh, oo nagtataka lang ako bat ako ang isinayaw mo?" Puno ng pagtatakang tanong ko.
Marahan syang tumawa. "Nakita kase kitang mag isa kanina at parang naiinggit ka sa mga nagsasayaw kaya nilapitan kita".
"E ano yung bulaklak?" Taka paring tanong ko.
YOU ARE READING
YELLOW STARS
FantasyChandria Nicole Madeliene Velasquez, O diba ang haba lang naman ng pangalan ko. I'am gr. 12 student at Hillton Academy, I'm the salutatorian of our batch. Ang sabi nila di lang daw ako matalino, maganda din but what's the scenes of beauty and brain...