Chapter 4

22 1 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw. Malapit na ang graduation at dalawang buwan nalang yun mula ngayon.

Pero kung kailan naman malapit nakong makatapos ng highschool tsaka naman ako nagkaproblema. Madaming babayaran dahil nga daw sa "graduation fee" dagdag pa ang matrikula ko dahil halos tatlong buwan akong delay sa pagbabayad.

Di na kasi ako nakaka raket masyado nung mga nakaraan dahil nag-aaral ako. Ngayon, kailangan ko tuloy kumayod ng doble para mabuhay ako. Letcheng buhay kasi to e.

Buti nalang may raket si Yna ngayon at sasama ako doble daw kasi ang kikitain lalo pa't bachelors party ata yung pupuntahan namin. Tiyak puro hayok na lalaki ang andoon at malabong wala akong mabibihag.

Nagready nako ng mga dadalin ko. Doon na kasi kami mismo sa venue magpapalit dahil may paepek pa na ilalagay muna kami ni Yna sa malaking box para kunwari ay kami ang regalo sa groom-to-be. Pero sinabihan naman kami na ayaw daw magpahawak ng groom kaya ang pwede lang namin lapitan ay yung mga bisita nya.

Dumating na ang service namin at hinatid na kami sa hotel kung saan andon ang mga lalake. Saktong kakatapos ko magmake-up ng tawagin kami ng owner ng club. Nagsabe pa sya ng ilang mga paalala bago kami ilagay sa loob ng malaking kahon. Buti nalang may mga maliliit na butas iyun at kahit papaano nakakahinga kami sa loob at nakikita namin kung saan kami papunta.

Maya-maya pa ay pumasok kami sa silid na napakadilim. Bigla ko namang narinig ang hiyawan ng pumasok kami, mga hayok na sigawan. Sinenyasan nako ni Yna ng gagawin at naghanda nako.

Nang tumugtog ang kanta at may nag alis na ng takip ng kahon, sabay kaming lumabas ni Yna at sumayaw ng mapang akit angkop lang sa kanta. Ang mga lalake nanaman sa harap namin ay di magkamayaw at ang iba ay humihipo na. Inilibot ko ang aking mata para makita kung gano karami ang andon. Mga nasa sampu ata ang mga nasa loob at nasa gitna ang groom to be na parang wala namang pakialam sa presensya ko at tanging kay Yna lang nakatitig. Umikot pa ang mata ko ng mapatingin ako sa isang sulok, nagulat ako sa nakita ko at halata rin sakanya ang masamang titig

Kinakabahan ako pero tuloy lang ako sa pagsayaw. Bigla namang tumigil si Yna kaya napatingin ako sakanya. Magkatitigan sila ngayon ng groom at ilang segundo lang ay tumakbo si Yna palabas. Susundan ko na sana to kaso may humawak sa braso ko.

Si Sir Gio...

Hinila nya ko hanggang sa makarating kami sa elevator. Pinasuot naman nya ang jacket nya saken ng mapansin nyang nalalamigan nako. Tanging sexy one-piece lang kasi ang suot ko. Pagkalabas ay dumeretso kami sa kotse nya.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha, Vir?" galit ang boses ni sir gio at halata mo agad yon. Mas lalo tuloy akong nahiya sakanya at napayuko.

"Alam ko namang ganyan ka pero diko alam na hahantong pati sa club ay nagtatrabaho kana din pala?" diko alam ang isasagot kay sir dahil ayoko naman magsalita baka may masabe lang ako na di maganda.

"Napakabata mo pa para dito Vir. Wag mo naman sayangin yung sarili mo dahil sa nadadala ka lang ng libog mo"

Diko na nakayanan ang sinasabe ni Sir kaya nasampal ko sya.

"Wala ka pong alam Sir" tama wala syang alam. Di naman kasi problema sakanya ang pera kaya madali lang sabihin sakanya ang mga yon.

"Kung diko lang po sana gusto makatapos baka diko na ginagawa to. Kaso ang hirap pag walang wala kana sir. Kailangan mo ding kumapit sa patalim"

Nagtataka naman sya sa sinasabe ko at naguguluhan.

"Ano bang problema mo at bakit kailangan mong gawin to?"

Natahimik nalang ako.

"Okay, i'm sorry. Najudge kita kaagad. I know naman may reason ka kaya mo 'to ginagawa, now tell me"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Watching From AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon