It's been 15 years now since you left me. Ang hirap magsimula ulit sa una na hindi kana kasama. Kahit bata pa tayo noon, minahal na kita ng sobra at nangakong ikaw na hanggang dulo. Pero bat moko iniwan.
Diko namalayang pumatak na pala ang luha ko sa litratong hawak ko.
Ngayon ang death anniversary ni Via. Andito ako ngayon sa puntod nya habang hawak ang litrato naming dalawa nung mga bata pa kami.
"Hi love, kamusta kana dyan? Kamusta naba kayo ni Mama? Pakisabe pala sakanya wag nya muna sunduin si Papa ha, kailangan pa namin sya dito"
Para akong tangang kumakausap sa isang puntod. Pero di bale, ngayon ko lang kasi ulit nabisita ang puntod ni Via dahil nasa London nga ako at nag-aral.
"Love, alam mo may estudyante ako at sobrang kamukhang kamuka mo sya. Diko alam pero sobrang nakikita kita sakanya"
"Pero sobrang layo nga lang ng personality nyong dalawa" napa-iling nalang ako sa naisip.
Di kasi tulad ni Via si Vir.
Si Via parang di makabasag pinggan at tahimik lang samantalang etong si Vir kung ano anong naririnig ko tungkol sakanya. May isang beses pa ngang nakita ko yun sa likod ng building at may kahalikang lalake.
Napakamot nalang ako sa king ulo at di na inalala pa ang mga nakita ko. Nasakit lang ang ulo ko kay Vir.
Makalipas ang isang oras na pagtambay ko sa puntod ni Via ay umalis na din ako. Sabado ngayon at walang pasok kaya inaya ako ng dati kong kaibigan na magbar ngayon. Di nako tumanggi para naman makapag unwind ako kahit konti.
Andito nako ngayon sa Club Zero kung saan kami nagkayayaan ng kaibigan ko. Sabi niya ay dumeretso nako sa VIP room dahil nakareserve na iyon para samin.
Pagpasok ko, tahimik lang dito di gaya sa baba na maingay at malakas ang tugtog. Ilang minuto nakong nakatambay doon ng may biglang pumasok na babae, akala ko ang kaibigan ko na.
Medyo madilim kaya diko sya maaninag ng maayos pero napansin kong naka maskara sya na hanggang ilong lamang at kita ang kanyang mapulang labi.
May dala itong bote ng alak at nilapag ito sa harapan ko pagkatapos ay dumetso sya sa Mini stage at simulang magsayaw sa isang pole doom ng nag umpisang tumugtog ang malaswang kanta.
Diko alam kung bakit pero naaapektuhan ako sa mga titig nya kahit nakamaskara sya.
Nasa madilim akong parte ng kwarto kaya tiyak kong di nya ko nakikita. Hanggang sa tinanggal nya na ang kanyang maikling shorts, sunod naman neto ang kanyang spaghetti strap na damit. Tanging panloob na lamang nya ang kita ko.
Diko na kaya ang nararamdaman ko kaya lalapitan ko na sana sya kaso parang bigla syang nagulat at tumitig pa saglit bago umalis ng Vip. Anong nangyari don?
Vir's POV
Nagmamadali akong mag-ayos ng aking sarili dahil sabi ni Yna may personal daw na nakiusap sakanya na itable ako at magshow sa VIP. Sa pagkakaalam ko, baka si Rafael lang yun. Diko kasi sinagot ang mga tawag at text nya ang kulit kasi. Pumayag na ko ngayon kasi atleast eto may bayad di tulad kapag gusto lang makipagkita wala naman akong mapapala.
"Ano na Vir? Bilisan mo. Andon na yung nagpatable sayo at kanina kapa hinihintay"
alam kong kanina pa naiirita si Yna sakin pero wapakels lang no. Ayaw ko namang magmukang haggard.Ilang minuto pa at umakyat nako sa taas. Sinabi na ni Yna ang mga dapat kong gawin. Medyo nadisappoint pa nga ko dahil todo make up pa naman ako tapos pagmamaskarahin lang pala ako. Ewan ko ba eh si Rafael lang naman yun bat kailangan ko pa magtago ng mukha hays.
Pagpasok ko hinanap ko si Rafael. Medyo madalim ang paligid pero naaninag ko naman ito kaagad kahit nasa madilim syang parte.
Pagkabigay ko sakanya ng alak, nagsimula nako sa dapat kong gawin. Nang tanging panloob ko nalang ang natitira, biglang tumayo ang lalaki at tumama sa muka nito ang liwanag. Nagulat pako saglit at ng makakuha ng lakas ay agad akong tumakbo at lumabas.
Nakilala kaya nya ko? Pano nalang kung magkita kami sa school? Hays bakit ba kasi sya andito akala ko pa naman si Rafael ang nagtable saken.
Inaayos ko na ang gamit ko ng biglang pumasok si Yna sa dressing room.
"Hoy babae, ambilis mo naman ata? Kamusta naman tinable mo?"
"Hay nako Yna ayoko na dun. Alam mo bang teacher ko ang nasa kwartong yun? Pano nalang kung nakilala nya ko? Nakakahiya yon"
"We? Talaga ba girl? Sorry. Ang nagbook kasi sakin sayo is business man diko naman alam na teacher mo din pala sya"
"Okay lang, sige na uuwi na muna ko baka makasalubong ko pa yun eh"
Nagpaalam nako kay Yna at nauna ng umuwi. Di pa din mawala sa isip ko ang nangyari kanina sana naman di ako namukaan ni Sir Gio.
Lunes.
Maaga akong pumasok para di nako malate at makapagtago agad sa upuan sa likod. Baka kasi makita ko ni Sir Gio.
Good thing wala pala sya ngayong araw at busy daw mag asikaso ng paper works kaya nakahinga ako ng maluwag.Nagtatype ako sa cellphone ko ng bigla akong may makabunggo. Si sir Gio.
Putek!
"Oh I'm sorry. Are you hurt?"
"A-ah o-okay lang sir. Sige mauna na po ako"
Agad-agad akong lumiko sa CR ng mga babae para makaiwas sa presensya ni Sir Gio. Ewan ko ba, nahihiya pa rin ako sakanya hanggang ngayon.
--
Date Published: May 12,2020
10:50pm