Ilang taon na ang nakalipas at isa na rin akong ganap na teacher. Hindi ko alam kung bakit pinagpatuloy ko ang kurso na ito, kahit wala naman ito sa puso ko noong una.
Siguro dahil sa kaniya? Kumusta na kaya siya?
Pagkatapos ng nangyari ay wala na akong contact sa kaniya. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari. Wala na rin ang mga social media accounts niya, kaya wala na akong balita.
Habang naglalakad ako sa gitna ng park ay may nakita akong tindahan ng mga stuffed toy. Naagaw kaagad ng pansin ko si Nemo. Biglang bumalik ang alaala ko sa kaniya, kung paano nagsimula ang lahat.
Mabilis akong lumapit sa tindahan na 'yon at napangiti.
"Miss, magkano 'yan?" Turo ko sa malaking Nemo sa harapan ko.
"Pasenya na po, may nakabili na po kasi niyan." Napapakamot sa ulo na sagot ng tindera.
"Ate kukunin ko na 'yong binili ko." Napasimagot ako nang makitang iniaabot ng tindera si Nemo sa lalaki. Napatingin ako roon at laking gulat ko nang makita siya.
Tinignan niya ang hawak niyang stuffed toy at ibinigay ito sa akin.
"Hi Misis ko."
The End.
BINABASA MO ANG
Hi, Sir
Humor[COMPLETED] An Epistolary Novel "Gusto ko lang naman mang-trip sa kaniya kasi binagsak niya ako sa major subject ko, kaso siya na yata ang naging trip ko." -Nemo Highest Rank: #17 in Random #92 in Humor #96 in Teen Fic