04:34 PM
Nemo:
Sir bakit hindi ka pumasok?
Perstaym to ah
Ang saya tuloy ng mga classmate ko kasi wala ka. Quiz pa naman kaya parang nakawala sila.
Ethan James:
150 items quiz on monday, sabihin mo.
Nemo:
Grabe? Dinaig pa exam.
Pero Sir, bakit nga pala absent ka?
Ethan James:
May sakit ako.
Nemo:
Uso ata sakit ngayon.
Bakit ka naman nagkasakit? Dahil ba ito kagabi?
Grabe Sir, isang suntok lang 'yon. Nagkasakit ka na?
Ethan James:
Tsk.
Nemo:
Uwian na namin Sir, punta ako d'yan sa inyo.
Ethan James:
No!
Nemo:
Bakit? Kapag ikaw puwede, kapag ako bawal?
Madaya ah
Ethan James:
Ako na lang pupunta d'yan
Nemo:
May sakit ka Sir, ako na lang pupunta d'yan.
Ethan James:
Hindi mo alam bahay ko.
Nemo:
Edi sabihin mo
Ethan James:
No
Nemo:
Daya talaga
Sige ganito na lang Sir, punta ka na lang sa lugawan sa may malapit sa amin. Kain tayo, libre ko.
Ethan James:
Ako na, huwag mo gastusin pera ng magulang mo.
Nemo:
Minsan na nga lang babawi e.
Ethan James:
Next time, kapag may trabaho ka na.
Nemo:
Oo na, otw na ako. See you Sir!
![](https://img.wattpad.com/cover/224996116-288-k371106.jpg)
BINABASA MO ANG
Hi, Sir
Юмор[COMPLETED] An Epistolary Novel "Gusto ko lang naman mang-trip sa kaniya kasi binagsak niya ako sa major subject ko, kaso siya na yata ang naging trip ko." -Nemo Highest Rank: #17 in Random #92 in Humor #96 in Teen Fic