Ngayon naiintindihan ko na kung bakit siya ganoon, kung bakit mainit palagi ang ulo niya sa amin. Sabagay, kasalanan naman talaga namin. Masyado kaming magulo at walang disiplina, idagdag mo pa 'yong mga ginagawa niya.
Gusto ko na sanang humingi ng sorry sa kaniya, kaso dumating naman 'yong problema ko. Namatay si Papa dahil sa sakit niya. Isang linggo akong hindi nagparamdam sa kaniya, dahil kailangan kong asikasuhin ang burol ni Papa. Isa pa, ayokong dumagdag pa siya sa konsensiya ko.
-Nemo

BINABASA MO ANG
Hi, Sir
Юмор[COMPLETED] An Epistolary Novel "Gusto ko lang naman mang-trip sa kaniya kasi binagsak niya ako sa major subject ko, kaso siya na yata ang naging trip ko." -Nemo Highest Rank: #17 in Random #92 in Humor #96 in Teen Fic