04:45 PM
Ethan James:
Kung babasahin mo ito o hindi, it's your choice.
Si Jane, naging kami noong nag-aaral ako sa college. Siya 'yong pinakamatagal na naka-relasyon ko. One time, nalaman ko na lang na lilipat na pala siya ng school. Naging LDR ang relasyon namin, hanggang sa napagod na lang kami sa kakachat. Nawala na 'yong dating sigla sa convo namin at wala na kaming balita sa isa't isa.
Noong nakaraan nagulat ako nang makita siya sa school. Matagal ko siyang hindi nakita kaya natuwa ako at nakalimutan na kita. Sinabi niya sa akin na, ipagpatuloy namin 'yong relasyon namin dahil hindi naman nakipag-break ang isa't isa sa amin.
Hindi ako pumayag Mica, hindi ako pumayag kasi naisip kita.
Araw-araw siyang pumupunta sa school dahil akala niya magbabago pa 'yong isip ko. Alam niya ang tungkol sa iyo, na student kita. Pinilit niya akong iwasan ka, kaya kapag pumupunta siya sa school at nakikita ka niyang papalapit ay nilalapit niya ang sarili sa akin.
Pero wala na akong paki-alam kung ano man ang mangyari. Kinausap ko siya at sinabi kong buo na ang desisyon ko na hindi na siya balikan.
Until the end, ikaw pa rin ang pinili ko Mica. I choose you and I'll continue choosing you over and over again.
Seen 05:14 PM

BINABASA MO ANG
Hi, Sir
Humor[COMPLETED] An Epistolary Novel "Gusto ko lang naman mang-trip sa kaniya kasi binagsak niya ako sa major subject ko, kaso siya na yata ang naging trip ko." -Nemo Highest Rank: #17 in Random #92 in Humor #96 in Teen Fic