03:33 PM
Ethan James:
Happy Birthday, Mica!
Nemo:
ty.
Ethan James:
Ilang taon ka na?
Nemo:
Bakit?
Para saan pa?
Para makuha mo na naman ulit ako? Para mahanap mo na naman ang kahinaan ko? Para maging tanga na naman ako?
Ethan James:
It's just an age, Mica. Parang ang big deal naman sa'yo haha
Nemo:
Big deal talaga sa akin. Ilang araw ka'ng hindi nagparamdam, hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagkaganoon 'yong convo natin. Tapos babatiin mo ako na parang wala lang?
Ethan James:
What's up with you? Nasaan na 'yong Mica na nakilala ko?
Nemo:
Alam mo? Tang ina mo!
Ethan James:
What's wrong with you, Mica?!
Nemo:
Tang ina mo Sir! Tang inang feelings 'to! Tang inang luha 'to! Tang ina niyong lahat!
Bakit ang hilig niyong manakit? Bakit ang hilig niyo akong saktan? Ano bang nagawa ko sa inyo para saktan niyo ako ng ganito? Ano bang mali sa akin?
Okay na ako e. Nasa process na ako ng pagmo-move on, pero isang chat mo lang nagiging marupok na naman ako. Bumabalik na naman ako sa'yo, nagiging tanga na naman ako. Nababaliw na naman ako sa'yo!
Bakit ko ba kasi naisipang gumawa ng dummy account at i-chat ka? Tang ina! Ako lang pala ang nahihirapan sa huli.
Ethan James:
Hindi ko alam na ganiyan na pala ang nararamdaman mo.
Nemo:
Dahil hindi ka naman nagtanong Sir. Hindi mo inalam ang nararamdaman ko. Wala ka naman kasing paki-alam.
Masaya ka na siguro? Kasi habang binubuo kita ay ako naman 'yong nadudurog.
Ethan James:
Nasaan ka? Pupuntahan kita.
Nemo:
Tama na Sir, durog na ako. Huwag mo na gawing pino 'yong puso ko.
Ethan James:
Please Mica, let's talk.
Ayokong maging malungkot 'yong birthday mo.
Nemo:
Wala na Sir, nangyari na. Hindi na maibabalik pa.
Ethan James:
Pero puwede pang maayos, puwede pang magbago.
Mica, let's talk.
Nemo:
Sir, tama na. Itigil mo na dahil kapag pinagpatuloy mo pa, bibigay na naman ako.
Ethan James:
Mica
Please
May sasabihin ako, may aaminin ako.

BINABASA MO ANG
Hi, Sir
Юмор[COMPLETED] An Epistolary Novel "Gusto ko lang naman mang-trip sa kaniya kasi binagsak niya ako sa major subject ko, kaso siya na yata ang naging trip ko." -Nemo Highest Rank: #17 in Random #92 in Humor #96 in Teen Fic