CHAPTER 2
Kagaya ng pagstalk mo sa ex mo ay parang ganun na nga din ang ginawa ni Blythe sa social media ni Thanatos
Stalker ang ate mo ghorl!
Ilang oras na ang naigugol ni Blythe dito at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natutulog
Time check 3:10 in the morning
Hindi na namalayan ni Blythe na halos mahigit isang oras na siyang nagbababad sa wall ni Thanatos
Dahil sa pagstalk niya rito sa mga picture na nakapost ng binata, hindi niya ikinakaila na gwapo ito kahit pa nga laging magulo ang buhok nito sa mga larawan. Si Thanatos yung tipo ng lalaki na kahit magulo ang buhok eh hindi nakahadlang o nakabawas man lang sa kagandahang lalaki nito.
Ang ganda rin ng kilay nito makapal katulad ng muka este ng kilay din ni Blythe. Tas hindi nalalayo sa mala morenang kutis ng dalaga.
Talagang mas natitigan at napag aralan ng ate niyo lahat ng picture na may muka ni Thanatos at ang dahilan niya kaya ginawa niya iyon ay dahil "Mas mabuti ng pagnasahan este pag aralan ang structure ng muka neto sa pictures hindi yung sa personal eh mapapatitig ako sa gwapo niyang muka at mas nakakailang yun kaya sa dito ko na lang gagawin" pagkausap niya sa sarili at screen ng phone. Parang vovo
"Oh Blythe akala ko tulog ka na dahil kanina pa tapos ang scene mo, patabi nga" si Yassy ang pumasok sa tent niya, isa rin sa mga movie actress na gumaganap
Dahil busy ang ate mo kaya hindi ito pinansin ni Blythe umusog na lang siya ng higa para magkaroon ito ng space para mahiga
"Sino yan? Manliligaw mo? Boylet mo? Ikaw aaahhh!" pakikichismis ng katabi na si Yassy
"Hindi ko siya manliligaw at mas lalong hindi ko siya boyfriend" nanunuksong tumango na lang ang katabi ni Blythe
"Pero crush mo?" agad naman na umiling si Blythe at itinago na dito ang screen ng phone
YOU ARE READING
Wonderful Tonight
Разное"You are the beginning of my night but you are also the end of our wonderful night" -Blythe