CHAPTER 5: Drunk Confession

17 2 0
                                    

CHAPTER 5









Dalawang araw na siyang hindi nagtetext dito. Hindi niya sinasagot ang mga tawag at message nito sakanya





"Ayos ka lang ba anak? Parang wala ka ata sa sarili mo ngayon?" pansin nito sakanya habang nasa hapag sila





"Ahm inaantok pa po kasi ako mommy" yun na lang ang dinahilan niya dito at agad na tinapos ang pagkain ng agahan





Dahil wala din naman siyang magawa sa bahay nila nagpalit na lang siya ng panligo at nagswimming. Mamayang gabi ay aalis din siya dahil ngayong araw na gaganapin ang party ng team sa film





"Maam Blythe eto na po yung pinapadala niyong juice" nagpasalamat siya sa katulong na dinalhan siya ng makakain muntik ng mabuga ni Blythe ang iniinom na juice ng may nanggulat sakanya





"ANO BA SHAELA?! PARANG GAGO" di niya mapigilan na sigaw niya dito pero tawa lang ito ng tawa "Ang lt ng muka mo!" inirapan lang ito ng dalaga at hinintay na tumigil ito sa kakatawa





"Ok na? Masaya ka na? Bat ka andito?" pagtataray niya dito "Bakit masama ba? Nga pala kumusta ang life natin?" lumusong na ulit si Blythe at tsaka ito sinagot "Ayos naman. Life pa rin naman ang buhay" pilosopong sagot niya dito





"Ahhh eh kayo ni Thanatos? May kayo na ba or nganga pa din?" nabanggit dito ni Blythe ang tungkol kay Thanatos simula nung sa debut niya at madalas nilang pag uusap





"Di ko alam. Di ko kinakausap." Napatanga naman sakanya si Shaela "Ha? Anong di mo kinakausap? LQ kayo? O inaartehan mo lang para lambingin ka?" naghubad na din ito ng damit pangtaas at iniwan ang suot na dolphin shorts





"Kasi kumain kami sa labas ni JM nung isang araw tas nung papauwi na kami nakita ko siya na lumabas sa katabing restaurant nung kinainan naming may kasamang babae. Then nung pagkauwi ko I text him and ask where is he, tas ang sagot niya sakin is nasa office daw." Nakatingin lang sakanya ang pinsan halatang pinag aaralan ang mga ikinuwento dito





"Owwwkaaay. Baka naman kasi kabusiness meeting niya, relatives? Wag mong ijudge agad yung tao, tinanong mo na ba or kinausap man lang tungkol duon?" iling ang isinagot ni Blythe dito "Tamo gaga ka talaga hindi pa pala. Kausapin mo na wag ka ng mag inarte dyan di ka naman maganda" inirapan siya nito





Baka bukas na lang niya ito kausapin di na muna ngayon may kailangan pa siyang ayusin.





Kinagabihan ay si Shaela ang tumulong sakanya sa pag aayos ng sarili, mabuti na lang at anduon ang pinsan niya sa susunod na araw pa daw ito uuwi sakanila kaya kahit papano ay nalilibang siya makipaggaguhan este makipag bonding dito





"Ang dami mo talagang arte wag ka na lang magdamit letche" eto ang namimili ng susuotin niya at lahat ng pinapasukat nito ay hindi niya bet





"Eh kasi naman" Shaela mimic what Blythe said with matching irap 'Eh kasi naman'





Wala ng ibang choice si Blythe kundi suoting ang huling pares na napili ni Shaela dahil anong oras na. It's already 7:30 and the party will start at 8:00 pero sabagay nasa Pinas tayo baka 9 na magsimula yun





Ang napili sakanya ni Shaela na ipasuot ay toffee brown belted plunge jumpsuit na ipinares nila sa chic black heels. Naglagay din siya ng accessories katulad ng gold hoop dangle earrings and layered necklace. Ang ayos naman ng buhok niya kulot at nude makeup ang ginawa sa muka ng pinsan niya





Wonderful TonightWhere stories live. Discover now