CHAPTER 3: Gusto

17 3 0
                                    

CHAPTER 3






Tahimik lang na nakikinig si Blythe sa mga kasama. Una ang talagang topic nila is all about business pero ngayon ay napunta na ang usapan sakanila ni Thanatos




"Eh ikaw ba Blythe may nobyo ka na?" tanong dito ng daddy ni Thanatos "Ahm wala po. Busy po sa work" nag aliwalas naman ang muka ng matanda "Talaga? Naku pareho pala kayo ng anak ko. Wala ring nobya dahil talaga namang sa trabaho lang binubuhos ang buong atensyon, eh sabi ko nga na tumatanda na siya at hindi na bumabata para hindi pa magplano ng sariling pamilya" nagtaka naman si Blythe kung ilang taon na ba ito kaya hindi niya naiwasan tanungin ang edad ng binata




"He's 23 years old" bahagyang natawa si Blythe dahil akala naman niya eh lagpas na sa kalendaryo ito




"Blythe kung liligawan ka ni Thanatos ayos lang ba?" at ganun din ang tanong ng ama ng dalaga dito "Oo nga anak papayag ka ba?"




"Dad!" sabay na sabi ni Blythe at Thanatos, nagkatinginan naman sila at si Thanatos ang sumagot "I thought business ang ipinunta natin dito bat napunta saming dalawa ni Blythe?" at tama nga ang hinala ni Blythe na mas something talaga sa business kuno nato




"Kaya nga business. Business about sainyong dalawa" nag apir pa ang mga ito




"I can't believe this" bulong ni Blythe na narinig naman ni Thanatos




"I'm sorry" kumunot naman ang nuo niya dito "Huh? Bat ka nagsosorry?" tumingin muna ito sa mga kasama na tuwang tuwa sakanila at tsaka humarap sakanya "Sorry cause I bring you here, I mean naistorbo ka pa sa trabaho mo" akala naman ni Blythe kung ano na pero wala naman ito dapat na ikahingi ng tawad




Narinig nilang may tumikhim at sabay na napatingin ang dalawa sa daddy ni Blythe "Mauna na kami may aasikasuhin pa kami ni kumpare at mukang ok naman na kayo" agad na humalik sa pisngi ang daddy nito at tinapik naman ang balikat ni Thanatos ng daddy nito mismo at dali dali na umalis ang mga kasama




Napatanga na lang si Blythe sa mga nangyari




"Naset up ba tayo?" hindi pa rin makapaniwala na tanong nito sa binata "I think sooo"

Wonderful TonightWhere stories live. Discover now