Noong Ika'y Lumisan

777 25 4
                                    

Noong Ika'y Lumisan

Kay sarap balikan ng ating nakaraan
Noong tayo pa'y nagmamahalan
Mga ala-alang mahirap kalimutan
Mga pangakong ating binitawan

Tandang-tanda ko pa nung tayo'y unang magkita
Sigaw ng puso ay ang pagsinta
Tumulo ang luha habang inaalala
Ang tamis ng pag-ibig na unti-unting nawala

Bakit? Bakit? Bakit?

Bakit kailangang umabot tayo sa puntong ganito ng ating buhay?
Na para bang iniwan mo akong isang malamig na bangkay.
Bakit mo ako iniwang luhaan?

Bakit mo kailangang lumisan ng walang paalam at iwanan ang puso kong sugatan?

Mga tanong sa isipan na walang kasagutan
Nag-uunahan na parang may inaabutan
Mga luhang iniipon sa isang balde
Dahil sa sakit na mas lalo pa sa grabe

Ngunit Salamat!
Salamat sa oras-oras, minu-minuto,segu-segundo na ako'y iyong
Pinasaya
Niyakap
Tinulungan
Pinahalagahan
Iningatan
At higit sa lahat minahal at hindi kailanman iniwan.

Kung pwede lang na marating ko ang kalawakan o sidsidin ko ang kailaliman

Ginawa ko na!

Para tayo pa rin hanggang matapos ang magpasawalang-hanggan

Ngunit aking naisip na siguro hindi tayo ang nakatadhana sa buhay nating ito.

Aking naisip na siguro kailangan ko ng kalimutan ang sakit ng iyong paglisan at harapin ang bukas na muling nakangiti

Bukas na wala ka na sa tabi ko
Bukas na hindi ko na muling masisilayan ang mga ngiti mo
Bukas na hindi na ikaw ang buhay at mundo ko
Bukas na hindi na maibabalik pa ang pagkawala mo

Ngunit naniniwala akong hindi man tayo magkita sa mundong ito, hindi pa dito nagtatapos ang ating sinumpaan.
Dahil itutuloy natin ito sa ating ikalawang buhay.

Mahal ko! Ohh Mahal ko!

Sapat ba ang mga salitang "mahal kita"
Para maibalik ka aking sinta?

Ngunit alam kong kung nasaan ka man ngayon masaya ka na
Ito siguro ang plano ng tadhana
Hindi ka na mahihirapan pa
Hindi mo na dadanasin ang sakit, paghihirap, at kalungkutan dito sa lupa

Siguro kailangan ko ng tanggapin ang lahat ng nangyari.

Patuloy kong panghahawakan ang pangakong iyong binitawan

Pangako na: "Hindi natin kailanman iiwan ang isa't-isa kahit pa paghiwalayin tayo ng kamatayan"

Kahit pa alam kong ang pangakong iyon ay papunta na sa kawalan...

♡<°•°>♡

Author's Note!

Hiii!!! Sa lahat ng makakabasa neto, thank you and please vote and comment kung nagustuhan niyo and pwede din kayong mag-suggest ng mga gusto niyong gawin kong poems at yun ang isusunod ko. Kung naging maganda ang resulta ng votes and comments dito sa poem kong ito gagawan ko ito ng story. So yun lang sana may mag-support talaga Thank you!!❤

@Athenadelacruz3

Tagalog PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon