Walang Iwanan
Sa pagkakaibigan natin natagpuan
Ang salitang 'walang iwanan'
Mananatili tayong magkaibigan
At hindi kakalimutan ang ating pinagsamahanMarami na tayong napagdaanan
Kaguluhan
Alitan
Bangayan
Tampuhan
Hindi pagkakaintindihan
Samahan
At higit sa lahat pagmamahalanKilala ang grupo natin bilang isang 'matibay na samahan'
Na hindi matitibag nino man
Sa isa't-isa natin natagpuan ang salitang pamilya
Para sa akin kayo ay isang biyayaPagkakaibigan na pangmatagalan
Pinagbuklod ng nakaraan
Hindi nauubusan ng kwentuhan
Dahilan para mas lalong maging matibay ang samahanMatatakbuhan sa oras ng problema
Pagmamahal sainyo ay ipinadama
Bibigyan ka ng payo
Ilalabas agad ang panyoMinsan may pagkapilyo
Ngunit matapat kahit ikaw ay nasa malayo
Gagawin kang masaya
Kahit minsan ay wala nang hiyaIpagtatanggol ka sa kahit kanino
Kahit minsan ikaw pa ang simuno
Dahil yan ang pagkakaibigan
Hindi niyo dapat binibitawanPara tayong mga tuko
Na kapag napagalitan ay yumuyuko
Ngunit pinagtatawanan nalang
Kapag napatawag na ang magulangKasama sa bawat kalokohan
Lalong-lalo na sa kaingayan
Magkakaroon Ng katahimikan
Kapag tayo na ay pinagalitanNgayon ay may kanya-kanya na tayong buhay
Ngunit sana nandiyan parin ang inyong kamay
Upang maging karamay
At sana na rin ang maging bantaySana wala ng magpasaway
At ang buhay ay gawin ng matiwasay
Para ito sa ikakabuti
At sa marami ay makakapagbigay ngitiNgayon ay matatanda na tayo
Sana walang loob ang malalayo
Lumipas na ang panahon
Ngunit atin sana atin itong ipamana Sa susunod na henerasyon...♡<°•°>♡
Author's Note:
So hanggang jaan nalang muna Ang update guysss!!! So about yan sa pagkakaibigan. And one more thing, if you have time, please check my first ever story dito sa Wattpad. So after poem, story Naman tayo ngayon. Ang title niya ay "Beautiful Goodbye". Starring Neptune Star Acosta (IU) and Dark Night Valdez (Kim Soo Hyun). So Yun lang Thank you sa pagbabasa.....😍😍😍😍@Athenadelacruz3
![](https://img.wattpad.com/cover/225205312-288-k433064.jpg)
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems
PoetryAng mga nakasulat na poems dito ay Random. May naisulat na akong about sa Love and Friends. Pwede din kayong mag-suggest at yun yung susunod kong gagawin. This is my first ever poems na gagawin ko dito sa Wattpad so i hope that you will support me a...