CoronaVirus 19
Ikaw ang usapan ngayon
Saan mang dako paroroon
Lilipas ang panahon ngunit alaala mo ay hindi maibabaonIkaw ay nagdudulot ng pangamba
Na sa lahat ay nagbibigay kaba
Ngunit patuloy kaming sasamba
Na sana ay tuluyan ka ng maibabaIkaw ay may corona
Na dulot ay sakuna
Ngunit hindi kami mawawalan ng pag-asa
At tuluyang makulong sa dusaMarami ka nang napinsala
Na nagdulot nang matinding pagkabahala
Ngunit patuloy kaming magdadasal
Na sana gabayan kami ng poong maykapalPatuloy kaming lalaban
Hanggang sa umabot sa katapusan
Isa ka lamang pagsubok
Na kalauna'y mabibigyang tuldokUsapan ka sa buong daigdig
Ngunit hindi kami magpapadaig
Dahil alam naming pag-ibig,
Ang siyang mananaigTama na ang mga buhay na iyong sinayang
Bata, Matanda na walang kamuwang-muwang
Doktor, nars, at iba pang nag-aalay ng buhay
Buong puso akong sainyo ay nagbibigay pugayNgunit kami'y humihingi ng paumanhin
Sapagkat hindi namin sinusunod ang inyong tagubilin
Dahil lamang hindi namin kayang tiisin
Na parke, palengke, ay dagsainNang aking biglang mapagtanto
Na siguro isa ito sa plano ni Kristo
Na sa atin ay nagbibigay alerto
Na dapat ay hanapin na natin ang pintoPinto kung saan buhay na walang hanggan ang naghihintay
Mananatili ang lahat ng matibay
Sa kaharian niya'y lahat tayo'y pantay-pantay
Tayo'y umasa na tuluyan tayong magtatagumpayNa tuluyang mawasak
Maibaba
Mawala
Ang birus na patuloy pang magpapahirap
Sa buong sulok ng mundoHindi ko ito sinusulat
Upang maging isang sikat
Sapagkat gawin itong babala at pagpapasalamat
Na buhay pa tayo ngayon at nakakakain ng sapat♡<°•°>♡
Author's Note:
Thank you for supporting my stories Guys. At ngayon naisipan ko naman gumawa ng isang tula para sa issue ng lipunan ngayon na patuloy na nagpapahirap sa atin.Sa lahat ng nakakabasa nito na patuloy na nakikipaglaban sa pagkontrol ng epidemyang ito, lubos akong nagpapasalamat. Kasama na rin ang mga taong namatay dahil ito. Maraming maraming salamat sa inyo.
Salamat dahil kahit mahirap at kahit nawalay kayo sa inyong mga pamilya, mas pinili niyo na labanan ang krisis na ito hindi lamang para sa ikakabuti ng inyong pamilya kung hindi pati na rin sa ikakabuti ng mga tao sa buong daigdig.
So sa mga readers ko naman diyan na nag add sa reading lists and vote for my stories. I thank all of you from the bottom of my heart. I'm not expecting this na kahit walang libro o wala akong gagawin na libro patuloy niyo pa rin akong sinusuportahan.
So i guess I'll end my Author's Note already. Typo's and Grammars are purely coincidental. May God continue to Bless us and our families. Love y'all!!✌❤
@Athenadelacruz3
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems
PoetryAng mga nakasulat na poems dito ay Random. May naisulat na akong about sa Love and Friends. Pwede din kayong mag-suggest at yun yung susunod kong gagawin. This is my first ever poems na gagawin ko dito sa Wattpad so i hope that you will support me a...