Isang Kaluluwa
Nakaupo sa buhanginan
Pinagmamasdan ang karagatan
Kasama ang papalubog na araw sa di kalayuan
Para tayong pinaglaruan ng kapalaranHindi maintindihan
Kung anong nangyari sa pag-ibig na ating iningatan
Hanggang sa katapusan
Nang ating pagmamahalanNapangiti ng mapakla
Ng maalalang kayo na pala
Para kang isang tala
Nang kalauna'y naging isang balaNakita ko kayo sa di kalayuan
Na masayang nagtatawanan
Ngunit alam kong wala na akong karapatan
Para ibalik ulit ang nakaraanTama na ang minsang nagkamali
Sana tama ang iyong pinili
Masaya akong nakasama ka kahit sandali
Ngunit ang kalimutan ka ay hindi madaliIbinalik ang tingin sa dagat
Naramdaman ang hangin na tumama sa balat
At binanggit ang mga katagang Salamat
Hindi ko kakalimutan ang lahatSakanya kita pinagbilin
Dahil alam kong hindi ka niya lalaruin
Mga sakit ay dapat na nating alisin
At wala tayong ibang dapat sisihinNgayon ay isa na lamang akong kaluluwa
Na nagtitiis na makitang magkasama kayong dalawa
Umaasa na sana di ka na magluksa
At maging masaya kayo sa piling ng isa't-isaNapatingin sa kalangitan
At napangiti ng marahan
Salamat sa iyong tinuran
Na itatatak ko sa aking isipanNgayon ay payapa na akong tatawid sa kabilang buhay
Dahil nagawa kong magtagumpay
Kahit ako na ay patay,
Huwag ka sanang mag-alala dahil lagi akong nakabantay.....♡<°•°>♡
Author's Note:
Sorry lame yung ginawa ko. Babawi ako sa susunod. Lolsss. Ingat lagi guyss take care..❤@Athenadelacruz3
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems
ŞiirAng mga nakasulat na poems dito ay Random. May naisulat na akong about sa Love and Friends. Pwede din kayong mag-suggest at yun yung susunod kong gagawin. This is my first ever poems na gagawin ko dito sa Wattpad so i hope that you will support me a...