Kagubatan
Sa isang malayong kagubatan
Na nababalutan nang purong katatakutan
Hindi alam kung ano ang pinagmulan
Punong puno nang misteryo kahit saanSaan mang dako magpunta
Punong puno nang kababalaghan ang nakikita
Ngunit huwag magpapadala sa mga salita
Dahil hindi lahat ay purong bantaDahil ako'y lumaki sa isang kagubatan
Na kalauna'y aking naging kaibigan
Sa oras na wala akong masasandalan
Pwedeng puntahan kapag ako'y nangangailanganGubat sa akin ay nagbibigay ligaya
Sa oras na nangangailangan ako ng pamilya
Para sa akin, kagubatan ay isang biyaya
Na para akong isang ibong malayaNagbibigay kalmado sa aking sistema
Ihip ng hangin na gustong-gusto kong madama
Aking pakiramdam na parang akong may kasama
Kagubatan sa akin ay ipinadamaNgunit lahat ay may katapusan
Dumating ang araw na akinv kinatatakutan
Kung saan kagubatan ay ako'y iniwan
Bakit nasira ka ng wala man lang paalamKagubatan na aking nilakhan
Nagdudusa dahil sa mga kagagawan
Nang mga taong walang pakialam,
Sa ating kalikasanNakakalungkot na isipin
Na kailangan nang limutin
Ang gubat na minsan ay naging akin
Paghihirap, kailangan kong tiisinPaalam aking kaibigan
Kahit ikaw ay isang kagubatan
Naging parte ka ng aking kabataan
Ngunit mananatili ka na lang sa akinv nakaraanSalamat sa iyong mga naiambag
Pagpupuri aking inihahayag
Salamat sa iyong pagtawag
Lalong-lalo na sa pagbibigay ng liwanagPasensya na kung ganyan ang kinahinatnan
Nang iyong kapalaran
Pareho lang tayo nang pinagdadadaanan
Alam ko ang iyong nararamdamanNgunit sa ngayon, paalam muna aking kaibigan
Salamat sa ating mga pinagsamahan
Kahit ito na ang katapusan,
Umaasa akong huwag mo sana akong kakalimutanPaalam aking kaibigang kagubatan......
♡<°•°>♡
Author's Note:
Sorry for the very late update. So about sa kalikasan naman this time, about sa kagubatan. So thank you for supporting my other story Guys. I'm looking forward na sana patuloy niyo pa rin basahin. At lubos akong nagpapasalamat sa mga nakabasa, nagbababasa, at magbabasa nang iba ko pang mga nagawang akda. Ngunit nakakalungkot din isipin na wala akong gagawin na libro nang mga ginawa kong akda so dito lang siya nag-eexist sa Wattpad. Typo's and Grammars are purely coincidental. Hope you like it. Take care as always!❤@Athenadelacruz3
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems
कविताAng mga nakasulat na poems dito ay Random. May naisulat na akong about sa Love and Friends. Pwede din kayong mag-suggest at yun yung susunod kong gagawin. This is my first ever poems na gagawin ko dito sa Wattpad so i hope that you will support me a...