WAR #16

209 28 0
                                    

"I tried to smile today, then I realized there's no point anyway"

These Four Walls By: Little Mix

I'm awake but I still didn't move. Well, hindi naman talaga ako natulog. I feel like a zombie, alive but dead.

Nakatalukbong lang ako ng comforter.
I startled when I heard my room door clicking. Bumukas ito pero hindi pa din ako bumangon.

Talagang gagawa si Harriet ng paraan makapasok lang dito.

"Zach?" a raspy voice called out. Nagulat ako dahil si Harriet ang inaasahan kong pumasok.

Isang buwan kong hindi narinig ang boses ni Pyro at ngayon na nasa iisang kuwarto kami, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat maramdaman.

"I know you're awake"

Hindi pa din ako gumalaw sa sinabi niya. Bakit ba siya narito?

I feel him seat beside me. Hinintay ko siyang mag-salita pero hindi niya ginawa.

Pinunasan ko ang aking mukha bago inalis ang comforter mula sa pagkakatalukbong sa akin.

Nag-sisi agad ako sa ginawa ko. Naka-upo siya at nakaharap sa akin, he looks so fresh as usual. Habang ako? Mukha siguro akong patay.

"Anong ginagawa mo dito?" mababakasan ang inis ko sa paraan ng aking pagtatanong.

His eyes focused on my face.

"Are you okay?" tanong niya.
Mukha ba akong okay?!

"Obvious ba" sagot ko.

Hinila ko ulit ang comforter pataas sa mukha ko pero pinigilan niya agad ito.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil parang maiiyak nanaman ako.

Bakit ganon, pag tinanong ka kung okay ka lang, mas lalo kang maiiyak. Naiinis na din ako kaya nagpatong-patong nanaman ang nararamdaman ko.

Hinila niya ang comforter paalis sa aking katawan. My body clothed with pajamas is now revealed.

"Ano ba Pyro?!" sigaw ko. Napaka-papansin kasi eh!

He pulled my arms to make me sit. Agad ko naman itong binawi.

"Tanga ka ba ha?"

I need to let out my frustrations. I need to shout and cry. Para bang hindi pa sapat ang mag-damag na pag iyak.

"Bumangon ka na" sambit niya at saka ako nginitian. Wow, nag-tagalog.

Kinunutan ko lang siya ng noo.

"What? I thought, me speaking tagalog makes you laugh" inosente niyang sambit.

Ayan nanaman siya! Ayan nanaman ang pagiging caring niya! Ayan nanaman ang mga ginagawa niya na mas lalong nakakapag-pagulo ng isipan ko.

Nariyan man siya o wala, binubulabog niya ang isip ko!

"Nakikipag-biruan ba ako Pyro? Mukha bang gusto kong tumawa? HAHAHAHA, ayan okay ka na? Puwede ka na bang umalis?"

Gusto kong mapag-isa pero bakit ba nandito siya? Bakit niya ba ako kailangang guluhin lagi? Pagkatapos ng isang buwan na hindi siya nagpakita, bigla nalang siyang susulpot sa harap ko?

Oh shit Zach, this is not about Lali anymore.

Sumeryoso ang mukha niya.

Hinila niya ako palapit sa kanya pero agad ko siyang tinulak palayo. He almost fell on the floor. Ano ba kasing trip nito ha?!

Slut Keeping Facility (#Wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon