WAR #52

101 6 0
                                    

"All the tiger's have been out. I don't care, I hear them howl"

To be human By: Sia

"Mag-ingat ka ha!" Cody exclaimed before stepping on the gas. Paliit nang paliit ang kanyang sasakyan habang siya ay palayo.

Sinigurado ko na sarado at naka-kandado ang gate. Pag-pasok ko sa bahay ay wala akong inaksayang oras, sinara ko na agad ang mga bintana at backdoor. Sinigurado ko na walang ibang puwedeng pasukan.

Kumuha ako ng kutsilyo sa kusina at saka dinala patungo sa kuwarto.

Kukunin ko sana ang aking cellphone sa loob ng sling bag na dala ko nang makapa ang baril na iniwan sa akin ni Cody. Ni hindi ko nga alam na may dala pala siyang baril. Nilagay ko lahat ng mga importanteng gamit sa aking tabi.

I don't want Cody to die that's why I need to be safe. Kahit papaano ay nakakaawa pa din naman ang bwiset na iyon.

I opened my phone, not knowing what to do. Iniwan din sa akin ni Cody ang numero ni Manong Kaloy. Naisip ko na padalhan nalang siya ng mensahe para sabihin na hinihintay ko nalang si Norma.

Shet, ano bang itatawag ko sa kanya?

Pag-katapos mag-text ay pumunta ako sa gallery. I'm torturing myself for looking at mine and Pyro's photographs. Simula nang ma-realize namin na wala kami masyadong litrato ay talagang dinamihan na namin.

Natawa ako nang makita ang mga litrato niya habang nagda-drive at natutulog. Kahit stolen at tulog ay sobrang guwapo pa din. Lalo pag naka-side view siya, his jawline is so prominent.

Pinatay ko nalang muli ang cellphone at nahiga ng maayos. Matutulog nalang muna ako para magkaroon ako ng lakas harapin ang nanay nina Pyro.

I woke up feeling hungry.

Shet, may pagkain ba dito? Buti nalang at may pera ako kahit papaano kaso saan naman ang mga bilihan dito? Dala ang baril, nilagay ko ito sa back pocket ng pantalon ko. Kinuha ko na din ang aking sling bag at saka doon nilagay ang cellphone.

Pumunta ako sa kusina at saka tumingin sa pantry ng puwedeng makain. I'm a bit surprised when I saw some stocks of foods. Noong unang punta ko palang dito ay pinagtataka ko na kung bakit may mga pagkain eh wala namang nakatira.

Gutom na ako kaya naman kumuha ako ng isa de-latang corned beef at saka nag-saing ng kanin.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulals habang nakatingin sa bakuran. Tumunog na ang rice cooker, luto na ang kanin at eto ako, nakatingin pa din sa lugar kung saan ako sinorpresa ni Pyro noong birthday ko. Nag-pakawala ako ng malalim na hininga at saka nag-pasyang kumilos na. Tahimik akong kumain, hindi naman siguro ako aabutin ng isang linggo kakahintay dito diba?

Wala akong magawa kaya naman nilinis ko nalang ang buong bahay, kahit na malinis pa naman ito. Niligpit ko muna ang aking pinagkainan at saka pumunta sa kuwarto para yun ang unang imisin. Nasa gitna ako ng pag-aayos ng kama nang tumunog ang phone ko na nasa loob ng sling bag na nakapatong sa bedside table. Kinuha ko ito at saka binuksan.

From: Analali
Sasabunutan kita dito pag-kauwi mo!

Natawa at napailing nalang ako sa nabasa. Another message pops up.

From: Analali
Hindi pala kita sasabunutan basta umuwi kang buo!

Tss, uuwi lang akong buo kung kasama ko si Pyro sa pag-uwi ko. Without that person, I feel like I missing the other half of me. Ngayon alam ko na kung bakit ang daming may galit sa pag-mamahal. It maked us dependent on our partners.

Slut Keeping Facility (#Wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon