WAR #31

168 13 0
                                    

"Had to fuck it up before I really got to know me"

Old me By: 5SOS

Nagising ako na mabigat ang aking pakiramdam, sumasakit din ang aking buot katawan.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Shit, nanghihina ako na kahit ang aking talukap ay nahihirapan akong buksan

Where am I?

Tumingin ako sa akong sarili, wala na ang aking lether jacket, wala na din ang aking sapatos. My hair is a mess. Hindi ko maibuka ang aking bibig dahil sa masking tape na nakadikit dito, para bang inubos nila ang isang roll ng tape para lang ilagay sa bibig ko.

Ngalay na ngalay ang aking katawan, I'm sitting on a wooden chair, my body is tied up on it. Nakatali sa likod ko ang aking mga kamay, ang mga paa naman ay nakagapos din sa paanan ng upuan.

Pilit kong inaalala ang nangyari kanina na tila ba isang masamang panaginip na gusto ko nang kalimutan. Si Cass ang traydor, tama ako, marahil ay pati si Cody.

And Pyro.... bakit? Paano niya nagawa sa akin ito? I gave him ever bit of my trust! And yet he abused it? Gago siya! He's an ass for doing that!

Tumingin ako sa paligid, nakaupo ako sa gitna ng isang malaking building, mukhang abandonado. An abandoned warehouse I think?

I tried to scream but only small whimpers are coming out of my mouth. Damn! Hindi ko din magalaw ang aking kamay at paa dahil sa higpit ng pagkaka-tali.

Okay, kalma Zacharias. Huwag mong ubusin ang iyong lakas sa pag-pupumiglas.

Open area ang warehouse, tingin ko ay wala din makakarinig sa akin kung sakaling sumigaw ako. Walang ibang tanaw ang aking mga mata kundi damuhan sa labas at mga puno.

Hindi ako puwedeng mamatay ngayon, hindi ko pa nababawi sina Zef at Lali.

Ibabalik na kaya sila dahil nakuha naman na ako? Kung ganon ang mangyayari, handa ako sa kung anong magiging desisyon nila sa akin.

My body can take everything it's just that, my heart is restless. Hindi talaga ako makapaniwala na nagawa ni Pyro ang bagay na iyon.

I can feel some liquid running down my shoulders, nilingon ko ito. Mukhang bumukas na talaga ang sugat ko kaya dumudugo ito. Wala pa ngang nangyayari ay sugatan na ako.

Nanatili akong naka-tungo at naka-pikit. Anong gagawin ko?

A screeching sound of tires covered the area. Nilingon ko ang paligid, may parating.

Isang malaking puting van.

Tumigil sila malapit sa bukana ng warehouse, may bumabang dalawang lalaki.

Hindi sila pamilyar sa akin, kaninong tauhan naman kaya ang mga ito? Kay Pyro? Kay Anthony?

Another man came out from the huge van.

It's Arman. Kahit malayo ay kilala ko ang mukha niya. Damn that guy!

Tumingin sila sa gawi ko at saka nag-simulang nag-lakad patungo sa akin.

Hindi ko alam ang aking gagawin dahil sa totoo lang, wala naman akong magagawa. I am so helpless right now, like how I used to be. Naging makapangyarihan lang ako noong katabi ko si Harriet at Pyro. Sa mga Fox pa din pala talaga ako umaasa para mabuhay. Ang mga Fox pa din ang gumagawa ng paraan para sa mga gusto kong gawin.

Binuhat nila ang upuan na kinauupuan ko kaya nag-pumiglas ako. I wanted to shout but no voice is coming out!

Ibinaba nila ako sa malayo, nilapat sa pader ang sandalan ng upuan. Ano bang pinaplano nila?

Slut Keeping Facility (#Wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon