WAR #34

162 11 1
                                    

"You need someone to forgive your sins, and I'm there when you call"

Angels don't Cry By: Ellise

3rd Person's POV

Ginawa ni Pyro ang pag-sunod sa kanyang ama simula noong mamuno siya dahil sa kanyang ina. Ang sabi ni Anthony, kinulong niya ito sa isang luma at abandonadong asylum. Noong una ay hindi naniwala si Anthony ngunit nang ipakita ng kanyang ama ang mga video clips na nagpapatunay na ito'y nasa kanyang pangangalaga ay agad siya nag-alala.

Hindi maintindihan ni Pyro kung bakit iyon ang ginagawa ni Anthony sa kanyang ina ngunit isang araw, pag-pasok niya sa opisina ay nadinig niyang nag-uusap ang kanyang ama at Tito Lucas.

"If you can't keep this damn secret, then get the fuck out of here!" Anthony exclaimed.

Pyro listened very well, he is too curious to let it pass.

"Aalis ako Anthony pero tandaan mo, kahit hindi ko sabihin ang totoo kay Pyro, malalaman at malalaman niya na hindi mo siya anak!"

Nagulat si Pyro sa nadinig. Inabangan niya sa parking lot ang kanyang tito. Tinanong niya ito at sinabi naman ni Lucas ang lahat.

"Si Jonathan ang tunay mong ama"

Panimula nito. Si Jonathan ang kapatid ni Anthony.

Si Jonathan at Norma talaga ang tunay na magkasintahan, nag-kaanak sila at si Pyro iyon. Ngunit gusto din ni Anthony si Norma kaya pinakiusap niya sa kanilang ama na si Benedict na sila nalang ni Norma ang ikasal.

Pabor si Benedict kay Anthony kaya agad niya itong pinag-bigyan. Ayaw man ni Norma ay wala siyang magagawa dahil isang makapangyarihang Fox na ang nag-desisyon.

Hindi ginusto ni Norma na makasal sila ngunit gayunpaman, nagkaroon sila ng tatlong anak. Sina Tyron, Myco at Cody. Hindi na kinakaya ni Norma ang pananamantala sa kanya kaya naman patago silang nag-kita ni Jonathan. Doon nila nabuo ang bunsong anak, si Harriet.

Kahit na kasal sina Norma at Anthony, hindi dama ni Anthony ang pag-mamahal ng kanyang asawa. Malayo ang loob sa kanya nito kaya naman naisipan niyang ipatupad ang Men Over Women na batas. Naging mas malupit pa siya nang mag-kaanak sina Jonathan at Norma na lingid sa kanyang kaalamanan.

Nagtaksil si Norma at hindi niya ito palalagpasin! Nang malaman niya na patuloy na nag-kikita ang kanyang asawa at kapatid ay mas naging malupit siya. Sa ibang tao, pati na din sa kanyang mga anak niya ibinuhos ang kanyang galit sa mundo.

Ikinulong niya si Norma sa isang asylum upang hindi na itong makipagkita pa sa kanyang kapatid. Ginawa niyang tagapagmana at susunod na taga-pangasiwa si Pyro upang maipakita sa kapatid niya na nag-tagumpay siya. Naging isang malupit na tao si Pyro kaya naman alam ni Anthony na madudurog ang puso ni Jonathan na ganoon ang kinahinatnan ng kanyang anak.

Isang gabi ay nakatanggap ng balita si Anthony, itinakas ni Jonathan si Norma. Hindi niya ito sinabi kay Pyro upang ipagpatuloy pa nito ang gusto niyang ipagawa dito.

Galit na galit siya kaya naman hinanap niya ito. Naiwan si Pyro na nangangasiwa ng buong bansa.

Natagpuan ni Anthony ang kanyang kapatid at asawa, mayroon itong dalang bagong sanggol.

Sapilitan niya itong kinuha, at nagtagumpay siya.

Pag-uwi niya ay may babae nang sagabal sa kanyang mga plano. Mukhang nakukuha na din nito ang loob ni Pyro.

Zacharias. Ang hadlang sa mga hangarin ni Anthony.

Noong strike ay nalaman niyang si Zach ang pasimuno kaya naman hindi siya nag-dalawang utos na palagyan ng pampasabog ang kanilang motor kay Arman.

Slut Keeping Facility (#Wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon