1

154 57 37
                                    


"What are you doing here, Nathan?!" Gulat na singhal ko. Tinignan ko siya nang maigi. I noticed that his physique is now even more sculpted. I mean, it's quite noticeable that his body and features matured into a fully developed man, which is mangyayari naman talaga since lalaki siya. Teka nga lang! Bat ba yon ang iniisip ko? Ugh. Sige talaga, Talia. Ayos ka dyan.


"Can we talk for a bit?" He asked. Seryosong seryoso ang mukha nito ngayon ah. Di ako sanay.


"Hindi pa ba tayo nagu-usap ng lagay na 'to? Eh teka nga! Will you answer me first? Bakit ka ba kasi nandito?" Pabalik na tanong ko sa kaniya. Ako 'tong naunang magtanong tas tatanungin niya ako pabalik. Nakakagago ha. Pero, now that I think about it, sobrang normal ko na lang makipag-usap sa kaniya. Napapangiti tuloy ako sa isip isip ko. Mukhang wala na talaga ang nakaraan namin para sa akin.


"Really? Raising you voice to your visitors?" He asked. Tinanong ko tas tatanungin ako pabalik. Tanga. "You're not my visitor, Nathan. Sinabihan mo ba akong pupunta ka dito? No, right? And besides, tingin mo ba welcome ka?"


He glared at me. Siya pa may ganang tignan ako ng masama?! The audacity of this man! I raised a brow at him. Akala niya siya lang? Sorry, palaban ako no.


"There's something I need to tell you about us." He said. My forehead creased. Huh? Anong 'us' ang pinagsasa-sabi nito? Kakasabi ko lang na wala na lang akong pake sa past namin 'tas uungkatin niya pa? Ginagago ata talaga ako nitong lalaking 'to eh.


"Anong 'it's about us', Nathan? Wait, sorry pero hindi talaga kita maintindihan." Naguguluhang turan ko. What does he mean by "us" eh diba matagal na nga kaming wala? Yung totoo? My forehead is really creasing right now because of him. Ang sakit niya sa bangs though wala ako no'n. Sa isip isip ko. 


"Slow as ever." He mockingly said. What?! Gago 'to ah! Siya na nga ang nang-abala, siya pa'tong may ganang mag-a-attitude dito?! 


"Ano?! Kung nandito ka para lang bwisitin ako pwes umalis ka na lang. Ikaw na nga 'tong nanghihimasok sa personal space ko, ikaw pa 'tong may ganang magga-ganyan? Ay nako ha!" Singhal ko sa kaniya with the hint of disbelief. Ibang klase. Seryoso bang minahal ko ang isang 'to? Bulag ba ako nuong mga panahong 'yon para magustuhan pa siya? Grabe talaga. Turan ko sa isip ko sabay iling.


"What are you being upset for? It's the truth, Talia. Hindi ka pa rin nagbabago. You're still slow as ever." He calmly said. Ay, punyeta talaga 'tong isang 'to eh. Pinapainit talaga ata nito ulo ko sa kaniya eh.


"At ikaw? Sigurado kang nagbago ka na? Talaga? Isa pa, nilinaw mo ba anong meaning mo ng "us"? Hindi diba? Basta sinabi mo na lang. So anong tingin mo mage-gets ko na agad yon? Wala akong mind-reading ability, Nathan." Sarcastic kong sagot. I even rolled my eyes at him. 


"I was just teasing you, chill. Nakakatuwa ka kasing pagtripan. Galit na galit ka pa rin tuwing makakausap ako. Are you that allergic with the idea of talking to me, Talia?" He said, mocking me. Kitang kita mo ang mapang-asar na ngiti niya na talaga namang kinaiinisan ko nuon pa man. Teasing, my ass. 


Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako nagsalitang muli. Hoo. Hingang malalim self, paalala ko sa aking sarili. Atsaka ba't ba Talia siya nang Talia dyan, close kami? "It's Natalia. Call me by my given name. Hindi tayo close para tawagin mo akong Talia." Masungit na turan ko. Alam kong okay na ako sa naging past namin pero jusko, nakakapandiring marinig na tawagin niya akong Talia gamit yung sinful voice niya. Eww.


"But why? I love calling you Talia though." He said mischievously. Now it's my time to glare at him.


Oo nga eh no? Kaya pala naging Natalia na lang ang tawag niya sakin nung mga oras na pinaplano niya na akong hiwalayan. Para wala na yung fondness diba? Pwe. 


"Just cut the fucking chase, Esqueta. Ano ba kasing tungkol sa "us" 'yang pinagsa-sasabi mo? Hindi ka naman siguro nandito para lang mang-inis diba? Syempre hindi kasi sayang lang sa oras mo yon diba?" I said, mocking his trashy pride. 


Sumeryoso bigla ang mukha niya matapos kong sabihin 'yon. Naglaho bigla ang playful side niya. Naalala niya siguro na iyon ang lagi niyang sinasabi nuon kapag maglalambing ako at hihingi sa kaniya ng pabor tulad ng lumabas naman kami para magsine o kumain. He will always say na "that's just a waste of time". 


He heaved a deep sigh before speaking. "It's about our annulment." Maikling turan niya.


"Oh? What about that? Matagal na namang ayos 'yon diba?" Walang ka-amor amor na tanong ko sa kaniya. Yung totoo? Bakit ba kasi kailangan pang maungkat ang mga bagay na matagal na ngang tapos? 


"Sad to say pero hindi. May aberya pa tayo tungkol doon." Sabi niya na talaga namang ikinagulat ko. 


What? Alam kong wala siyang nabanggit sa akin tungkol sa proseso ng annulment namin pero diba siya kasi itong eager na eager nang makipaghiwalay sa akin? That's why I thought na baka siya na ang bahala sa lahat pero ano 'to? So, bakit hindi niya inayos at inasikaso yan? Bakit may gusot pa rin? All this time akala ko Rohss na ulit ako, wag mong sabihing sa mata ng batas, apelyido niya pa rin ang nakakabit sa pangalan ko? Tangina?


"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan paring tanong ko. I need to ask him twice kasi diba malay mo namamali lang ako ng rinig? Because, the heck! That can't possibly happen! No fucking way!


"I asked my lawyer to check upon our annulment papers but when he looked into it, nakabinbin pa rin daw pala ang annulment na'tin. Ibigsabihin hindi pa talaga napapawalang bisa ang kasal na'tin, Natalia. Therefore, sa mata ng batas, you and I are still married. You're still my wife. Akin ka pa rin." Sabi nito. 


Pardon? Ano? Ano daw ang sinabi niya? Sinong kaniya? Sinong asawa niya pa rin? Ako? Excuse me?! 


"Excuse me?! Anong sabi mo?!" Singhal ko sa kaniya. Fucking hell.

Tying The Severed StringsWhere stories live. Discover now