"Akala ko ikaw na ang bahala tungkol sa annulment na yan? Ni wala na nga akong nasabi sayo diba? Kasi iniwan mo na lang ako? Kaya inakala ko ikaw na ang mag-aayos ng tungkol don. Tapos sasabihin mo sa akin ngayon, hindi pa pala tayo annulled?!" Inis na sabi ko sa kaniya. Halos naka-sigaw na nga rin ako dahil sa inis. The heck. All this time I thought okay na tapos di pa pala?
Nakaka-gago na lang talaga kasi. Sorry for the term pero sobra lang talaga yung inis ko ngayon. Don't get me wrong. Okay na ako towards him but what he said triggered some shit in me. I mean, yes, I was reminiscing our past awhile ago then he showed up then sasabihin niyang hindi pa okay yung annulment namin?
Alam mo yung parang bumalik bigla sayo ang lahat? I suddenly remembered the moment he left me kasi ayaw niya na daw. Na, I even planned to make it up to him kasi baka hindi lang siya okay noon so he's a little sulky pero anong ginawa niya? He acted like a jerk to me that time hanggang sa nag-snap na ako. Ang malala pa, nagulat ako nang bigla niya na lang sinabing hindi niya na ako mahal. And the next huge revelation that he gave me? That damn annulment.
He said we both need it. Nakakatawa nga na hindi pa ako sumasagot na payag ako ay iniwan niya na lang ako bigla sa pamamahay namin ng walang pasabi kung ano na ang mangyayari. Ang tumatak na lang sa isip ko matapos ang pagtatalo naming 'yon ay ang katotohanang hindi niya na raw ako mahal at ang kagustuhan niyang maghiwalay na kami. And so I did. I gave it to him! Nakalagay pa nga sa sulat na iniwan ko sa kaniya na sabihan niya na lang ako kung may ka-kailanganin man siya regarding sa annulment namin. Ibinigay ko sa kaniya ang gusto niya, diba? Pumayag ako sa annulment na sinasabi niya, kahit pa ayaw ko naman talaga, tapos ganito?! Malalaman ko, hindi pa pala napapasawalang bisa ang kasal namin?!
"Don't put all the blame on me, Talia! I know that the job regarding our annulment is on me but I also have other things to do! I have to work my ass off for the company I'm handling! That's why I resorted into hiring someone who can work on our annulment! Malay ko bang nakabinbin pa rin pala 'yon?" He shouted. At may gana pa talaga siyang magalit?! May karapatan ba siya? Tangina niya?!
We became silent after his statement. So ano na? Lintek na 'yan. Parang nagwi-wish lang ako kanina nang matahimik na buhay tas biglang ganito? Bakit naman ganon?
I need to speak up. Kahit ano na. Sa isip isip ko."So you came here just to inform me about it? You can just call me or text me. Sayang lang sa oras mo ang pagpunta mo rito." Mapait na sabi ko sa kaniya.
"I tried calling your old number but no one's answering. I guess you changed it after we got separated, which I think is natural. So then, how the hell am I supposed to call or text you just like what you're imposing on me, Talia? Niloloko mo ba ako?" He said, irritatedly.
Oh damn, he's right. Nagpalit nga pala ako ng number makalipas ang ilang buwan simula nang maghiwalay kami. "Sorry, my fault. I forgot about that. Anyway, since you have done your agenda, I think you can go now, right?" Halata mo sa boses ko na gusto ko na talaga siyang umalis. Duh, ayokong magtagal pa siya dito.
"I am here not just to inform you about it." He said. Oh, dear God. Ano pa bang kailangan niya?!
"Ah, so may iba ka pa palang rason sa pagpunta mo dito? Okay. Let's hear it then. Para makaalis ka na." Sambit kong muli.
"Are you that impatient to see me leave you here? Alright, I will directly tell you the second reason why I am here. I need someone to pretend as my wife. I need to stop all the issues buzzing around me." He said without pause. Oh? So anong relate non sakin?
"And so?" Walang kainte-interes na sambit ko.
He sighed. "I need you to pretend as my wife, that's what I'm saying."
Napakunot na naman ang nuo ko dahil sa sinabi niya. "So ano nang akala mo na sa'kin ngayon? Actress? Hire someone who's suited for that job! My god, Nathan! Umalis ka na nga! Alis!" Pagtataboy kong muli sa kaniya. Sinisira niya ang umaga ko, nakakainis!
"Fuck. Why are you so hard to deal with, Talia? I just need you to pretend as my wife! I mean, do you even need to pretend when you're still legally married to me?" Naiinis na sambit niya. Aba'y punyeta. He's really gonna push this idea to me? Really?
"Excuse me? It's your fucking fault that our annulment isn't legally effective yet! Stop slapping that freaking disgusting idea to me! At sa tingin mo, gu-gustuhin kong magpanggap bilang asawa mo? Tangina, manigas ka!" Singhal ko sa kaniya.
Sinong gugustuhing makasama pa siya? Oo sige aaminin kong gwapo siya, mayaman, malakas ang appeal. It is possible for him to get whoever he wants but not me! Matapos niyang iparamdam sa'kin yung sakit nang bigla niyang pagka-fall out of love sa akin dahil boring na daw ako? Yung sakit na bumitaw na lang siya agad at naghanap na ng iba? Kahit ako mahal ko pa siya at gusto pang lumaban? Hindi na no! Hindi na para aksayahin ko yung oras ko para sa kaniya!
"Watch your mouth, Lady. Isa pa, you don't have a choice, Talia." He said. Bakit ba ang lakas lakas ng apog nitong isang 'to? Ang sarap niyang suntukin sa totoo lang. Kanina pa umiinit ang ulo ko dahil sa kaniya.
"How sure are you that I don't have any choices for this matter, huh, Nathan?" Inis na tanong ko. I was even raising brow at him already. "Hundred percent sure." Proud na sagot niya. Unti na lang papatulan ko na talaga siya. Naiinis na talaga ako.
"Ah, talaga ba?" Mapanghamak na sabi ko. "Yes, kasi kung hindi mo gagawin ang sinasabi ko sayo..." Pa-suspense na sabi niya.
"Ano? Anong gagawin mo ha?" Singhal ko sa kaniya.
He suddenly smirked. Mukhang hindi maganda ang kutob ko dito, turan ko sa aking sarili. "You will lose this land."
YOU ARE READING
Tying The Severed Strings
RomanceLiving in peace, Natalia started reminiscing her failed marriage and right there and then, her ex-husband showed up. [Warning: Lots of grammatical errors]