4

110 44 6
                                    


Lumipas ang 1 buwan mula nang una kaming nagkita ni Nathan and now, I'm here outside this gigantic house and to be specific, it's the house we used to live while we're still married.


"Kailangan ba talaga na dito pa ako tumira?" Inis na tanong ko kay Nathan. Bakit ba kasi kailangan pang dito ako tumira sa maynila? Ang mas malala pa nito, sa dating bahay namin ako titira! Pwede naman kasing sa probinsya na lang, ang dami pa kasing arte. Napapairap na lang tuloy ako. Kainis naman kasi!


"It's not just you who'll be living here. Dito na rin ako titira from now on." He replied. Napabaling ako bigla ng tingin sa kaniya. What the heck? 


"At bakit, dito ka rin titira? Ayokong makasama ka sa iisang bubong, Nathan." Asik ko dito. Ayoko na nga sa ideyang dito ako sa dating bahay namin titira tas dadagdagan niya pa? Lintek naman na yan.


"You choose then, Talia. I'll live here in a separate room or I'll come at your room every night then I'll sleep beside you? Don't worry, you'll not see me the moment you wake up. I'll probably be back in my office by that time. So, what's your pick?" Tanong nito sakin, widely smiling that hints some naughtiness in it. Ponyeta talaga. Ayos.


"Fine. Live here. Just make sure you won't be crawling inside my room or else, I'll kill you." I said, threatening him. Pinanlakihan ko pati siya ng mata. The nerve of this guy. Giving me options na parehong pabor sa kaniya, letche.


"Ohh, I'm so scared, hon." Sabi niya sabay aktong akala mong natatakot. I just rolled my eyes on him. He's still the same. He's still the Nathan who would always tease you and would play around. Damn, parang bata. Isip bata.


"Stop calling me 'hon', will you? It's disgusting." I said, in disgust. "Why? We used to call each other that endearment right?" Inosenteng sagot niya sa akin. Is he really pissing me off? 


He carried all of my luggage inside a room. I noticed that the room seem familiar to me. "It brings back memories right, hon?" He teased. Gago talaga.


I just shrugged it off. Tama naman siya. It brings back memories cause it's our shared room, well, back at the time that we're still together though. "This will be my room?" I asked.


"Yes. Do'n ako sa guest room sa tapat nitong kwarto so that if anything happens, I could immediately help you." Sabi nito nang maibaba na ang lahat ng bagahe ko. "No thanks. I can handle myself." Pag-turn down ko sa suggestion niya.


"If you say so." Sabi niya. I started unpacking my clothes. Hm, marami rami rin pala akong nadalang pairs ng undies ko. Syempre sinigurado ko rin na marami akong dalang damit diba. Ayoko namang bumili nang bumili ng bago porket nandito ako ngayon sa maynila. Pero, hm.. pwede rin.


"A-ahem ahem." Napitlag at napatigil ako sa pagtatanggal ng mga damit ko mula sa aking maleta. Late ko nang na-realize yung katangahan ko. Putcha, nandito pa pala si Nathan eh undies pa man din ang inuna kong alisin sa maleta ko! Punyeta!


He faked a cough again. Tangina niya, talaga namang di pa siya umalis? Nakita niya na ngang undies ko inuna ko? Hindi niya pa na-gets yung hint na "umalis ka na, undies niya inuuna niyang i-unpack sa bagahe niya. For sure, di niya alam na nandyan ka pa". Kainis. "Uh-- I'll be in my room now. Aayusin ko pa rin ang mga gamit ko." Sabi niya at saka umalis. Shit! Shit talaga!


I stood up and made sure to lock my door. I sat on the floor again and continued unpacking all of my luggage. I looked around to search for any closet then I realized that almost all the things in here was just like how it is in the past. My favorite closet and Nathan's closet are still here. My vanity table was still in it's place. The bed wasn't altered either. 


Why did he keep all these things? I mean, I thought he'll sell all of these even the house but he didn't. What for?  


Instead of continuing my confusions, I just roamed around the room. Wala nga talagang nabago. I entered the restroom and it looks just like how it is back then. The design na talagang pinili ko pa noon bago namin ito ipatayo. Bago pa ang mismong kasal namin. Syempre, plinano namin ang lahat. Simula sa kasal, kahit pa sa huwes lang iyon, hanggang sa bahay na tutuluyan namin. 


Actually, minadali namin ang lahat pero hindi naging mahirap sa amin para ipatayo ang bahay na'to dahil na rin sa talaga namang mayaman ang pamilya ni Nathan. I was insisting na wag na siyang gumastos ng pera ng mga magulang niya for our house since hindi naman payag ang mga ito sa relasyon naming dalawa but he still did it. Wala naman na rin akong nagawa para pigilan siya. Kaya naman ang bahay na ito, itong kwarto.. lahat lahat ng parte nito, ang siya naman talagang nakasaksi ng pagmamahalan namin ni Nathan. Ni pagtatalo, maaalala mong lahat dito. Sa kahit anong sulok ka tumingin, may maaalala ka. 


I went out of the bathroom and immediately went to my favorite place, our balcony. Dito kami laging nagpapalamig. Dito kami nagkukwentuhan, soundtrip, kulitan, kainan.. lahat na. Dito rin namin plinano kung ilang anak ang gusto namin. Kaya nga we have enough rooms dito sa bahay na ito kasi naman, gusto ni Nathan ng maraming anak. Natatawa ako tuwing naaalala ko ang usapan naming iyon.



[analepsis]

December 06, 20XX

"Talia, how many kids do you want?" He asked. "Bakit mo biglang naitanong yan?" Tanong ko sabay inom ng wine na nasa wine glass ko. I was sitting in our wooden outdoor bench while looking at view. 


"Wala naman. Gusto ko lang malaman." He said. "Hm, dalawa siguro? Ang hirap kasi maging isang anak lang. I know you know how hard it is to be an only child kasi ganon ka." I answered.


"Parang ikaw hindi ah." Sabi nito sa akin. Well, tama nga naman siya. Nag-iisa rin akong anak. 


"Kaya nga diba? Kaya siguro mga dalawa para diba hindi lang basta nag-iisa. Posibleng lagi silang magtalo pero alam kong magiging magkakampi sila sa kahit anong laban." Seryosong sabi ko. I am really longing for a younger sister or brother but my parents said no to it. Gusto daw kasi nilang maging hand-ons sa'kin noon.


"Well, I do agree with your idea but I want more than two kids, Talia." He stated. "What?" I asked.


"How about we create a basketball team?" He asked me in return. Napasinghap ako bigla. Seryoso ba siya?! "Are you out of your mind?! Ang hirap kaya manganak? Anong akala mo sakin, paanakan?" 


"Hindi naman sa ganon but you know, I really want a basketball team, Talia. Please?" He said, pleaded while pouting. "Ano ka ba! Ayoko!" I immediately refused. 


"You will not be able to say no if we start making them now right?" He suddenly said. "Anong sabi---" Hindi na ako nakapagsalita pa because he already carried me papunta sa aming kama.



[present time]

Napitlag ako nang may bigla akong marinig na katok mula sa pinto. Dali dali akong tumungo dito at binuksan ito. "Kakain na po, Miss Talia." Sabi ng isa sa mga maid.


"Ah, sige. Susunod na ako." I responded.

Tying The Severed StringsWhere stories live. Discover now