Simula

19 3 0
                                    

Simula

Dream


Hindi pa rin ako makapaniwala sa napanaginipan ko. Sobrang unusual kasi, ibang iba sa mga panaginip ko dati. Nasa isang magical world ako and of course may powers din. But I'm happy though, since I was a kid kasi dream ko na talaga yun, yun kasi ang madalas kong panoorin at basahin sa mga books.

Bumangon na ako at nag-ready na pumasok sa school, bago pa ako malate pero minsan naman kasi wala kaming first class, it's either late or absent ang prof namin. Pagkatapos ko mag-ayos ay dumiretso na agad ako sa garage namin since pumasok naman na sila mommy sa work nila at only child lang naman ako kaya diretso school na ako at doon na lang ako kakain ng breakfast.

Pagdating ko sa room ay sinalubong agad ako ni Klare. "Good morning Zafy," naka-ngiti nitong bati.

"Morning rin."

"Oh bakit parang hindi maganda gising mo?" usisa nito.

"Wala lang, nawe-weird-an lang ako sa panaginip ko. Like I was in a magical world with siblings and a lover, and not just like that it feels like it's real."

"Akala ko naman kung ano, normal lang yan ano ka ba. Huwag mo ng isipin yan."

Pero kahit hindi ko naman isipin kusang pumapasok sa isip ko, ang weird talaga.

Natapos ang ang time namin for first class and as usual wala si Prof. Garcia, second class ay naging busy kami kaya medyo nawala sa isip ko yung panaginip ko pero nung nag-third sub na kami kung saan ay boring ang class ay pumasok na naman sa isip ko yung dream na yun.

"Hoy girl ano? Tulala ka dyan? Iniisip mo na naman ba?" tanong ni Klare habang nilalapag ang pagkain namin sa table.

"Can't help it e."

"Nako, gutom lang yan kumain ka na dyan," at sinubuan ako ng fries sa bibig, kaya wala na akong nagawa kundi kumain na nga.

Lumipas ang buong araw at nandun pa rin sa isip ko yung panaginip.

"Girl, sleepover tayo mamaya tutal may business trip naman sila Tita Amber," aya sa akin ni Klare habang naglalakad kami dito sa quadrangle ng school.

"Okay," pagsang-ayon ko dahil alam kong hindi niya ako titigilan.

"Yes."

At pagtapos nga ng class namin ay sa condo niya na kami dumiretso. Parang magkapatid na din kami ni Klare, simula bata pa lang kasi kami ay magkasama na kami. Kaya kahit sa condo niya ay may mga gamit din ako.

"Ano palang kakainin natin mamaya?" tanong ko dahil baka ready to eat na naman ang kainin namin sa condo niya.

"Don't worry nagpaluto ako kay manang ng totoong pagkain," tumatawang sabi nito, buti naman, sawa na ako sa mga noodles.

Pagdating sa condo niya ay agad kaming naligo at nagbihis, pagkatapos ay kumain. After kumain ay gumawa muna kami ng assignments at nang natapos na ang mga mahahalagang dapat gawin ay nanood kami ng movie sa kwarto niya, nilagyan namin ng sleep timer yung tv niya para kahit makatulog kami ay alam naming mamamatay ng kusa yung TV.

"Zafy, gising," naramdaman kong may umaalog sa akin, "Zafy gising, bakit ka ba naiyak tsaka sumisigaw?" inalog ulit ako nito hanggang sa tuluyan na nga akong nagising.

"Hoy girl bakit ka naiyak? Anong nangyari?" tarantang tanong ni Klare sa akin.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ko siya sagutin, "Napanaginipan ko na naman Klare, at sa panaginip kong iyon ay muntik ng mamatay ang isa sa mga kapatid ko."

I tell her what my dream all about, at hindi din siya makapaniwala dito.

Lumipas ang mga araw ay tuloy tuloy ko pa ring napapanaginipan iyon. Para bang araw-araw din ng buhay ko yun, ang pagkakaiba nga lang ay panaginip lang yun.

Lagi kong sinasabi yun at paulit ulit din siyang namamangha dun. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil sobrang amazing naman kasi talaga ng mga nangyayari sa panaginip ko.

"Grabe, hindi kaya naglu-lucid dream ka lang?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Pero hindi naman ako nagni-nightmare after that dream e, minsan lang din naman ako umiyak kapag nasasaktan ako doon sa panaginip ko kaya I don't think that it's a lucid dream."

"Sabagay, pero sobrang ganda talaga ng panaginip mo. But ang tanong bakit mo napapanaginipan yun?" kahit ako ay nagtataka kung bakit.

"Ewan, pero kung ano man yun at least naranasan kong mabuhay at manirahan sa lugar na ganun," naka-ngiti kong sabi.

At gaya din ng nakalipas na mga araw ay yun ang pinagkwekwentuhan namin, minsan iba pero dun pa rin ang bagsak.

"Zafy, sleepover ulit tayo mamaya," aya niya na naman. "Or mag-bar tayo."

"Sige mag-bar tayo tutal friday naman ngayon tapos wala din naman tayong class bukas," sabi ko habang nagliligpit ng mga gamit, lilipat kasi kami ng room for our lab subject after nun uwian na namin.

"Yes. Sa condo na lang tayo dumiretso ah," masayang sabi nito.

"Yes, Madam," natatawa kong sabi.

Hinila ako nito palabas ng room namin at habang naglalakad kami ay sinasabi niya kung anong plano niya for our outfit for tonight's night out.

"Sa Xylo or Island tayo?" tanong niya sa akin.

"Kahit saan, ganun lang din naman yun. Pinagkaiba lang kung anong class yung nandun at kung gaano kasaya."

Siya ang pinag-decide ko kung saang bar kami magni-night out kasi kahit saan naman ay okay lang sa akin as long as kasama ko siya kasi nakakahiya din minsan kung mag- isa ka lang. And might be someone will be hitting on you or, worst, harassed you, and I don't want that to happen.

After ng lab class namin ay nagmamadaling umuwi si Klare sa condo niya kaya hinila niya agad ako palabas ng classroom after our prof say goodbye to us. Sobrang excited niya talaga mag-bar.

Nang makarating kami sa condo niya ay nagbihis agad kami at nag-ayos ng buhok at mukha, inabot din kami ng tatlong oras sa pag-aayos.

"So sa Xylo na lang muna tayo tapos lipat tayo sa Island, nagpa-reserve naman na sila Chelseah doon," sabi ni Klare habang nasa elevator kami papuntang carpark ng kanyang condo.

"Okay."

Pagdating sa Xylo ay bumati muna kami sa mga kakilala namin bago nakisalo sa iba pa naming kaibigan at uminom na nga kami.

Habang nagkakasaya kami ay may nararamdaman akong nakatitig sa akin at pagtingin ko ay si Brix lang pala, taga-SLU na may gusto raw sa akin. Nang makita ako ni Brix ay ngumiti lang ito sa akin at tumango, at dahil mabait ako ay nginitian ko lang din siya.

After two hours ay nagpasya naman kaming magkakaibigan na pumunta sa Island para ituloy ang pag-party namin.

At hindi ko na alam kung paano kami uuwi nito ni Klare, siguro tatawagan na lang namin si Manong Albert para sunduin kami.

Pagdating namin sa Island ay tuloy tuloy ang pagparty namin at masasabi kong deserve naming magkakaibigan mag-party ngayon dahil sobrang stress na kami sa school.



sparklyayla

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon