Kabanata 2

19 3 0
                                    

Kabanata 2

Zale


"Zafy, sure ka ba na hindi na talaga galit si Aust?" tanong ni Klare, actually kanina pa niya tinatanong.

Nasa library kami ngayon, nagpapalipas ng oras habang hinihintay ko si Skylar, dahil sabay kaming uuwi. Simula nung nainis siya sa akin ay lagi niya na akong sinasabay pauwi tsaka sa pagpasok, bantay sarado ako sa kanya.

"Oo nga, and he's not mad, he's pissed that time," sabi ko at tiningnan siya saglit.

"Inis ba yun? Eh mukha kaya siyang galit, kung wala ka siguro dun ay bumuga na yun ng apoy," natatawa niya sabi.

"Baliw ka talaga," tawa kong sabi. "Bakit mo ba tinatanong? Kanina ka pa," dagdag ko pa.

"Eh kasi balik ko sanang ayain ka na mag-bar tayo ulit, kasi girl nas-stress na ako dito sa mga ginagawa natin," sabi niya habang uma-acting na frustrated siya.

"Baliw ka ba? Alam mong first subject natin si Prof. Gracia bukas," natatawa kong sabi.

"Hanggang 11 pm lang naman tayo tapos sa condo na lang tayo matulog kasi nandun naman si manang, sure na may gigising sa atin," pagpapaliwanag niya pa. "Tsaka papaalam kita kay Aust, ayoko na magalit ulit yun. Daig niya pa sila Tito grabe," tumatawag sabi niya.

"Fine, basta ikaw ang magsabi kay Skylar," sabi ko na lang para tumigil siya.

Pagdating nila Skylar ay nag-paalam agad si Klare, muntik ng hindi pumayag si Skylar pero nung sinabi ni Klare na pwede naman siya sumama at ihatid kami pauwi sa condo niya ay pumayag naman na si Skylar. Pagkatapos mag-usap sandali ay umalis na kami, hindi na ako sumabay kay Klare since ayaw pumayag ni Skylar na hindi ako tumigil kahit saglit man lang sa bahay, kaya doon na lang ako nag-palit ng damit at tsaka nag-ayos, pagkatapos ko ay bumaba na ako at dumiretso sa kotse ni Skylar .

Nag-inom at sumayaw lang kami like the usual pero ako may limits dahil kasama namin si Skylar. At gaya ng napag-usapan ay hanggang 11 pm lang kami sa bar. Hinatid kami saglit ni Skylar at pagkatapos ay umalis din ng masiguradong safe na kami sa condo ni Klare.



"Kamusta pag-eensayo mo?" Tanong ni Eirwen.

Nakakapagod na mag-ensayo, simula ng tumuntong ako sa limang taong gulang ay pina-simulan na ni Ama ang pag-eensayo sa amin para daw mahasa namin nang maaga ang kakayahan naming magkakapatid.

"Oo tapos na. Ikaw?" Tanong ko habang nagpapatuyo ng pawis.

Pinagmamasdan ko ang mga nakapaligid na mga armas sa loob ng kwarto kung saan kami nag-eensayo magkakapatid. Hindi biro ang pinagdaanan naming bawat isa sa tuwing kailangan namin mag-ensayo. Pero sa aming apat na magkakapatid ay isa lang ang nakitaan nila Ama ng kahinaan at iyon ay si Sefarina. Hindi niya masyadong mailabas ang ipinagkaloob sa kaniya.

"Malapit na matapos. Pagtapos ko ay punta tayong batis," aya niya sa akin.

"Doon pa rin ba sa dati?" Tanong ko dahil baka kung saan na naman kami pumunta dahil nung nakaraan ay inaya niya akong pumunta ng burol at akala ko ay sa may Gresgo at muntik na kaming sugurin nang mga tao roon mabuti na lang at nakita kami nang kilala namin doon at naudlot ang pag-atake sa amin.

"Oo doon pa rin sa Siren. Alam ko namang hindi ka sasama kung aayain kita sa Ekhart," nakangisi niyang sambit.

Naalala ko na naman.

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon