Kabanata 6
Iwas
After that night, something changed with us. When we go back to the Metro, we are silent, and there's an awkward atmosphere inside the car. And at school, we rarely see each other. I am always with Klare all the time, and I go home early.
"Hey what happened to you and Aust?" tanong ni Klare habang naglalakad kami papunta kiosk. "Parang ang dalang niyong magpansinan, tsaka hindi na rin kayo sabay pumasok at umuuwi, may nangyari ba sa inyo sa Tagaytay?" dagdag niya pa.
"Grabe ang halay ng 'may nangyari' ah. Wala naman, busy siguro siya," palusot ko.
"Gaga, 'wag nga ako. Ano nga? Kapag hindi mo sinabi kay Aust ako magtatanong kahit bugahan pa ako nun ng apoy," pagpipilit niya.
"Ikaw din gaga, anong bubugahan ng apoy? Ano dragon si Skylar?" Natatawang sabi ko.
"Ano nga kasing nangyari? Ito parang hindi friends e, tsaka sa akin ka pa talaga naglilihim ngayon? Grabe, nakakasakit ka ng damdamin, Zafy," sabi niya at kunwaring naluluha.
"Grabe, ang arte mo ngayon ah, ito na sasabihin ko na, huwag ka na magdrama dyan," tumatawa kong sambit.
Ikwinento ko sa kanya ang nangyari pero hindi ko na binanggit pa na umamin sa akin si Skylar, aasarin lang ako ng babaeng 'to kung sasabihin ko sa kanya.
"Ngayong alam mo na, tumigil ka na sa pangungulit ah," sabi ko sa kanya matapos kong ikwento sa kanya.
"Sus, parang may kulang sa kwento mo, siguro umamin sayo si Aust niyo kaya nag-iiwasan kayo," nang-aasar niyang sabi. Hala, manghuhula ba itong kaibigan ko?
"Saan mo naman napulot yan? Tsaka hindi nga kami nag-iiwasan, busy nga," palusot ko ulit.
"Ah talaga? Sige kunwari naniniwala ako," sabi niya at inirapan ako.
"Tigil ka na nga. Alamo mo mag-mall na lang tayo para magtigil ka na," aya ko sa kanya na agad niya rin namang sinang-ayunan.
Naglilibot libot lang kami sa mall at nag-shopping na rin kasi may sale, syempre susulitin na rin namin yun. After bumili ng kung ano ano ay nag-aya na akong kumain dahil nagutom ako kakapamili ng mga damit at kung ano ano pa, tsaka para maka-uwi na rin at magpahinga.
Habang papunta kami sa KFC ay nakita ko si Skylar kasama sila Gavin at mukhang makakasalubong pa namin sila.
"Babe! Sila Aust oh, tsaka si Papi Gavin ahhh," tili ng kasama kong babae kaya may mga napatingin sa amin.
"Gaga ka, kung makatili ka riyan akala mo kung sino na ang nakita mo e si Gavin lang naman yan, duh" suway ko rito at inirapan niya lang ako.
"What? Gavin lang? Babe that's the love of my life. You hurt my feelings, kanina ka pa ah," madrama niyang sabi.
"Oh? E ano naman ngayon kung nandyan sila Gavin?"
"Ayain natin babe, baka ito na ang chance pa mapasa akin si Papi Gavin," maharot na sabi niya at parang nakislap pa ang kanyang mata.
"Napakaharot mo, tsaka huwag na baka nakakain na 'yang mga yan," palusot ko kahit na parang naghahanap din ng makakainan ang magkakaibigan.
"Sus, nandyan lang kasi si Aust e, pero bahala ka aayain ko sila," nang-aasar na ngumiti ito sa akin at humiwalay sa pagkakahawak sa akin para sa lapitan sila Skylar at inaya nga niya.
Nako, kung hindi ko lang kaibigan yung babaeng 'yon baka masabunutan ko na siya at iwan mag-isa dito kahit na gutom ako. Na-iwas nga ako kay Skylar e tapos ito siya parang tanga, inuuna ang love life niya kesa sa akin na kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Just A Dream
Short StorySky Zafyra Laurier started dreaming of being one magical creature in her dream, but not just an ordinary dream. Her dream seems like her life in another life. She has siblings there where she's happy about and a lover. A lover that, even if in her l...