Umalingawngaw ang tunog ng final whistle sa buong field, tumutukoy na tapos na nga ang laro. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga habang nasa bewang ang dalawang kamay. I was catching my breath after running and running. Lagpas isang oras din ang tinagal ng buong laro. Bumaling ako sa direksyon kung saan ang scoreboard at tinignan ito.
5-14
Kahit Championship na 'to, it was a chill game for me, not that I'm bragging. Mahina kasi ang depensa ng kalaban naming team. Halata rin na kailangan pa nilang pagbutihin ang communication nila sa isa't-isa.
Pang finals na talaga nila 'yon? Kidding.
I scored 6 goals for today's match. Mainly because I am the striker of our team but of course, good teamwork is still the bottomline when it comes to winning.
"And this year's Summer Cup's Under-18 Women's Football Champion is, La Fuerza FC! Congratulations!" Umingay ang paligid dahil sa mga cheers para sa amin.
Masaya ang mga teammates ko sa pagka-panalo namin. Naghiyawan din ang mga taong sumusuporta sa amin sa paligid. Lumapit na ako sa mga kasama kong nagtatalon-talon at nagyayakapan. Huminto muna kami sa pagdiwang para lapitan ang kabilang team at i-congratulate pa rin sila dahil sa isang magandang laro.
Kahit na alam kong masama ang loob nila sa pagkatalo, I still admire them for being fair. Hindi sila maruming maglaro. Defeating their team means being this year's champion sa Summer Cup. It's the last tournament bago mag pasukan.
Pagkatapos makipagbati ay tinawag na kami ni coach pabalik. Ang iba kong mga kasama ay tumakbo sa direksyon niya at para na rin makasilong dahil matagal-tagal din kaming nabilad sa init. Kahit natapos na ang laro, pinagpapawisan pa rin ako dahil ang init init ngayong hapon. Well, it comes with the sport. Saktong alas tres kasi ang match namin dahil nauna ang boys.
Inakbayan ako ni Jana, ang team captain namin. Matangkad siya ng kaunti sa akin at medyo payat ang pangangatawan.
"Iba talaga kapag football is life, palaging nangangamoy MVP! It runs in the blood eh." Ngumisi siya sakin.
Nagkibit ako ng balikat at tumawa bahagya. Playing football really runs in our family's blood at dahil ganoon din si Daddy na hanggang ngayon ay kilala pa rin bilang isa sa mga pinakamahusay na manlalaro sa bansa.
Naging team captain siya noon ng Philippine team at na-recruite para sa isang sikat din na international team na tinanggihan naman niya.
Simula pa noong bata ako, palagi akong sinasama ni Daddy sa stadium tuwing may practice sila. Dahil exposed ako sa ganoong environment, nakahiligan ko na rin ang sport na ito at nang mapansin iyon ni Daddy, he started training me at a young age. Hindi naman tutol si Mommy, though. In fact, silang dalawa mismo ang nag-eencourage sa akin na magpatuloy as long as gusto ko.
In the long run, my father opened a sports center para sa gustong magpa-train sa football. Nag-donate din siya sa mga charity at nagsimula rin ng iba't-ibang foundation related to sports. He gave scholarships to aspiring student athletes as well. I admire my dad so much because of his passion at sa pagiging genuine. Ganoon din si mom dahil she's so supportive and understanding.
Pabiro akong hinampas ni Jana. "Asus. Pa humble ka talaga." She winked at me.
Umiling nalang ako at nang nakumpleto na ang lahat, nag form na kami ng circle dahil may sasabihin daw si coach.
"Congratulations Team! Tinambakan niyo talaga ah!" Dahil doon, nag hiyawan ang iba kong mga kasama at nagsitawanan kami.
"Pagpatuloy niyo lang ang ginagawa niyo. I am pleased that your communication as a team improved. I have no comment when it comes to your individual skills since I can see that each of you are executing your roles well. As for the things that you girls still need to work on, una ay ang defense niyo and then ang passing, at goalkeeping."
YOU ARE READING
17 Minutes of Despair
Подростковая литератураBeing the daughter of a former member of the country's Football Team, Yuna Rivelle Ciervo made a name of her own in the same field. With a supportive family, possessing both beauty and brains, as well as having a natural talent in the sport, everyth...