Kabanata 2

14 0 0
                                    

Kabanata 2

Audience

Kinabukasan, maaga ulit akong nagising. For my outfit today, I chose to wear basic clothing. Isang plain na puting shirt ang pang-itaas ko samantalang kulay cinammon brown naman ang suot kong straight ankle length trousers. I tucked my shirt in and also wore a white beanie. A black low cut Chuck taylors completed my look.

May lakad sina Mommy at Daddy ngayon kaya sabay kaming tatlo kumain ng breakfast.

"Kumusta nga pala kahapon, anak? Maayos ba ang bagong school mo?" Tanong sa akin ni Daddy.

"Opo, maayos naman po, Dad. Ay oo nga pala, I met Coach Hernan kahapon, pinakilala po ako ni Kuya Wayne."

Totoong maayos naman ang unang araw ko kahapon. Nagkabudol-budol lang nang nagsimulang pumasok sa eksena ang unggoy na Corbin.

"Oh? Doon din pala nag-aaral si Wayne?" Si Mommy.

"Opo, My. 3rd year na po siya sa kursong Business Ad. 'Tsaka nga po pala, magta-tryout po ako para sa Junior Varsity ng school sa Friday."

Napangiti si Daddy sa sinabi ko.

"That's great anak! Do well on your tryouts, okay? May tiwala ako sa skills mo."

"Pagbubutihin ko po. Thank you, Dad."

Sumabay din ang mga magulang ko sa paghatid sa akin sa school. Nang tumigil na nga ang sasakyan namin sa tapat ng gate, sinuot ko na sa aking likod ang bag kong Louis Vuitton Palm Springs mini backpack. I also kissed the cheeks of my parents before going out of the car. Hinintay ko munang umalis ang aming sasakyan bago na pumasok sa loob. As usual, I was early for school again. Ang sabi kahapon, hahanapin nalang daw namin ang aming pangalan kasama na kung anong section at room kami sa ipo-post nilang papers sa bulletin board kaya naman dumiretso na ako doon.

Letters ang basehan ng kanilang sectioning. Nahanap ko rin ang aking section pati na rin kung saang building kami naka-assign. Naglakad na ako patungo sa aming classroom. Hindi rin naman nagtagal ay nahanap ko kaagad ito. Medyo may kalayuan nga lang sa gates ng school. Ang unang building kasi na malapit sa entrance ng school ay yung parang Main Building kung saan ang Registrar, Finance Office, at ang Faculty Room ng mga teachers. Ang nasa likod naman nito ay ang building na ng Elementary level. Mas maaga kasi silang nagsisimula ng klase kaya naman napansin kong maraming estudyante sa kanilang building.

Ang katabi naman ng building nila ay ang Junior High na at sa likod ng dalawa ay ang gym na para lamang sa kanilang level. Sa gilid din ng gym ay naroon ang cafeteria nila. Pagkatapos ay ang building na kung saan ang theatre hall at gym din ng parehong Senior High at College. Dito kami nag-orientation kahapon, sa may second floor. At sa likod naman nito ay ang building ng Senior High department. Nahahati ang bawat palapag depende sa kung anong track ang kinuha mo. Sa unang palapag ay ang GAS. HUMSS naman ang sa second floor. Sakop naman ng ABM na strand ang buong ikatlong palapag habang ang STEM naman, ang kinuha kong strand, ay parehong nasa fourth at fifth floor.

Ang saklap naman ng mga mala-late nito, fun run na nga mula sa gate, magma-marathon pa sila papunta sa taas ng building. Swerte ko nalang dahil sanay ang mga paa ko sa ganito. A little exercise every morning won't hurt. I let out an exhale nang makarating ako sa tamang palapag. May mga students na rin sa bawat floor. Mabuti nalang at natagpuan ko rin ang classroom ko dito sa fourth floor. Akala ko naman aakyat pa ako papuntang fifth.

Pumasok na ako sa loob. There were at least 17 students in our room. Ang mga nag-iingay ay ang mga old students siguro na dito nag Junior High pero mas marami pa rin ang napansin kong tahimik lang sa kanilang upuan. Siguro ay mga transferee rin katulad ko.

17 Minutes of DespairWhere stories live. Discover now